Mar 21
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Anne, inamin ang nakaraan kay Derek!

Anne, inamin ang nakaraan kay Derek!

Author: Abante

NINERBIYOS at nanlamig daw ang mga kamay ni Anne Curtis habang nagla­lakad siya papasok ng Dolphy Theatre sa ABS CBN, para sa presscon ng The Wedding.

Naka-wedding gown nga si Anne, at para talaga siyang ikakasal nu'ng mga oras na `yon.

“Ganun pala ang feeling. Kahit alam kong presscon lang 'to, ang feeling ko, parang ikakasal na talaga ako. Nanlamig talaga ang mga kamay ko at kinabahan ako nang husto,” sabi ni Anne.

Sina Zanjoe Marudo at Derek Ramsay ang ka-partner ni Anne sa The Wedding. At sa presscon na `yon, hindi nakapag-deny sina Anne at De­rek tungkol sa relasyon nila noon.

“Yes, noon! Ac­tually, matagal na 'yun, as in, ang bagets-bagets ko pa. I think, it was before Richard (Gutierrez). So, alam mo 'yun, sob- rang bata pa ko. And sandali lang siya. I cannot remember anymore kung gaano siya katagal, but it was only for a while. And I could say naman na it's good because pa­reho naming na-maintain 'yung friendship,” pag-amin ni Anne.

Wala raw naging isyu sa kanila ni Ange­lica Pa­nganiban ang nakaraan nila ni Derek. Sobrang close raw sila ni Ange­lica.

“It happened naman kasi before pa maging sila. Ang tagal na! Nag-i-start pa lang si Derek na mag-artista,” sambit ni Anne.

Anyway, pagda­ting kay Sam Milby, diretsong sinabi ni Anne na nakapag-move on na siya. Pero, inamin niya na para sa kanya, si Sam Milby pa rin ang perfect husband sa lahat ng mga naging boyfriend niya.

“Of course, they are asking 'yung past boyfriend. So, I could say, it's really Sam. We really got along well naman talaga and siyempre, 'yung iba naman, bata pa ko. 'Yung kay Sam, ito 'yung you're thinking na sana kung may makakatulu- yan ako, sana, siya na.

“Now, we're okay, we're friends but of course, there was a time na talagang walang pansinan, hindi kami nag-uusap. Kasi, pareho kaming transparent ni Sam. And now, feeling ko na mas okey na friends na lang kami,” nakangiti niyang sabi.

Inamin ni Anne na she's into dating now, at patuloy pa rin siyang nagi-entertain ng mga manliligaw. Pero, wala pa raw siyang masasabing lalaking alam niyang puwede na siyang pakasalan o kaya niyang pakasalan sa ngayon. Pero wish niyang bago raw sana mag-thirty ay maikasal na siya.

“Pero siyempre, ayoko namang mag-propose sa guy. I'd rather just wait. I still find it romantic 'yung magpo-propose sa iyo ang guy, he will note his script. And for me, it's something na maikukuwento mo sa magiging anak mo.”

Kung may sure man daw sa dream wedding ni Anne na plano niyang isakatuparan once she get married, ito ay ang during sunset siya ikakasal.

On the other hand, wala raw siyang alam sa balitang may offer sa kanya ang GMA-7 para muling bumalik dito.

“Wala akong alam. Ang Viva ang may alam doon. And I'm still happy naman with ABS,” say na lang ni Anne.

Source: Abante