|
|
| Ara 'di pa handang mag-asawaAuthor: Noel Asiñas HANGAD ni Ara Mina na makabalik sa no. 1 at longest-running gag show sa bansa, ang Bubble Gang. Kasi, napalapit na sa puso niya ang programa at ilang taon din siyang na-mayagpag sa sitcom. Bukod pa sa bagay sa kanya ang comedy show na ito na pinagbibidahan din hanggang ngayon nina Ogie Alcasid at Michael V. Gaano kaya katotoo ang balita na wala pang slot para kay Ara sa programa. Pero nang nagbalik-GMA-7 siya ay puro magagandang programa ang ibinigay sa kanya. Markadong role, kahit maikli, ang ginampanan niya sa Totoy Bato. Samantala, isang mahabang role ang ibinigay sa kanya sa Dapat Ka Bang Mahalin? Perfect choice siya sa role ni Chanda Romero noon sa movie version na pinagbidahan nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion. Sa teleserye version ngayon, ang mga bida ay sina Aljur Abrenica at Kris Bernal. Kaya raw nakabalik agad si Ara sa Kapuso at nabigyan ng magandang "break" ay dahil sa ipina-kita niyang magandang pakikisama sa kapwa artista at staff ng Kapuso network. Kahit sino ang kausa-pin mo na naging katrabaho ni Ara ay laging magagandang salita ang kanilang binibitiwan para sa actress/singer. Noong lumipat si Ara sa kabilang network, nagpaalam siya nang maayos sa Siyete kaya maluwag naman siyang "pinakawalan. " * * * HINDI pa rin binabanggit ni Ara Mina ang tunay na pangalan ng kanyang boyfriend. Ang sinabi lang niya sa Showbiz Central ay isa itong CPA at tipong lala-king puwedeng pakasalan. Pero, hindi pa raw handa si Ara sa pagpapamilya. Gusto raw muna niyang ma-enjoy nang husto ang kanyang showbiz career. * * * MASARAP panoorin ang Wow, Hayop nina Jose Manalo at Wally Bayola. Bukod sa maraming bagong informations tayong makukuha sa mga hayop na may ugaling tao, mai-entertain pa rin tayo. Magaling kasi sa comedy ang dalawa. Nagagaya nila ang iba't ibang characters at kasiya-siya ang kanilang delivery. Lalabas ang da-lawa bilang patient at doctor sa episode ngayon. Ang nakatutuwang istorya na-mang matutungha-yan ay tungkol sa isang parrot na magaling magsalita at kayang mag-isip na tulad ng isang tao. No wonder, umabot sa 20 percent rating ang first episode ng Wow, Hayop na napapanood tuwing Miyerkules ng gabi pag-katapos ng Telebabad ng GMA-7. * * * MASARAP panoorin ngayong linggo ang Family Feud dahil mga artista ang contestants. Nakatutuwa ang kanilang pagsagot sa trivia questions. Mas lively silang contestants, kumpara sa ordinar-yong players na galing sa audition para sa Family Feud. Kasama sa listahan ng mga ar- tistang maglalaro sa FF na hosted ni Richard Gomez ay ang cast ng Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang, Bubble Gang, All About Eve at iba pa. Puwedeng manalo ang bawat grupo ng P150,000 cash. Last Monday, ang na-nalo sa final round ay ang grupo ni Dingdong Dantes na cast ng Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tad-yang. Kasama ni Dingdong sina Direk Joyce Bernal, Paolo Ballesteros at Carmi Martin. Natalo ni Dingdong ang grupo ni Paolo Contis, na ang members ay sina Francine Prieto, Angelu de Leon at Carlene Aguilar. Hanggang P50 thou lang ang nauwi ng grupo ni Dingdong. * * * INILUNSAD na ng TV5 ang kanilang Shake It Sa Tag-init summer campaign. Nangunguna ang TV5 sa paghahatid ng mga payanig ngayong summer dahil sandamakmak na pakulo ang kanilang inihanda . Iniimbitahan ang lahat sa bonggang-bonggang TV5 Live Caravan, ang ikalawang hataw ay gaganapin ngayong araw sa SM Mall of Asia. Pupunta rin sila sa kauna-una-hang TV5 beach party na binansagang Hirit sa Tag-init! sa White Beach , Pu-erto Galera on May 9. Meron ding special screenings ng pelikulang Angels and Demons (May 15) at Terminator 4 (May 27) sa Greenbelt 3 Cinema 2 na sinusuportahan ng pagpapalabas sa 5Max Movies ng prequel ng Da Vinci Code (May 9) at Terminator 3 (May 23) only on TV5 at 9 p. m. Karagdagang 5Max Movie event ay ang lib-reng barangay pasine ng mga paboritong blockbuster movies na Madagascar, Shrek, at Tomb Raider ni Angelina Jolie. Source: Taliba |