Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Anne Curtis, 5 years pa ang palilipasin bago pakasal kay Paulo Araneta! 

Anne Curtis, 5 years pa ang palilipasin bago pakasal kay Paulo Araneta! 

Author: Dondon Sermino
Column: Palaban 'To No!

PARANG katulad ng mga pelikulang nagawa ni Fernando Poe, Jr., na ang kabutihan pa rin ang siyang nananaig kesa sa kasamaan sa bandang huli. �Yan ang inaasam ng mga taong nagmamahal kay Da King, na sa bandang huli ay ang katotohanan pa rin ang mamayani.

Siyempre, ang tungkol sa pulitika pa rin ang sentro ng usapin kapag nababanggit ang salitang katotohanan. Hanggang ngayon nga ay marami pa rin ang nagtatanong tungkol sa katotohanan.

Tulad ng inaasahan, dumagsa ang mga kaibigan sa showbiz at pulitika nina FPJ at Susan Roces sa inauguration ng memorabilia ni FPJ noong Martes ng gabi sa Mowelfund Plaza.

Ayon sa report ng photographer ng Abante na si Boy Borja, dumating sina former President Cory Aquino, Dolphy, Mayor Jejomar Binay, Mayor Vilma Santos, Eddie Garcia, Sen. Bong Revilla, Jr., Sen. Jinggoy Estrada, former Sen. Tito Sotto at Helen Gamboa;

Congressman Chiz Escudero, Sen. Lito Lapid, German Moreno, Atty. Esperidion Laxa, Mother Lily Monteverde, Dulce, Tirso Cruz III, Phillip Salvador, Evangeline Pascual, Maria Isabel Lopez, Bing Loyzaga, Sheryl Cruz, direk Joel Lamangan, direk Boots Plata, direk Mel Chionglo at marami pang iba.

Hanggang ngayon, bagamat isang taon na ang nakalilipas mula nang pumanaw si FPJ, marami pa rin ang hindi matanggap na wala na siya sa lupa. Lalo na sa ganitong panahon ng Kapaskuhan, na kung may isang tao sa showbiz, na palagi ay nauuna sa pagbibigay ng regalo sa mga taga-showbiz, si FPJ na �yon.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat, na maraming taga-showbiz ang umaasa kay FPJ, lalo na kapag Pasko. Para sa kanila, nagiging masaya ang Pasko nila kapag nasa paligid na si FPJ.

At mas dumudoble pa ang kaligayahan nila kapag may pelikulang kasali si FPJ sa Metro Manila Film Festival. Kasi nga, halos araw-araw ay nakakasama nila si FPJ sa syuting man o sa iba�t ibang party sa showbiz.

Sa totoo lang, kapag ganitong panahon, palagi na ay bumabalik sa aming alaala ang masarap na pagsasalo ng ilang miyembro ng movie press kasama si FPJ.

Si Tito Ross Celino na malapit na kaibigan ni FPJ ang madalas na may pasimuno sa ganu�ng pagtitipon, na nahaharap niya ang mga miyembro ng manunulat sa showbiz.

Nakakalungkot nga lang na pati si Tito Ross ay madalang na rin naming makita ngayon. Hindi na rin siya aktibo sa showbiz.

Kung maibabalik lang talaga ang panahon�

Ngayong darating na Pasko, sabay-sabay pa rin nating batiin si FPJ ng Maligayang Pasko!

***

Kakainin nga ba ni Anne Curtis ang kanyang sinabi na hinding-hindi siya maghuhubad sa harap ng kamera? Gaano katotoo na sa susunod na taon ay gagawa siya ng pelikula sa Viva Films na ang target paligayahin ay ang mga barako?

Siyempre, kapag barako ang tina-target mong manonood, automatic na agad na ang pagbibilad ng katawan ang kasunod nito.

"Hindi rin naman. For all ages naman ang target ko next year. Like sa Hiram, gumawa na rin ako ng pang-mature na role, `di ba? Kumbaga, naka-relate na ang mga kasing-age ko sa soap opera na `yon.

"And then, sa Kampanerang Kuba naman, puro maliliit na bata ang nakuha ko. Imang talaga ang tawag nila sa akin. Tuwang-tuwa sila sa akin!

"And then, by 2006 `yung mga kasing-age ko naman uli ang target ko. Para maka-relate naman ang mga friends ko," nakangiting bungad ni Anne.

Iginiit ni Anne na hindi porke gagawa na siya ng pelikulang pang-mature ay paghuhubad ang gagawin niya. Ang pagtalakay raw sa problema ng mga kasing-age niyang babae at lalake ay sapat na para mahuli ang kiliti nila.

"Like `yung mga problems ng mga kasing-age ko. Usually, lovelife, `di ba? Ha! Ha! Ha! Ha!" humahalakhak na say lang niya.

Kumusta na nga pala ang lovelife ni Anne? Bakit may mga nasusulat na problemado siya sa boyfriend niyang si Paulo Araneta?

"Wala akong problema sa lovelife ko. No away, no tampuhan!

"Ang nangyayari kasi, ako `yung immature sa relationship namin. Kapag pagod na ako, sa phone na lang kami nag-uusap. Sinasabi ko lang, �I have to go, pagod na ako.�

"Tapos, siya `yung naggi-give way talaga, na hindi niya ako pinapatulan. Ako nga `yung natatawa na lang sa sarili ko. Tapos, sinasabi niya sa akin na gusto ko lang makipag-away sa kanya. Tapos, tatawa lang kami.

"Pero,�napaka-smooth talaga ng relationship namin. Ang nakakatakot lang, kasi baka kapag nag-away kami, baka malaking away `yon. Imagine, more than 1 year na kami, wala pa kaming tampuhan. Super we get along talaga.

"Siguro, dahil hindi rin kami madalas nagkikita, kaya kapag nagkikita kami, palagi kaming masaya. Wala talagang time na mainis kami," kuwento pa rin ni Anne.

Sa kuwento pa rin ni Anne, sobrang laki ng tiwala niya kay Paulo. Ni hindi nga raw niya ito tsini-check o pinakikialaman kaya ang cellphone ng binata.

"Kahit isang araw ko siyang hindi tawagan, okey lang, alam kong walang masamang nangyayari," say niya.

Sa kuwento pa rin ni Anne, marami siyang natututunan kay Paulo. Ang mga bagay-bagay nga raw sa paligid ay kay Paulo niya naiintindihan.

"Kasi, kapag mga friends ko naman ang kausap ko, puro tsikahan lang kami. But with Paulo, talagang iba `yung dating, magiging aware ka talaga sa nangyayari sa paligid."

Paano kung yayain na siya ni Paulo na pakasal? Sa edad na 32 ni Paulo, tamang-tama na ito para mag-asawa, �di ba?

"Huwag naman sana muna. No pa talaga. Alam naman niya `yung stand ko when it comes to that. Siguro, mga 5 or 6 years pa siyang maghihintay. Alam niya `yon.

"Ang dami ko pang gustong gawin, eh. Ang daddy ko nga, nagpakasal siya nu`ng 42 na siya. So, puwede pa rin after 5 years. Ang dami ko pa kasing gustong ma-experience, at alam kong naiintindihan niya `yon."

Sa ngayon, plano pa ni Anne na tapusin ang bahay na pinatatayo niya. Pero, sabi ng isang manunulat, hindi na niya kailangang magpagod para lang makapagpatayo ng bahay, dahil nandiyan naman si Paulo na kayang-kayang ibigay ang lahat ng pangangailangan niya kapag nagsama na sila bilang mag-asawa.

"Ayoko naman. Gusto kong ma-enjoy muna ang kinikita ko. Next year matatapos na `yon.

"`Yung house na pinatatayo ko, `yun talaga ang masasabi kong akin. Kapag matanda na ako, `yun talaga ang masasabi ko na pinaghirapan ko at nanggaling sa dugo at pawis ko.

"At saka, `yung house na `yon, puwede kong ibigay sa kapatid ko o sa mga anak ko balang araw, `di ba? Ayoko rin kasi nu�ng umaasa sa lalake, eh. May work naman ako," mahinahong paliwanag ni Anne.

Siyanga pala, kamakailan ay nagpa-party si Anne para sa mga movie press na nakatulong sa kanya. Masuwerte nga raw siya ngayong 2005, dahil tambak ang trabahong ginawa niya. Bukod sa mga pelikula at TV shows na gagawin niya, si Anne din ang endorser ng mga produktong Petit Monde, Head and Shoulders, Sketchers, GSM Blue, Belo Medical Group at Kampanerang Kuba Merchandise Collection.

Source: Abante