Apr 18
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Anne Curtis travels to Spain and other European countries

"Matagal ko na talagang gustong pumunta sa Spain. Yun ang hindi ko pa napupuntahan, kaya humiwalay muna ako sa kanila. Ako ang nag-book ng mga places na pupuntahan ko. Inalam ko muna ito sa Internet kung saan safe, kung saan maganda pumunta. So I will tou

Author: Nora Calderon

This morning, May 5, mag-isang umalis si Anne Curtis for Spain via KLM. Ang Spain ang first leg ng one-month European vacation ng young actress.

Pero bago umalis si Anne, ini-launch muna siya ulit as endorser--on her fifth year--ng GSM Blue kagabi, May 4, sa Malayan Plaza poolside sa Ortigas Center, Pasig City. Dito siya nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang members of the press.

"I will travel alone," banggit ni Anne tungkol sa kanyang biyahe. "Nauna nang umalis kaninang umaga [May 4] ang mga friends ko--sina Isabelle [Daza], Liz [Uy, girlfriend ni John Lloyd Cruz], Bea [Soriano], and Raymond [Gutierrez]. Nauna na sila sa akin kasi they will go first to Paris, na ayaw ko nang puntahan kasi nakapunta na ako doon last year. I will stay in Spain for two weeks, then I will meet them sa Rome in Italy."

Bakit matagal siya sa Spain? Mukhang in love yata siya sa naturang bansa?

"Matagal ko na talagang gustong pumunta sa Spain. Yun ang hindi ko pa napupuntahan, kaya humiwalay muna ako sa kanila. Ako ang nag-book ng mga places na pupuntahan ko. Inalam ko muna ito sa Internet kung saan safe, kung saan maganda pumunta. So I will tour Madrid, Barcelona, Marbella, Mallorca, and Salamanca.

"Excited na ako, kasi namili na ako ng mga dadalhin ko. I will travel light dahil spring na sa mga pupuntahan ko, kasi mahirap ang maraming dala. Nag-iisa lang ako at paano kung may magugustuhan akong bilhin doon? Pero nang i-check ko, malamig pa rin pala doon, kaya kailangan kong magbawas ng summer wear at magdagdag ng warm clothes," lahad ng young actress.

Bakit mas gusto niyang bumiyaheng mag-isa? Dahil ba she's still nursing a broken heart?

"No, wala na 'yon, matagal na ang breakup namin ni Sam [Milby]," sagot ni Anne. "It's like an educational experience to me ang mag-travel alone. Mahilig talaga akong mag-explore. Yun nga lang, sinisiguro ko ang safety ko. When I leave, I will be recharged to work. Dumarating din sa akin 'yong nabe-burnout ako, kaya I need to rest naman. I'm slightly nervous but excited.

"May mga friends nga akong nagbibiro na baka sa pagta-travel ko mami-meet ang guy na mai-in love ako. Sabi ko, I have no time for love muna. Dun daw may time ako. Pero sagot ko sa kanila, hindi ako magta-travel para maghanap ng guy, aalis ako para magbakasyon."

Paano kung balikan siya ni Sam?

"Ewan ko, but Sam will always have a place in my heart."

UPCOMING PROJECTS. Pagbalik niya, may gagawin na ba siyang bagong teleserye for ABS-CBN at pelikula sa Viva Films?

"After a month, I will be back, exactly on June 5," wika ni Anne. "Ang teleserye naming The Wedding ang ginagawa ko pa rin. Hindi na muna matutuloy ang airing nito sa Monday [May 11], kasi nga hindi pa rin namin ito tapos. Saka may usapan na pala ang ABS-CBN at si Ate Eula [Valdes] na hindi isasabay ang showing nito sa soap niyang ipinalalabas sa GMA-7 [All About Eve]."

"Totoo bang siya ang gaganap sa Anak ni Galema?

Wala pa akong alam tungkol sa Anak ni Galema," sagot niya.

Mapili ba siya sa projects na ibinibigay sa kanya?

"Hindi po," mabilis niyang tugon. "Kahit ano'ng ibigay nila sa akin, hindi ako choosy. What's important sa akin, may trabaho ako. Kahit anong role, kahit mahirap, gagawin ko. I will just do my best."

Nagbingi-bingihan si Anne at natatawang ayaw pag-usapan ang tungkol sa movie niya sa Viva Films na magpapabalik sa love team nila ng dating boyfriend na si Richard Gutierrez. Hindi siya sumagot kahit anong pilit sa kanyang aminin niya na siya ang nasa teaser na nagpapakita kay Richard na may nakasalubong na isang girl. NaGMAang-maangan pa siya at sa title nito na Maybe This Time, na ididirek ni Maryo J. delos Reyes.

"Ang last time pa yata naming nagkasama ni Richard sa Love to Love pa sa GMA-7," at natawa si Anne nang maalaalang a few seconds ago ay sinabi niyang ayaw niyang pag-usapan si Richard.

"Basta sa pagbalik ko na lang, saka natin pag-usapan lahat 'yan. Sasagutin ko lahat ng mga tanong ninyo," pahabol niya.

Source: Philippine Entertainment Portal