|
|
| Ara gustong bumalik sa BG![]() Column: Rated A Pareho na ngang nakapag-move on ang ex-sweethearts na sina Ara Mina at Jomari Yllana. Si Ara ay panandaliang nakipagrelasyon sa actor na si Polo Ravales habang si Jomari naman ay going strong pa rin ang relasyon kay Pops Fernandez. Noong nakaraang Biyernes ng gabi, muling pinagtambal sina Ara at Jomari sa Maalaala Mo Kaya na pinamagatang Laot na dinirek ni Jeffrey Jeturian na siya ring nagdirek sa pelikulang "Magkaibigan kami ni Jom at pareho kaming artista kaya hindi talaga imposibleng muli kaming magkatrabaho," ani Ara. Wala bang na-rekindle sa muli nilang pagtatambal kahit sa telebisyon lamang? "May dapat bang ma-rekindle?" balik-tanong ni Ara. Hindi ikinakaila ni Ara na nami-miss niya ang kanyang mga kabarkada sa Bubble Gang na nakasama niya ng mahigit sampung taon. Walang pinirmahang exclusive contract si Ara sa ABS-CBN kaya kung papayag ang GMA Management, puwede pa rin siyang bumalik sa Bubble Gang lalupa't hindi naman kalaban ang teleserye na sa hapon naman napapanood. Pagkatapos ng Prinsesa ng Banyera, may kasunod na siyang TV series, ang Ligaw na Bulaklak na pinagbibidahan ni Roxanne Guinoo. Kahit loveless, hindi ito dahilan para hindi maging masaya si Ara lalupa't hindi siya nawawalan ng trabaho. Bukod sa kanyang bagong TV series na Ligaw na Bulaklak, in-demand si Ara sa mga shows and concerts hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa. Ngayong July ay nakatakda siyang magtanghal sa Alam ni Ara na hindi sa lahat ng oras ay may trabaho sa showbiz kaya gusto niyang may iba siyang pagkakakitaan bukod sa kanyang pagiging isang singer-actress kaya matapos niyang isara ang Osteria sa Tomas Morato ay nagbukas naman siya ng Cafe Mina sa Riverbanks. * * * Maganda si Krista Valle na isa sa mga talents ng Star Magic pero hindi pa ito nabibigyan ng tamang proyekto para lubusan siyang makilala ng publiko. Half-British at half-Filipino si Krista na kamag-anak ng mga Padilla sa showbiz. Una siyang napanood sa Abt Ur Luv pero wala pa siyang follow-up project. Si Krista ay ipinakilala bilang isa sa mga miyembro ng Star Circle Batch 15. * * * Sixteen-year-old na ang binatilyong actor na si Jiro Manio nung nakaraang May 9 at ka-birthday siya ni Ara Mina. Nasa pangangalaga na rin si Jiro ng Star Magic kaya hindi halos ito nawawalan ng trabaho. Huli siyang napanood sa hit movie na Manay Sa kabila ng kanyang busy schedule ay hindi pinababayaan ni Jiro ang kanyang pag-aaral sa San Felipe Neri Parochial School. Ka-birthday din ni Jiro ang kaisa-isang apo ni Gloria Romero na si Chris Gutierrez na kasalukuyang junior student sa La Salle-Greenhills. Tulad ni Jiro, nasa pangangalaga rin ng Star Magic si Chris na naging bahagi ng Astigs kung saan niya naging love interest si Zia Marquez, anak ni Brenda del * * * Personal : Belated happy birthday sa aking kapatid na si Estrella Amoyo-Anabeza nung nakaraang Martes, June 3. * * * E-mail: a_amoyo@pimsi. net Source: The Philippine Star |