Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Anne, makakasama ang tatlong hottest male stars

Author: Leo M. Bukas
Column: Footloose

Makakasama ng napakagandang aktres na si Anne Curtis ang tatlo sa sikat na sikat na lalaki sa showbiz industry ngayon - ang heartthrob at rumored boyfriend niyang si Sam Milby, ang hunky cover boy na si Zanjoe Marudo at ang hot TV host na si Luis Manzano.

Makakasama niya ang tatlo sa fantaseryeng Dyosa na malapit nang ipa-labas sa ABS-CBN.

Sa ilalim ng direksyon ni Wenn Deremas, ang Dyosa ay naglalahad ng kuwento ni Josephine na anak ni Bernardo Carpio at Ma-riang Sinukuan kung saan ang buhay nila ay magbabago kapag nagdalaga na ang kanilang supling.

Sa kalaunan, madidiskubre ni Josephine ang kanyang natatanging personalidad, ang pagiging Dyo-sa ng Hangin (Dyosa Cielo), Tubig (Dyosa Agua) at Lupa (Dyosa Tierra).

Nagpapasalamat si Anne dahil ang mga katambal niya sa fantaseryeng Dyosa ay malalapit sa kanya -- Si Sam na leading man niya sa top-rating na teleseryeng Maging Sino Ka Man, si Zanjoe na talaga namang tunay na hinahangaan ang kagandahan ni Anne, at si Luis na co-star niya sa Kampanerang Kuba at best friend din niya sa showbiz.

Abangan ang nalalapit na pagdating ni Dyosa sa ABS-CBN Primetime Bida.

* * *

SAMANTALA, exciting ang magaganap sa Iisa Pa Lamang this week.

Tatapusin na ni Catherine ang pang-aapi at pagmamalupit na nararanasan niya. Simula na ng paghi-hingati ni Catherine na ginagampanan ni Claudine Barretto sa mga nagmalupit sa kanya. Ano ang unang hakbang na gagawin niya?

Kahapon ay inalok na ng kasal ni Don Martin si Catherin. Ito na kaya ang hakbang para makabangon siya sa pagkakasakdal na idinulot ni Isadora?

At sa simula ng kanyang paghihiganti, sino ang unang makakatikim ng kanyang lupit? Kabilang kaya dito si Miguel? O iiral pa rin ang kabutihan sa kanyang puso?

Naku, palaban na talaga si Catherine. Hindi na siya paaawat sa kanyang paghihiganti.

Source: Taliba