Mar 21
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Ara naiirita na kapag nili-link kay Pacman

Author: Gerry Ocampo
Column: Go

Tapos na sa pagpapaseksi si Ara Mina kaya masaya ito nang tanggapin ang offer ng Marino, na hindi kail-angan maghubad para lang maibenta ang pelikula.

Ipinauubaya na raw niya ang pagpapaseksi sa ka-patid na si Cristine Reyes dahil graduate na siya sa paghuhubad.

"Kay Cristine na lang 'yun. I mean, lahat na yata ng klaseng pagpapa-sexy nagawa ko na. Lahat ng klaseng lovescenes, name it, nagawa ko na, 'di ba? Pati phone sex, 'di ba? Kulang na lang yata gumawa ako ng sex video," say ni Ara.

Hindi naman daw niya tuluyang sinasara ang pinto sa pagtanggap ng daring roles, as long na pang-award ito.

"Parang Huling Bir-hen, 'yung ganoon. 'Yung matindi talaga ang istorya," dagdag pa ng dalaga.

Pero ang kinaloka niya ay ang pagli-link na naman sa kanya kay Manny Pacquiao.

Nabaliw na naman ang aktres dahil may isyung nakita raw silang magkasama ni Pacman sa Pan Pacific Hotel sa Malate habang naglalaro ng poker ang Pambansang Kamao.

"Nakakaloka naman. In public pa. Kung magkikita kayo dapat hindi in public! Nakakaloka, 'di ba? Hindi kami magkasama sa isang hotel. Baka naman may iba siyang kasama at ako lang ang isinangkalan?

"Wala naman kaming mo-vie na ginagawa, so, patayin na 'yung isyu. Pabalik-balik na lang. Nakakairita na. Feeling ko kapag may laban siya (Pacman) may isyu sa aming dalawa, 'di ba? Hindi ninyo ba pansin, kada may fight,eh, hindi naman ako ang nagpa-fight," pahayag pa ni Ara.

Pakiusap ng sexy actressm, huwag na siyang i-link kay Pacman at hindi pa rin siya ready makasama ito sa movie, unless daw kung GMA-7 mismo ang magpasya na i-guest siya sa sitcom nitong Show Me Da Manny, ay wala siyang choice kundi tanggapin ito alang-alang sa trabaho.

* * *

Now it can be told kung bakit hanggang ngayon ay hindi magawang tumanggap ng manliligaw ni Karylle.

Sorry na lang kina Jeric-ho Rosales, Christian Bautista at Coco Martin, na balitang suitors ngayon ng unica hija ni Zsa Zsa Padilla.

Ayon kasi kay Ms. Zsa Zsa, dinamdam nang husto ni Karylle ang break-up kay Dingdong Dantes.

Meaning, talagang minahal ni Karylle ang aktor kaya hanggang ngayon ay sariwa pa rin ang sugat sa puso ng singer/TV host.

"Feeling ko noon, kapa-milya na namin si Dingdong. Hindi ko inisip kahit kalian na maghihiwalay sila. Nang umiyak si Karylle, umiyak din ako. May daughter was in denial then, talagang hindi niya matanggap. I think she has not fully recovered," kuwento pa ni Zsa Zsa.

Anyway, sa ganda at sexy ngayon ni Karylle, nakakasiguro kami na may bright future na naghihintay sa dalaga at makakatagpo rin ito ng lalaking talagang magmamahal sa kanya.

* * *

Lalong gumanda at nagiging interesting ang Kap`s Amazing Stories ni Sen. Bong Revilla every Sunday sa GMA-7.

Last Sunday, ipinakita dito ang mga lalaking may pambihirang lakas at determinasyon, tulad ni John Wood na nakakahila ng isang barko.

Kaya naman Bong makes sure na makapag-taping ng Kaps, dahil bukod sa informative ay entertaining din ang kanilang mga kuwento.

Update niya sa kaso ni Katrina Halili laban kay Hayden Kho, binigayang-diin ni Sen. Bong na suportado pa rin niya ang hangarin ni Katrina na matanggalan ng lisensya sa pagka-doktor si Hayden Kho.

* * *

Ang Pinoy singers na kalahok sa katatapos na WCOPA (World Championship of Performing Arts) na si Sexbomb Evette Pabalan ang magse-share ng experiences sa hosts ng The Sweet Life na sina Lucy Torres-Gomez, Wilma Doesnt at Grace Lee sa Tuesday, gayundin si Romalito Mallari na magpapakita ng husay sa pagsayaw despite of hearing disability.

Source: Taliba