Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Ano ang comment ni Marian Rivera?

Author: Tonee Coraza
Column: Whatever

PINABULAANAN ni Paolo Contis sa presscon ng May Dad Is Better Than Your Dad (na ipapalabas na sa Feb. 8) na sex ang dahilan kung bakit sila naghiwalay ni Isabel Oli.

Pareho kasing member ng Victory Christian Fellowship sina Paolo at Isabel kung saan mahigpit na pinagbabawal ang pre-marital sex.

Ayaw na niyang pag-usapan ang dahilan ng paghihiwalay nila ni Isabel at ang mahalaga raw ay pareho na silang naka-move on.

Aminado siyang hindi pa sila nagkikita o nag-kakausap ni Isabel mula nang nag-break sila.

"Isabel and I are not talking yet, but we're not enemies naman. Okey lang sa akin kung may bago na siyang inspirasyon nga-yon. I just want her to be happy,"pahayag ni Paolo.

Masaya rin siya sa bago niyang GF na si Lian Paz ng EB Babes.

Although binigyan niya ito ng singsing ay malayo pa raw sa isipan nila ang magpakasal. Wala rin daw siyang balak na i-recruit si Lian sa Victory.

* * *

MARAMI ang nagulat nang makita si Angelu de Leon sa prescon ng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang.

Kasi, bigla siyang su-meksi kaya naman bigla siyang nagkaroon ng karapatan na maging girlfriend ni Dingdong Dantes sa tele-serye.

'Yong huling pagkakita kasi namin kay Angelu ay sa pelikulang Paupahan (bilang titser na asawa ni Jay Manalo na sintu-sinto) last year kung saan mukha na ta-laga siyang nanay sa katabaan.

Marami tuloy ang nag-iisip na baka nagpa-lipo siya dahil ang bilis niyang pumayat.

"No, hindi ako nagpa-lipo. Crash diet lang talaga ang ginawa ko for four months," wika ni Angelu sa panayam namin.

"Kasi, ginusto ko ta-lagang magpapayat, not because gusto kong mag-comeback nang bonggang-bongga at magkaroon ng mas maraming projects. I just wanted to feel good. Ka-si kung fit ka maganda rin ang paki-ramdam mo,"paha-yag pa ni Angelu na nag-lose ng 20 pounds at balik-26 inches na ang kanyang waist-line.

Bukod sa mapangahas na love scene niya with Boom Labrusca (na lover niya sa Tadyang) ay may kissing scene din sila ni Dingdong. Nailang nga raw siya noong una dahil bata pa si Dong nang una silang nagkasama noon sa TGIS sa Viva TV.

"Kasi, hindi maalis sa isip ko na bata pa si Dingdong noon. Pero, may nakapag-sabi sa akin na 29 na siya ngayon kaya I'm only a year older than him kaya carry na rin. " tugon ni Angelu. At ano naman ang lasa ng halik ni Dingdong?
"Naku, si Marian ang tanungin ninyo d'yan. Siya ang expert pagdating sa pakiki-paghalikan kay Dong," bulalas ni Angelu.

Pero, ano ba ang sabi ni Marian sa halikan ninyo ni Dingdong? "Okey lang daw. At sabi nga ni Marian, congrats daw sa akin dahil natikman ko ang mga labing pinagnanasaan ng kababaihan," sagot ni Angelu

* * *

KUWELA palang kausap si Melissa Ricks na nag-birthday (19) last Jan. 9.

Masaya niyang ibinalita sa amin na kasama siya sa Underage episode ng Your Song sa March.

Kasama rin siya sa pelikula nina Bea Alonzo at Sam Milby sa Star Cinema.

Nag-swear siya na hindi siya ang dahilan ng break-up nina Matt Evans at Olyn ng PBB Teen.

May ibang GF daw si Matt at hindi siya 'y0n.

Pero, aminado si Melissa na okey rin lang kung sakaling maging BF niya si Matt. Ngunit nang tinukso namin siya na may natsi-tsismis na gay benefactor ang aktor ay bigla siyang umurong.

"Eeeiiiwww! Ayokong makipag-share sa bading. Mas gusto ko pang babae ang maging karibal ko," tili niya.

Naloka naman kami nang sabihin niya na crush niya si Aljur Abrenica.

"Kasi, nakita ko siya nang personal minsan sa isang event. At lalaking- la-laki ang dating niya sa akin. Gusto ko ang pagkamoreno niya," kinikilig na sabi ni Melissa.

Source: Taliba