|
|
| Ara Mina reveals her true feelings about Sunshine Dizon's exit from Tinik Sa Dibdib![]() Author: Glen P. Sibonga All-out support si Ara Mina sa kanyang kapatid na si Cristine Reyes nang dumalo siya sa premiere night ng movie ni Cristine with Richard Gutierrez, Patient X, sa SM Manila Cinema 4 last Sunday, October 25. Bukod kay Ara ay present din sa premiere night ang kanilang ina, si Frances Klenk, at ang iba pa nilang mga kapatid. Bago nagsimula ang movie screening ay nagawa pang ma-interview si Ara ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press. Tinanong ng PEP kay Ara kung ano ang feeling niya na ang Patient X ang pinakamalaking movie ni Cristine, so far? "I'm happy for her," nakangiting sabi ni Ara. "Kumbaga, siguro it's time naman na mabigyan na rin siya ng break na ganito. That's why nga nag-produce ako before. Sabi ko nga, i-reissue ko kaya yung movie na Ate. Kasi yung time na ni-launch ko yun, ano pa siya, e, yung undecided pa siya kung lilipat siya o hindi [from GMA-7 to ABS-CBN]. Yun siguro puwedeng i-reissue." Nakikita niya ba na parang sumusunod sa yapak niya si Cristine? "Kahit hindi niya sabihin, nakikita ko. Kasi ganun naman talaga, e. Kung ako may ate ako na nauna, kunwari siya yung ate ko, siya yung nauna, susundan ko rin yung yapak niya, di ba? Wala naman sigurong mali sa ginawa kong steps sa career ko." THE BUZZ ISSUE. Bagamat hindi napanood ni Ara, may nakapagkuwento sa kanya tungkol sa recent interview ni Cristine sa The Buzz, kung saan sinabi ng batang kapatid na ang pinakaayaw niya sa Ate Ara niya ay ang pagiging tsismosa nito. Anong naging reaksiyon ni Ara nang malaman niya ito? (CLICK HERE to read related story.) "Nag-react nga ako. Sabi ko nga, ha, ano?" sambit ni Ara. "Nag-text nga siya sa akin. Nakarating nga rin sa kanya na medyo nag-react ako. Sabi niya sa akin, ang gusto niya raw sabihin talaga is 'makuwento.' Sabi ko, iba ang makuwento sa tsismosa. Kasi kinakabahan siya. Pag 'Tough Ten' [segment] talaga kasi nakakakaba, di ba? May musical background pa na nakakakaba. Sabi ko nga sa kanya, mas tsismosa ka pa kaya sa akin. Na-tense lang siya. Panay nga ang text niya, nagso-sorry." Pero kung siya naman ang tatanungin, ano ang pinakaayaw niya sa ugali ni Cristine? "Pinakaayaw ko sa kanya... siguro yung moody kasi nga bata pa. Minsan kasi magte-text ka sa kanya, tapos hindi ka niya sasagutin. After two days pa minsan bago ka niya sagutin. Pag moody siya, gusto niya huwag mong iistorbohin." Ano naman ang gusto niyang ugali ng kapatid? "Ang gusto ko sa kanya, yung extreme sweet. Ano kasi siya, e, kung hindi siya sweet, hindi talaga siya sweet. Pero kung sweet siya, super sweet. Like itong premiere night, sabi niya, 'Ate, ano ang gagawin mo? Sama mo yung boyfriend mo.' Sabi ko, 'Hindi mahilig sa horror yun. Ano yun, e, takot yun e.' Sabi ko, 'Sige attend ako.' So, nandito kami buong family to support her. Tapos nung nag-text ako sa kanya, yung sa tsismosa, sabi ko, 'Okay na, hindi na ako galit. Okay, I love you.' Sabi niya, 'I love you too.'" Sunshine Dizon. Sinamantala na rin ng PEP ang pagtatanong kay Ara tungkol sa pagtanggal kay Sunshine Dizon sa afternoon soap ng GMA-7 na Tinik Sa Dibdib, kung saan kasama sa main cast si Ara. Ilang taping ang hindi sinipot ni Sunshine, nang walang sapat na paliwanag. Hanggang sa magpalabas na nga ng statement ang GMA-7 na nagsasabing nagdesisyon silang pagpahingahin si Sunshine dahil sa "health problems." Si Nadine Samonte ang pumalit kay Sunshine bilang Lorna, na sa istorya'y naaksidente at sumailalim sa plastic surgery kaya't nabago ang mukha nito. Tinanong ng PEP kay Ara kung kaeksena ba niya si Sunshine noong hindi nito sinipot ang taping ng Tinik Sa Dibdib? "Kaeksena ko siya, but hindi pa ako dumarating sa set. Kumbaga, kasi siya yung unang kukunan bago ako. Then, na-pack up. Then, the second time nung second day, tinext ako nang maaga na, 'Don't proceed sa location yet.' Sabi ko, ganun. So, natulog muna ako. Paggising ko, wala pa rin, siguro mga before lunch. Tapos pinack-up na," salaysay ni Ara. Ano ang naging reaksiyon niya sa ilang beses na pag-pack up ng taping nila dahil kay Sunshine? "Parang naano lang ako... Kasi okay naman siya noong nagtatrabaho kami, e. Hindi ko naman nahalatang may problema siya or something." Nairita ba siya noon? "Parang ipokrita ko naman kung sabihin kong hindi, di ba?" sabi ni Ara. "For me, I have nothing against her. Kasama ko na siya since Kung Mawawala Ka. I mean, na-experience ko na yung ganun [ugali] niya. But, hindi ko akalain na may ganito pa rin palang factor. Sayang kasi magaling siyang artista, e. Yung iba nga nade-depress na... nagsu-suicide na dahil nga walang trabaho. E, ikaw may trabaho. Source: Philippine Entertainment Portal |