Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpMessage Board

Anne Curtis denies Sam Milby and Luis Manzano are fighting over her

Sa set ng latest fantaserye ng ABS-CBN na Dyosa, tampulan ng tukso ang bida ritong si Anne Curtis dahil nga sa parang pinag-aagawan siya-maski in real life-ng dalawa sa tatlong leading men niya ritong sina Luis Manzano at Sam Milby. Ang isa pang leadin...

 

Anne Curtis denies Sam Milby and Luis Manzano are fighting over her

"Wala naman, ah. Si Luis, mayroon na 'yang love life. I just don't want to comment, kasi, personal na niya 'yan. Kasi, kahit ganoon, may kanya-kanya kaming buhay ni Manzano, hindi na matatanggal yung closeness na 'yan. Sobrang understanding si Sam pagdati

Author: Archie de Calma


Sa set ng latest fantaserye ng ABS-CBN na Dyosa, tampulan ng tukso ang bida ritong si Anne Curtis dahil nga sa parang pinag-aagawan siya-maski in real life-ng dalawa sa tatlong leading men niya ritong sina Luis Manzano at Sam Milby. Ang isa pang leading man ditong si Zanjoe Marudo ay nali-link na kay Mariel Rodriguez.

SAM VS. LUIS. Napapangiti si Anne kapag natatanong sa kanya ang anggulong may kinalaman kina Sam at Luis na parang nahulaan naming may nagaganap ngang agawan ng atensiyon sa kanya sa taping ng nabanggit na fantaseryeng dinidirek ni Wenn Deramas.

"Wala naman, ah," sabi pa ni Anne. "Si Luis, mayroon na 'yang love life. I just don't want to comment, kasi, personal na niya 'yan.

"Kasi, kahit ganoon, may kanya-kanya kaming buhay ni Manzano, hindi na matatanggal yung closeness na 'yan. Malalim talaga. Kung anuman yung sa amin ni Manzano, sa amin na lang talaga yun, and it will remain.

"At saka wala namang epekto yun doon sa closeness namin ni Sam. Sobrang understanding si Sam pagdating diyan. Walang basehan para pagselosan pa 'yan ni Sam," pahayag pa ng young actress.

LUIS AND ANGEL. Parang may alam na kasi si Anne tungkol sa namamagitan naman kina Angel Locsin at Luis. Mukhang happy si Anne sa anggulong ito.

"Kung mayroon man," nangingiting banggit pa ni Anne, "hindi ko alam, pero walang dahilan para hindi ako mag-agree. Kasi, ibig sabihin, masaya na si Luis, and he has finally found someone, for the longest time.

"We all know kung gaano siya katagal na naghihintay for someone, 'di ba? Para malaman natin na mayroon na nga, kung mayroon man, we should all be happy," at lalong natawa si Anne sa kanyang nasabi.

Natawa lang si Anne nang sabihin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa kanya na kaya naman nag-decide na si Luis ng ganoon ay sa dahilang parang gumawa na rin ng sarili niyang desisyon at choice si Anne.

"Wala namang ganyanan," natatawang pahayag ni Anne. "Hindi ganoon yun. Walang issue between Sam and Manzano over me. Nag-uusap sila."

JUST THANKFUL. Sobrang atensyon ang ibinibigay ng ABS-CBN kay Anne, considering the fact na isa siya sa tuluyang binigyan ng sariling telserye o fantaserye na siya mismo ang magdadala.

"May ganoon? Naku, I'm just thankful that they gave me this project. Fulfilling, kasi, it's such a big project. What more can I ask for? Wala akong karapatang magreklamo.

"Nagsisimula pa lang ako, nagdarasal na ako para sa ganitong opportunities. Ngayong dumating na, wala na akong dapat pang gawin kung hindi ang magpasalamat.

"Noon, nagwi-wish ako na mayroon sana akong ganito, o ganyan. 'Tapos, 'pag ibinigay na , ang tendency, mapapagod ka. Which is wrong. I can't even put into words how thankful I am sa blessing, at sa atensiyon na ibinibigay ng ABS-CBN sa akin. Sana, hindi ko sila mabigo, and I'm doing my best," banggit niya.

"DIYOSA!" Higit sa lahat, tinatawag na siya ng publiko bilang "Diyosa", and this is music to her ears.

"Grabe! Ang mga bakla, lalapit sa akin, ang ganda-ganda ko raw talaga. Isa akong diyosa. Mga ganoon! Siyempre, nakakataba ng puso!

"Fulfilling! Imagine, tawagin ka ba namang 'Diyosa', sino ang may ayaw?" kuwento pa ni Anne.

Source: Philippine Entertainment Portal