Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Ara, lucky charm nina Aljur at Kris

Author: Leo M. Bukas

NAPANSIN lang namin, lahat pala ng mga sinalihang TV show ni Ara Mina ay tumataas ang rating. Mula sa Bubble Gang kung saan wala na siya ngayon pero may clamor na muling ibalik, namayagpag din sa rating noon ang dalawang afternoon soap ng ABS-CBN na kasama siya -- ang Prinsesa ng Banyera at Ligaw Na Bulaklak.

Pati sa Totoy Bato where she played the role of Robin Padilla's wife, bongga rin ang rating. Take note, wala pa noon si Regine Velasquez, huh!

She's also part of Mulawin at Kung Mawa-wala Ka ng Siyete na pareho ring on top sa mga Kapuso shows.

Now, she's part of Dapat Ka Bang Mahalin na pinagbibidahan nina Aljur Abrenica and Kris Bernal and two weeks ago, naka-32 percent ang kanilang soap. Bongga, 'di ba? Siya nga siguro ang lucky charm ng dalawang ba-gets.

Anyway, maraming fans ang nakaka-miss na rin kay Ara sa primetime drama. Kelan kaya siya isasama ng GMA-7 sa kanilang mga bagong programa sa primetime?

Kabi-birthday lang ni Ara nu'ng May 9 at isa sa kanyang wish this year ay magkaroon ng mas marami pang TV projects. With regards to her lovelife kasi, she's very happy na.

* * *

IBANG Angel Locsin ang napapanood ng televiewers sa Only You ng ABS-CBN. Hindi siya ngarag dito at tensyonado na katulad ng role niya noon sa Lobo.

"Mas relax ako dito dahil light-romance lang 'yung ginagawa namin. Sobrang nag-i-enjoy ako dito dahil hindi masyadong masakit sa dibdib 'yung acting ko," pahayag ng aktres.

May kilig factor din ang tambalan nila ni Sam Milby who will be celebrating his birthday this week. Nakatulong ng malaki ang bonding moment nila sa Korea para makitang okey sila sa screen.

Sa mga nang-iintriga kung posibleng ma-develop si Angel kay Sam ay natawa na lang ang dalaga. "Magkaibigan kami ni Sam at masarap siyang katrabaho," safe niyang reaksyon.

Samantala, masaya ang ABS-CBN sa feedback at rating ng Only You na pinagbibidahan din ni Diether Ocampo at sa direksyon ni Rory Quintos.

Source: People's Tonight