Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Anne Curtis, makakasama si Richard Gutierrez sa pelikula

Anne Curtis, makakasama si Richard Gutierrez sa pelikula

Author: Nitz Miralles

HINDI pala si Judy Ann Santos, kundi si Anne Curtis, ang makakapareha ni Richard Gutierrez sa bagong pelikula sa GMA Films na co-produced ng Viva Films.

Ito rin 'yung kinunan ng teaser last Monday na ipalalabas next week at sa mga susunod na linggo.

June or July ang playdate ng pelikula sa direksyon ng isang mahusay na director na ayaw pang ipabanggit ang pangalan, basta may dinidirek siyang soap sa GMA-7 ngayon.

Hindi pa rin kumpleto ang cast at pagbalik pa ni Anne from Europe sisimulan ang shooting.

Ang pelikulang ayaw pang ipaalam ang title ang pagkakaabalahan ni Richard bukod sa Zorro, first team-up nila ito ng ex niyang si Anne at tiyak na mabubuhay ang isyung pagkalat ng litrato nila sa cellphone na naghahalikan.

Wala sa mga nabanggit na project ni Annette Gozon-Abrogar, GMA Films president, ang Richard-Anne team-up at ang unang narinig namin, sa Ouija 2 niya ilalagay si Richard.

Ang balita namin, ibang actor na ang kukunin para sa Ouija 2.

* * *

SA isang TV guesting, itinanggi ng isang actor na pinalayas siya ng ina sa kanilang bahay dahil desisyon daw niyang mamuhay nang solo.

Pero, kinumpirma ng isang malapit sa actor na totoo ang balitang pinaalis ito ng ina sa bahay nila.

Nagulat daw ang actor pag-uwi sa kanila't inilabas ng ina ang kanyang mga gamit at ipina-garage sale pa raw ang iba.

Heto pa, ginawa na raw stockroom ang dating kuwarto ng actor na para bang ayaw na siyang pabalikin ng ina sa bahay nila.

Sa isang apartment sa Quezon City pansamantalang nakatira ngayon ang actor, pero umaasang magkakaayos din sila ng ina at makakabalik siya sa kanilang bahay.

* * *

Si Regine Velasquez ang host ng bagong singing search ng GMA-7 na Are You The Next Big Star?

Ang ibig sabihin, walang season two ang Pinoy Idol, na 'di nag-klik sa viewers, at 'di pa ibabalik ang Pinoy Pop Superstar.

Today and tomorrow, sa SM Baliuag ang unang audition, 10 a. m. , ang simula.

Ang mag-o-audition ay dapat magdala ng isang original at photocopy ng birth certificate, valid ID, two pictures (one full-body and one close-up) at two audition materials (minus one CD).

Ang ibang audition dates ay: April 18 sa SM Batangas, Apr. 24 at 25, SM Marikina.

Bukas ang audition sa amateur at professional singers, male or female, 16-24 years old, basta wala silang existing recording contract at mainstream appearance noong 2008.

Wala pang balita kung kailan iere ang AYTNBS?

* * *

MALAPIT nang matapos ang hino-host ni Paolo Contis na My Dad is Better than Your Dad at ang tsika, babalik siyang mag-host sa isa sa mga show sa Bilib Ka Ba Nights block ng GMA-7.

Samantala, galit ang viewers ng Ang Babaing Hinugot sa Aking Tadyang kay Paolo sa sobrang kasamaan nito kina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

In fairness, isa siya sa mga rason kung bakit patuloy na sinusubaybayan ang soap.

Sa episode mamaya, magpo-propose na si Homer (Dingdong) kay Proserfina (Marian) sa harap ng maraming tao sa loob ng hospital, pero tatanggihan ng dalaga. Magsusuntukan naman sina Aris (Prince Stefan) at Jason (Kevin Santos) sa harap ni Athena (Lovi Poe).

* * *

SA All About Eve, sa bahay ng abogado muna tumira si Katrina (Jean Garcia) nang lumaya. Nangako itong maghihiganti sa mga umapi sa kanya.

Makikita ni Alma (Eula Valdez) na magkausap sina Erika (Sunshine Dizon) at Max (Gabby Eigenmann), paaalisin niya ang dalaga at kakausapin ang lalaki.

Later on, habang kausap ni Frederico (Richard Gomez) si Alma sa telepono, bigla itong magsisisigaw.

Source: People's Tonight