Ara Mina may perfect partner na Author: Mercy Lejarde Column: Rumor & Fact RUMOR: Naiyak daw si Gretchen Barretto sa Season Finale ng kanyang game show sa TV5 titled You & Me Against the World dahil naubos na daw ang mga mamahaling branded na gamit nito na ipinamimigay niya sa studio players kada linggo. FACT: Yezzz, according to our reliable source from TV5 ay naiyak nga raw si La Greta, pero hindi dahil naubos na ang kanyang mga mamahaling branded na gamit por-ke marami pa raw siya nito, noh! Naiyak daw ang Gretchen B. dahil sa inihandang sorpresa ng production staff for Gretch sa huling pasabog ng kanyang game show na ewan kung 'yong tsikang magkakaroon ng second season ang You & Me Against the World niya. For sure, tears of joy yon. RUMOR: Dahil up to Feb. 20 na lang sa ere ang Pinoy Fear Factor ng ABS-CBN, may nagli-leak na tsikang si Janna Dominguez daw ang itinanghal na PFF El Ultimate Participante at wagi ng milyon of pesosesoses with matching house and lot.
FACT: Nang makausap ni yours truly si Janna sa birthday party ni katotong Ambet Nabus ay ayaw nitong kumpirmahin kung true ang nasabing tsika na tipong iwas-pusoy. Basta panoorin na lang daw natin ang natitirang dalawang linggo ng Pinoy Fear Factor sa primetime bida ng Dos hosted by Ryan Agoncillo, at sa Feb. 20 pa talaga malalaman kung sino sa lima pang natitirang participantes ang masasabing "win galore"!
RUMOR: Lilipat na raw ng bagong studio outside ABS-CBN compound ang Kapamilya Deal Or No Deal ni Kris Aquino, Banker and 26K girls.
FACT: Hindi ang KDOND kundi, ayon sa tsika, ay ang bagong sisimulang game show ni Kris na may kinalaman sa Bingo game. Sa bagong studio raw ni Kitchie Benedicto ng KB Entertainment sa may Sta. Lucia Pasig ang magiging studio ng bagong game show ni Tetay.
RUMOR: Nakahanap na raw ng 'perfect partner' si Ara Mina kaya naging super-saya ang aktres spending her Valentine's Day.
FACT: Isa si Ara Mina sa guests ng Sharon this Sunday (Feb. 15) sa ABS-CBN primetime sa episode titled Wanted: Perfect Partner with Checoleit, K Brosas and Smokey Manaloto. Well, ibig kayang sabihin, ara pang nahahanap na perfect partner in life itong si Ara after Jomari Yllana and Polo Ravales? Try mo kaya kafatid na Butch Roldan? Joke and no joke, ha. .ha. .ha! (Ay meron akong friend na rich guy na type na type si Ara -- Ed)
RUMOR: Nawalan daw ng gana si Marian Rivera na mag-taping sa GMA7's Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang dahil nahugutan daw ito ng cellphone as in nadukot kaya super crylulu daw itech.
FACT: Kahit super crylulu sa pagkawala ng kanyang cellphone ay hindi naman daw apektado ang acting nitong si Marian lalo na sa kilig scenes nila sa ABHSAT ni Dingdong Dantes. Basta ayon sa report ay magbibi-ay daw ng P100thou ang Marian sa sinumang humugot ng cellphone sa kanyang tadyang, tsuk!
RUMOR: Kung si Marian ay super-crylulu sa pagkawala ng kanyang cellphone sa set ng ABHSAT ay super-lungkot din si Dennis Trillo sa nalalapit na pagwawakas ng kanyang telefantasyang Gagambino sa GMA-7 primetime dahil malapit nang kunin ang kanilang time-slot ni Totoy Bato nina Robin Padilla, Regine Velasquez at Manny Pacquiao.
FACT: Hindi naman daw super-lungkot. Ganyan daw talaga ang buhay parang life. Ang totoo ay super-excited pa nga itong si Dennis T dahil hindi pa man tapos sa ere ang Gagambino ay may kasunod agad na drama series titled Muling Buksan Ang Puso.
Source: Taliba |