Mar 21
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Anne Curtis, 'junior' ni Carmi Martin!

Anne Curtis, 'junior' ni Carmi Martin!

Author: Alfie Lorenzo
Column: Star Nga Ba?

PAGKATAPOS ng bagsak sa ratings na asong puti in 'Lobo', heto na at pinakyaw na para kay Anne Curtis ang Dyesebel, dahil sirena rin si Anne, flying horse din siya reminiscent of that Tito, Vic & Joey na flying horse sa Regal Films.

At ano pa ba 'yung pangatlo ni Anne?

We didn't care to know dahil imbitahin man kami sa presscon na 'yan eh hindi rin kami magiging interesado dahil they don't listen kasi at waldas sila nang waldas sa puhunan ng Papa Gabby ko, without any enjoyable results!

Sabi na ngang junior lang ni Carmi Martin (na kasama sa Dobol Trobol:

Let's Get Redi 2 Rambol, na bida sina Dolphy at Vic Sotto) si Anne Curtis, anoh bah? Wah kayo listen! After a dog, a horse naman? Gosh! Abelgosh!

Kung isang makatotohanang human being ba ang ginawa nila kay Anne Curtis, o di kaya si Angel ang ginawa nilang Dyosa eh mas magre-rate pa siguro!

Sey ko nga na hindi nila matandaan at hindi ipinasok sa kukote nila: - Ang Premiere Productions noon ay action films ang forte, ang LVN Pictures ay concentra­ted on musical films at ang Sampaguita Pictures namayagpag sa comedy-drama. Ano ba ang image ngayon ng ABS-CBN?

Kaya nga sa kabuwisitan ng mga televiewers pati na mga TFC subscribers, 'yung mga GMA-7 teleserye na ang tinutukan nila. Kaya nagtataka sila kung bakit ganoon na lang kataas ang ratings ng mga GMA-7 teleserye at halos kalahati lang sa ratings ang mga telesye nilang ginastusan nang todo-todo at may location shoots pa abroad?

Mag-obserba naman kayo, noh! Hoyyy! Patu­loy niyong pinalu­lugi ang Papa Gabby ko na obviously ay walang kaalam-alam sa mga nangyayari sa paligid ng buildings niya, huh!

Hay, bahala na nga kayo!
***

Ngayon pa lang daw inaamin nina Jay-R Sia­boc at Irish Fullerton ang relasyon nila gayung matagal ng tsismis na nagli-live-in na sila sa Project 2.

Tinakasan daw ni Irish ang mommy niya at ang uncle niyang tinirhan niya pansamantala sa Parañaque.

Ngayon naman ay ang tsismis na naman kay Jay-R na kaya raw si Irish ang pinilit na makarelasyon at balak pakasalan ay dahil gusto raw ni Siaboc na magkaroon ng greencard.

Komo American citizen si Irish, oras na pakasalan ni Siaboc ito, may greencard na kaagad siya. Teka, hindi ba may palugit muna ng 2-years bago ma­bigyan ngayon ng greencard ang immigrant?

At any rate, habang tumatagal ay luma­labas na ang pangit-saksakan ng pangit! - na ugali nitong si Irish Fullerton.

Wala siya kahit katiting na ugaling-Pinoy, Irish pa naman ang pangalan niya - pero wala rin siya gapatak mang ugali ng isang Irish.

We had a long-standing bad experienced with this girl na kung anu-ano ang inasikaso bago ang career niya. Kuntento na lang siya pakanta-kanta sa tabi-tabi basta katabi lang niya palagi si Jay-R Siaboc na confirmed na mataba at ma­tambok ang ari.

Kaya ba siya nagustuhan ni Irish?

Wanna bet?

Source: Abante