Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Ara balak idemanda ang naninira sa kanila ni Cristine

Ara balak idemanda ang naninira sa kanila ni Cristine

Author: Gerry Ocampo
Column: Go

Sigurado na raw si Ara Mina kung sinu-sino ang mga naninira sa kanya at sa kapatid niyang si Cristine Reyes.

Binanggit na rin niya ang mga pangalan ng mga ito.

Sayang nga lang at ipina-off-the-record niya kaya gustuhin man naming banggitin ang names ay hindi namin magagawa bilang respeto sa aktres.

Basta, ipinagdiinan ni Ara na kung hindi raw titigil ang mga ito ay magpa-file na siya ng kaukulang demanda, lalo na sa nagli-link sa kanya (Ara) kay Secretary Ronnie Puno.

Para maibsan ang tension at galit ni Ara, tinanong na lang namin siya kung masaya ba naman siya sa career niya ngayon?

"I admit I terribly missed doing lead roles, tulad sa starrer kong Huling Birhen Sa Lupa na nagbigay ng Best Actress award sa akin. Siguro there's time for such role again. Alam kong dara-ting pa ang ganoong oportunidad dahil bata pa naman ako," say ni Ara.

Tanggap na rin ni Ara na marami pang intrigang ibabato sa kanya dahil sa pagpasok niya sa pulitika.

Sinabi ng aktres na 95 porsiyento na kasi siyang tatakbo bilang konsehal sa 2nd District ng Quezon City, kung saan kasalukuyang nanunungkulang konsehal si Aiko Melendez.

Last term na ni Aiko kaya hindi na sila magka-kalaban ni Ara at ang tsika ay pagka-vice mayor ng Kyusi ang puwestong tatakbuhan ni Aiko.

* * *

Speaking of Aiko Melendez, unfair naman sa actress/councilor na intrigahin na walang ginawang tulong sa nasasakupan sa distrito nito na nabiktima ng bagyong Ondoy.

Sa kaalaman daw po ng mga nagsasabi na walang ginawang tulong si Ms. Aiko sa kanyang constituents, ito ay malaking kasinungalingan.

Nagsisimula pa lang dumating ang mga tulong ng dalawang TV network ay namimigay na ng relief goods si Aiko sa mga nasasakupan at maging sa ibang lugar ng Q. C.

Tila maaga pa para si-raan na si Konsehala Aiko.

At 'yan ay alam na ng ex-wife ni Jomari Yllana kaya deadma na lang ito.

Hindi kasi ugali ni Aiko na magpatawag ng TV crew o ipamalita na darating siya sa isang lugar para mamudmod ng relief goods.

Kaya doon sa mga nagsasabing walang ginagawang tulong si Aiko ay mag-isip at humarap sa salamin at tanungin ang kanilang sarili kung mayroon ba silang naitulong sa mga kababa-yan natin na nabiktima ng baha?

* * *

Marami ang natuwa sa naging aura at kilig factor ni Maja Salvador nang makita at makasama nito si Kim Bum ng Boys Over Flower na si-kat na sikat din sa Korea.

Ang hindi alam ni Maja, mas maraming mga Pinoy ang nagagalit sa kanyang reaksiyon na tuwang-tuwa at proud na proud nang makasama si Kim Bum.

Dapat daw ipamukha kay Maja na mas sikat at marunong umarte ang mga Pinoy kumpara diyan sa mga Koreano na 'yan.

Kaya lang daw lumalabas na magaling umarte ang Korean actors ay dahil sa galing ng mga Pinoy na nagdu-dub sa Tagalog kapag ipinalalabas na dito sa atin.

Kung tutuusin daw ay walang kalatuy-latoy magsiarte ang mga Koreanong artista, tapos ay kikiligin factor kuno ang mga artista natin na mas hamak na magaling umarte at magaganda kumpara sa kanila, huh!

Sabi nga ng mga kababa-yan nating nakapunta ng Korea, kung alam lang daw ng mga artista natin kung gaano kabano umarte ng Korean stars.

Ang dapat papurihan ay ang mga Pinoy na nagbibi-gay-buhay sa pagsasalin sa wikang Tagalog ng Korea-novelang ipinalalabas dito sa atin.

* * *

Sina Iza Calzado at Dennis Trillo ang makakasama ng Bubble Gang barkada ngayong Biyernes pagkatapos ng Survivor Palau sa GMA-7.

Nag-enjoy si Iza na kasama sina Ogie Alcasid at Michael as Yaya & Angelina sa gag show na laging nangunguna sa rating at kumukulekta ng karangalan sa iba't ibang award-giving bodies.

Magmula naman nang mapasama at laging guest si Dennis sa BG ay nasanay na rin ito na mag-adlib sa pagpapatawa.

Tulad ni Iza, masaya rin si Dennis kapag napapasama sa gag show na pina-ngungunahan nina Ogie, Michael, Francine Prieto, Rufa Mae Quinto, Boy 2 Quizon, Wendell Ramos, at iba pa.

* * *

Kung totoo ang tsikang nakarating sa amin na balik-bisyo raw ngayon si Blakdyak ay nakapanghihinayang, dahil una ay magaling na komedyante at higit sa lahat magaling kumanta at talaga naman may potential sumikat sa ibang bansa.

Tsika sa amin madalas daw hindi sinisipot ni Blakdyak ang shows nata-nguan ng kanyang manager?

Ang rason umano ay balik-bisyo daw diumano ito kaya walang ganang magperform on stage.

Sana naman ay hindi totoo ang natanggap naming tsika dahil malaking kawa-lan ang isang Blakdyak pagdating sa pagbibigay ng kasiyahan sa mga mahilig at madalas magpunta sa mga comedy bar.

Matatandaan na nang big-yan ng pagkakataon ng Viva Film si Blakdyak ay naki-pag-away ito sa director kaya nawalan ng project.

Dahil humingi ng sorry sa direktor at nangako sa producer na hindi na mauulit ang ginawa kaya muling binigyan ng ikalawang pag-kakataon.

Pero hindi rin nagtagal at bigla itong nawala kaya nagbalik-bisyo na naman daw ito.

May nagsasabi ring may mabigat daw na problema ito kaya nawawala nang hindi nagpapaalam kahit sa kanyang manager?

Bukas ang kolum namin para sa panig ni Blak-dyak.

Source: Taliba