|
|
| Anne nag-sorry!![]() Author: Nitz Miralles Apektado si Anne Curtis sa negative reaction ng tao sa pagku-quote niya ng verses sa bible sa pagtatanggol niya kay Sam Milby sa isyu nito kay Lolit Solis. Sa launching ng Bump & Burn exercise video nila ni Luis Manzano, nag-sorry ito. “Maybe it was my fault to share what I read, but I was just stating fact. Hindi ko naman sinabing sabi ni God, magdemanda si Sam. I'm sorry if I offended some people. Sana, may season ng forgiveness at season of apology,” wika ni Anne. Samantala, kahit balitang-balita na girlfriend na ni Luis si Angel Locsin, hindi pa rin nabawasan ang closeness ng binata at ni Anne. Para pa ring magsyota ang kanilang turingan, minus the romantic relationship nga lang at hindi pagseselosan ni Angel. Inererekomenda nina Anne at Luis ang kanilang exercise video na mas effective raw sa yoga, pilates at kickboxing dahil high-energy ang cardio moves. Mabibili ito sa video stores nationwide sa DVD (P299) at VCD (P199) format at mula sa Viva Video, Inc. * * * Hindi problema kay Roxanne Guinoo kung ang GMA-7 talents na sina Pauleen Luna at Dennis Trillo ang kasama niya sa Bangungot episode ng Shake, Rattle & Roll 9 at kung identified sa Kapuso network ang director nitong si Mike Tuviera. Friend niya ang una at very professional naman ang actor. Na-starstruck siya kay Dennis at ipinaalalang ang Zaido nito ay katapat ng Lastikman ng ABS-CBN kung saan, kasama siya sa cast. Seksi si Roxanne sa suot na damit sa pictorial at hindi lang basta cleavage ang nasisilip. Hindi tuloy napigilan ng isang lady entertainment editor na tanungin ang actress kung nagpalaki ba siya ng boobs. 'Katawa ang reaction ng press na sabay-sabay tumingin sa boobs ng dalaga at pati na rin ito ay tumingin sa boobs. Itinanggi rin naman nitong nagpa-breast augment siya at mukha lang daw malaki ang boobs niya dahil sa suot na push-up bra. Hinawakan pa nito ang push-up bra para patunayang tama ang kanyang sinabi. * * * Nalaman namin kay John Prats na sa last week ng January next year manganganak ang kapatid niyang si Camille Prats. Sa Los Angeles ito magsisilang, kaya silang magpapamilya ang pupunta sa Amerika at du'n sila magpa-Pasko. Hindi lang mahihintay ni John na manganak ang kapatid dahil balik-Pilipinas na siya sa January 8, 2008 at maraming trabaho rito. Isa rito ang comedy series na Parekoy. Source: Pilipino Star Ngayon |