|
|
| Anne, gaganap na GalemaAuthor: Vinia Vivar Kahit nagluluksa si Direk Wenn Deramas, hindi niya ito ipinakikita sa mga taong dumadalaw sa wake ng kanyang inang si Mommy Lydia at say niya, ayaw niya ng madadramang tagpo. Mabuti na nga lang at hindi niya inabutan ang isang character actress na halos mag-break down sa wake dahil kung hindi, baka dalawa silang nag-break down. Marami raw kasing close na artista ang ina niya at katsikahan pa ang mga ito sa telepono kaya labis na nalungkot ang mga ito sa pagpanaw ng kanyang minamahal na nanay. Samantala, naikuwento ni Direk Wenn sa amin na patapos na pala ang taping niya ng Narserye ni Judy Ann Santos at puring-puri niya ang aktres sa seryeng ito dahil napakagaling daw talaga. We learned na pang-pitong direktor na pala si Direk Wenn ng Narserye. Matatandaang two years in the making na ang soap at ilan sa humawak nito ay sina Mark Meily, Andoy Ranay and Jerry Lopez Sineneng. Nang hawakan ito ni Direk Wenn ay pinalitan niya ang buong proyekto't nag-shoot ng panibago. Ngayon ay halos patapos na raw siya. Ang Tanging Pamilya naman na ginagawa niya starring ex-President Joseph Estrada and Ai Ai delas Alas with Toni Gonzaga and Sam Milby ay nangangalahati pa lang daw kaya we wonder kung aabot ito sa November 11 playdate. Sa nasabing pelikula, puring-puri ni Direk Wenn si Toni na may talent daw talaga sa comedy. "Nakakatawa si Toni sa pelikulang ito," say niya. Of course, si Ai Ai ay hindi na dapat pang tawaran ang kahusayan. Next year ay fully-booked na si Direk Wenn sa kanyang mga tv and movie projects. Ilan sa naka-line-up niya for TV ay Kokey Returns na iba na raw ang cast from the part 1 and Galema, Anak ni Zuma which will star Anne Curtis. * * * Dahil sa magandang chemistry na nakikita kina Erich Gonzales at Enchong Dee sa Katorse ay may sarili na ring hukbo ng fans ang kanilang loveteam. Ang iba ay Enrich ang tawag at ang iba nama'y Erchong na parehong pinagsamang mga pangalan ng dalawa. Kung si Enchong ay tatanungin ay nag-i-enjoy daw siya talaga sa Katorse dahil masarap katrabaho ang buong cast lalo na siyempre si Erich. "Masaya kasama si Erich at maalaga, masarap katrabaho. I'm very thankful na nakatrabaho ko siya. Kahit maraming intriga, nakakatuwang isipin na may mga fans na todo ang suporta sa amin," ani Enchong. Masaya rin ang buong cast sa consistent high ratings na natatanggap ng serye kaya naman hanggang sa January pa ito mapapanood. Sa mga susunod na episodes ng Katorse ay makikita natin ang unti-unting pagkakamabutihan nina Nene (Erich) at Jojo (Enchong) kaya tiyak na matutuwa ang mga Enrich at Erchong fans. Napapanood ang Katorse mula Lunes hanggang Biyernes bago mag-TV Patrol World">TV Patrol World. * * * Naka-recover na si Gerald Anderson mula sa injury na tinamo sa isang minor accident habang nagti-taping siya ng Tiagong Akyat kamakailan. Na-sprain ang paa ni Gerald matapos siyang matalisod while doing a crucial scene in Tiagong Akyat. Agad siyang isinugod sa ospital and luckily, wala namang grabeng pinsalang nangyari sa paa ng young actor. Sa mga susunod na episodes ng Tiagong Akyat na napapanood every Saturday pagkatapos ng Cinema FPJ, isang engkwentro ang hahantong sa pagka-aresto ni Red (Daniel Fernando) at kanyang pagkadiskubre sa agimat ni Tiago (Gerad). Dahil sa kumalat na ito sa buong Cavite, napilitan si Tiago na aminin sa kanyang mga kaibigan na mayroon siyang agimat. Samantala, ibinigay ni Red ang lahat ng kanyang yaman kay Vincent (Jason Abalos) upang siya'y matulungan nito. Lingid sa kanyang kaalaman, hindi niya pala ito mapagkakatiwalaan. Source: People's Tonight |