Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Anne inisa-isa ang mga naging lalaki

Author: Leo M. Bukas

MASARAP talagang kausap itong si Anne Curtis. Wala siyang kiyeme sa katawan.

Muli namin siyang nakakuwentuhan nang mapasyal kami sa set ng Love Spell Presents: The Face sa Ongpin, Sta. Cruz. And as expected, tsika-to-death na naman si Anne.

Napunta ang usapan namin sa status ng relasyon nila ni Sam Milby.

"Nasa courtship stage pa lang kami. Pero, siya na lang ang tanungin n'yo about it. Ayokong sa akin manggaling," kuwento agad niya.

Pero, posible bang maging sila?

"Oo naman. It's possible. 'Yung characteristics na hinahanap ko sa isang guy, nasa kanya. Kaya lang, ayoko muna. Aaminin ko naman 'pag naging kami na, eh," dagdag pa niya.

Iniisa-isa ni Anne ang mga lalaking na-involve sa kanyang buhay.

Una na raw rito ay si Baron Geisler ng PBBCE2. Naging very close ang dalawa noong teenager pa siya.

Nanligaw din sa kanya ang co-stars niya noon sa Magic Kingdom na sina Jason Salcedo.

Pero, sa lahat ng mga na-involve sa kanya, si Luis Manzano ang hindi niya nakarelasyon.

"Exclusively dating lang 'yong sa amin ni Luis. Pero, hindi kami naging mag-on. After nung mga date-date na-min, do'n naman kami naging super-friends," kuwento pa ni Anne.

Si Oyo Sotto ang pinakamatagal na nakarelasyon ni Anne.

"Mahal ko talaga 'yung tao. 'Yung sa kanya ang pinakamatagal ko," dagdag pa ni Anne.

Naging boylet din niya si Richard Gutierrez, pero hindi sila nagtagal.

Masaya rin si Anne sa relasyon niya with Paolo Araneta. Pero, hindi rin ito nagtagal.

After Paolo, hindi na muna nakipag-commit ulit si Anne sa kahit kaninong lalaki.

Pero, ang isa sa shocking revelation na nalaman namin kay Anne ay ang tungkol sa nakaraan nila ni Derek Ramsay.

Yes, ilang beses din daw silang nag-date noon. Naikuwento na kaya ni Derek kay Angelica Panganiban ang tungkol sa kanila ni Anne?

Anyway, ngayong kasama ni Anne si Geoff Eigenmann sa Love Spell Presents: The Face, hindi kaya ma-link din siya rito?

Kasama rin nga pala sa Love Spell na ipalalabas na sa Jan. 13 si Valerie Concepcion na tumangging magbigay ng comment tungkol sa pagbubuntis ni Jennylyn Mercado na kasama niya sa kuwadra ni Becky Aguila.

Source: Taliba