|
|
| Ara, ayaw pang pakasal sa boyfriend!![]() Author: Ruel Mendoza CHINESE na Chinese na nga ang hitsura ng boyfriend ni Ara Mina na apo ng may-ari ng isang hotel at publication. At in fairness, sweet na sweet ito kay Ara, hja! Siyempre, sobrang proud si Ara sa boyfriend niya, dahil bukod sa mabait daw ito, matulungin pa ito sa kapwa. Katunayan, isa ito sa mga tumulong sa kanya sa pagbibigay ng mga relief goods sa ilang barangay sa Quezon City na sinalanta ni Ondoy. “Kasama siya na nag-asikaso sa pag-rescue sa family ko noong ma-trap sila sa bubong ng bahay namin sa Provident Village noon. Talagang nag-isip siya at ng mga friends niya ng paraan to save my family sa mga oras na 'yon. Hindi siya natulog hanggang hindi naliligtas ang mommy ko at mga pamangkin ko. “Ngayon naman, he is helping me sa pag-distribute ng mga relief goods sa mga pamilyang nasa evacuation centers sa Quezon City. Kung ako walang pahinga, ganu'n din siya kaya natutuwa ako, na he's helping me pero sa totoo lang, hindi naman niya kailangang gawin 'yon. Pero, gusto lang daw niyang makatulong sa maraming tao,” kuwento ni Ara. Napag-uusapan na ba nila ang kasal? “Mukhang malayo pa ang usapang kasal-kasal. Pareho kaming busy pa sa trabaho. Pero, masuwerte ako at may karelasyon ako para mabalanse naman lahat. “Pero kung mag-propose man siya sa akin, bakit ko naman tatanggihan? Lahat naman ng mga babae ay nangangarap na ikasal. But he knows naman ang mga priorities ko ngayon and happy ako because napaka-supportive niya sa akin. Doon na lang ay sobrang masaya na ako sa relasyon namin,” sabi pa ni Ara. Source: Abante |