|
|
| Ara sobrang saya sa pagbabalik-Bubble GangAuthor: Gerry Ocampo Masayang-masaya si Ara Mina dahil nakabalik na siya sa Bubble Gang matapos magpaalam para lumipat sa Dos. Pero hindi rin nagtagal dahil nang matapos ang kanyang show sa Dos ay hindi na nasundan kaya muling na-miss ang kanyang BG barkada. Ngayon Friday ay guest at balik-BG si Ara para muling sumabak sa pagpapatawa sa segment na "Dapat ka bang Kidnapin" kasama sina Mark Herras, Jennylyn Mercado, Jackie Woo at Paolo Contis. Bibigyan din ng kakaibang twist ang Ginebra San Miguel commercial nina Manny Pacquiao at Aling Dionisia. Sa "Trip Ko Lang" tutuparin ng host ang lahat ng wish ng mga dumudulog sa kanila na dapat abangan ngayon Friday pagkatapos ng Cruel Love sa GMA-7. * * * Nagpakatotoo lang ni Sam Milby sa presscon ng And I Love You So nang aminin niya na tinablan siya sa lovescene nila ni Bea Alonzo. "First time ko nakipag-bedscene on screen. Nag-kasama na kami ni Bea pero ngayon lang kami nagkaroon ng lovescene. 'Yun kissing scene ay no problem, but sa lovescene talagang tinablan ako. Sino ba naman lalaki ang hindi mag-iinit kung si Bea ang karomansa mo," pagtata-pat ni Sam sa presscon ng AILYS na idinirek ni Laurenti Dyogi under Star Cinema. Ten months na silang hiwalay ni Anne Curtis at nakapag-move na raw siya. Bukas na raw muli ang puso niya para muling magmahal at kung posible bang mahulog ang loob niya kay Bea? "Why not? Bea is a sweet and loving person. 'Yan ang hanap kong character sa isang babae. That's why, I said a while ago na tinablan ako sa lovescene namin. I don't know kung siya rin ay nadala sa aming romansa," say pa ni Sam. Pagbubuko naman ni Direk Lauren Dyogi na mas grabe raw ang love at kissing scene nina Bea at Derek Ramsay dahil mag-asawa ang role nila sa movie, Kasama rin sa cast ng movie sina Nikki Gil, Candy Pangilinan at marami pang iba. * * * Ikinagulat din ni Nikki Gil ang naglabasan na siya ang magiging leading lady ni Richard Gutierrez sa Full House na malapit nang si-mulan sa GMA-7. Karangalan daw kay Nikki na maging leading lady at makasama si Chard pero malabo raw talaga mangyari dahil under siya sa Star Magic at matagal pa raw matatapos ang kontrata niya. "Na-stress nga si Billy nang mabasa na lilipat na raw ako sa Siyete. Galing na raw siya sa Siyete at lumipat ng Dos tapos eto at ako naman daw ang lilipat sa Siyete," kuwento ni Nikki, na pamangkin pala ni Gina Marissa Tagasa. * * * Magse-celebrate ng kanyang birthday si Marian Rivera sa SOP sa Sunday. Ang tanong, naka-Darna costume kaya siya sa noontime show para na rin ma-promote nito ang fantaserye na mapapanood na sa Lunes sa GMA-7? Birthday din ni Iza Calzado kaya dalawang big birthday celebrations ang magaganap sa Sunday noontime show. Darating of course si Dingdong Dantes para batiin ang babaing ipinalit niya kay Karylle. * * * Sa wakas ay naipasa at naisabatas na rin ni Senador Bong Revilla ang Republic Act 9640 o pagbawas ng Amusement Tax mula sa 30% ay 10% na lang "Nagpapasalamat ako sa mga co-senator ko na tumulong sa akin gaya nina Noynoy Aquino, Juan Ponce Enrile, Loren Legarda, Chiz Escudero and Manny Villar. Hopefully, maibalik natin ang dating sigla ng local movie industry" say ni Sen. Bong. Dahil dito ay binigyan si Bong ng party in his honor ng National Cinema Association of the Phil, at ng PMPPA, led by Orly Ila-cad at ng IMPIDAP headed by Wilson Tieng. Source: Taliba |