Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Anne Curtis, agaw-eksena kay Lady Gaga!

Anne Curtis, agaw-eksena kay Lady Gaga!

Author: Jun Nardo
Column: I Know Better!

NAKAW-EKSENA si Anne Curtis sa presscon ni Lady Gaga sa EDSA Plaza Hotel last Tuesday, bago ginanap ang concert niya sa Araneta Coliseum kinagabihan.

Kasi naman, nag-ala-Lady Gaga ito ng suot at walang pakialam na rumampa!

Isiningit ang presscon ng MCA Universal Records na distributor ng album na Fame ng biglang sikat na kakaibang singer, kahit na nga kadarating lang niya nu'ng Martes nang alas-11:00 ng umaga sa hotel.

Balita nga ng mga taga-hotel, dumating na naka-bikini si Lady Gaga na naka-fishnet lang! Siyempre, umagaw siya ng pansin sa mga tao sa lobby, huh!

Anyway, nasa presscon si Anne dahil iinterbyuhin niya ang singer na nagpasikat ng kantang Poker Face at Paparazzi para sa local MTV. Si Iya Villania ay pre­sent din dahil iinterbyuhin niya ang singer.

Sa totoo lang, halos mapuno ang Isla Ballroom ng hotel na gustong makita si Lady Gaga. Italyana pala siya ayon sa releases at exhibitionist daw ang hitad!

No wonder, wala siyang takot magpakita ng ka­seksihan niya, huh!

Present din si Maricel Laxa with her two kids, mga news anchors ng Star Patrol ng TV Patrol, ilang press at mga look-alike ni Lady Gaga! Anyway, eksaktong 2:30 pm kami dumating dahil baka on time ang singer.

Pero naku, na-memorize na yata naming lahat ang kanta niya sa MTV na pini-play sa screen, hindi pa bumababa ng kanyang kuwarto ang hitad, huh!

Nag-walk out na nga ang ilang entertainment press sa inip dahil imagine, past 5:00 pm na kami umalis, wa pa rin siyang apir sa presscon!

Kaya pati kami, walk-out na rin dahil kung wait pa namin si Lady Gaga, baka nawala na 'yung trabahong naghihintay sa amin! Mabuti sana kung ibibigay ni Lady Gaga ang kikitain namin sa trabaho, 'no!

At saka, wala namang ticket sa concert na ipina­migay kaya goodbye, Lady Gaga ang drama namin!

Naku, ayaw naming magpaka-gaga dahil lang sa isang Lady Gagey! Dapat hindi Lady Gaga kundi Miss Portugal (dahil matagal siya!) ang itawag sa kanya! Ha! Ha! Ha!
***

Hindi lang pala sa Metro Manila ratings ng AGB Nielsen humataw nang husto sa ratings ang pilot ng Darna last Monday, huh!

Maging sa AGB Nielsen NUTAM (National Urban TV Audience Measurement) overnight data, aba, number one rin ito with 20.8% ratings, huh! Talbog ang lahat sa fantaseryeng ito ng GMA Network!

Ayon nga sa creative consultant ng Darna na si Jun Lana, nagbunga ang ginawa nilang pagbabago sa kuwento ng Mars Ravelo creation. Nang kausapin namin si Jun na director ng horror movie ni Marian Rivera na Tarot, personal niyang inihain sa mga anak ni Ravelo ang gusto niyang konsepto ng bagong Darna.

Inaprubahan naman nila ito kaya hayun, nagkaroon ng pagbabago sa kuwento nang sa gayon, hindi magsawa ang manonood.

Narda nga sana ang gustong title ni Jun pero dahil na rin baka manibago ang viewers, ginawa na lang nilang Darna!

Source: Abante