|
|
| Are John Lloyd Cruz and Ruffa Gutierrez really just "friends"?![]() Author: Erwin Santiago "John Lloyd is Ruffa's special guest at her birthday bash." Ito ang title column ng lifestyle columnist na si Maurice Arcache sa isang national daily broadsheet noong June 24, mismong araw ng kaarawan ni Ruffa Gutierrez. Ito rin ang kaarawan ni John Lloyd Cruz. Ayon kay Maurice, ang birthday bash ni Ruffa ay ibinigay ng kaibigang businessman ng actress-TV host na si Noel Oñate, at ginawa sa isang "posh village." Hindi binanggit ng kolumnista kung kailan ginanap ang naturang birthday bash. Kalakip sa column ni Maurice ang dalawang malaking larawan nina Ruffa at John Lloyd, kasama ang kaibigan ni Ruffa na si Jessica Guevarra. Bukod sa mga larawang ito ay may iba pang 23 photos na nakalagay, kung saan makikita kung sinu-sino ang iba pang mga um-attend sa party. Kabilang sa mga dumalo ang lahat ng mga kapatid ni Ruffa na sina Richard, Raymond, Rocky, Elvis, at Ritchie Paul; ang mga kaibigan ni Ruffa na sina Almira Muhlach, Donita Rose (with husband Eric Villarama), at Ana Roces; ang mga co-star nina Ruffa at John Lloyd sa Betty La Fea na sina Vhong Navarro, Joem Bascon, Meryl Soriano, Thou Reyes, CJ Jaravata, at Megan Young. Naroon din sina Governor Chavit Singson, broadcaster Karen Davila, theater actress Carla Guevara, eventologist Tim Yap, TV host Phoemela Baranda, model Teresa Herrera, singer Vina Morales (with partner Cedric Lee), designer Mich Dulce, stage actor JM Rodriguez, TV star Anne Curtis (kasama ang rumored boyfriend niyang French-Filipino entrepreneur na si Erwan Heusssaff), at ang mga alagang talents ni Annabelle Rama na sina Miriam Quiambao, Bubbles Paraiso, at Carla Humphries. Ayon kay Maurice, "The sky was full of stars but the brightest twinkle was in those beautiful eyes of our Princess for a Day, Ruffa Gutierrez, who stayed on 'til the last guest left, with John Lloyd by her side." JUST FRIENDS. Bagamat sinasabi pareho nina Ruffa at John Lloyd na "magkaibigan" lang sila, marami pa rin ang naniniwala na higit pa dun ang namamagitan sa kanila. Matatandaang muling nagkagalit si Ruffa at ang kanyang inang si Annabelle Rama kamakailan. Dahil sa kanilang away na ito kaya umalis si Ruffa, kasama ang mga anak niyang sina Lorin at Venice, sa bahay nila sa Dasmariñas Village sa Makati City. Ang itinuturong dahilan ng pagkakagalit ng mag-ina ay si John Lloyd. Sa isang interview, hinamon ni Annabelle si John Lloyd na aminin sa publiko ang tunay niyang nararamdaman sa kanyang anak. Aniya, "John Lloyd, magpakalalake ka, okay! Kung in love ka sa anak ko, umamin ka in public! Kasi, I don't think nakakahiya si Ruffa kung... Nakakahiya yun kung hindi mo siya inaamin, di ba? Para naman siyang kept woman, di ba? Kung talagang mahal mo ang isang babae, you should be proud. Kung hindi ka proud sa anak ko, o, di huwag ka nang manligaw." Sa hiwalay na interview, iginiit ni John Lloyd na magkaibigan lang sila ni Ruffa. Aniya, "Nahihirapan lang kami to act like normal real friends dahil inunahan na naman ng intriga, although extreme yung mga naglalabasan. Kung paano naaapektuhan yung pagkakaibigan namin? Parang ang hirap i-sacrifice, e. I mean, para saan? Kasi may mga naglalabasan na hindi magagandang balita. "Masyado nang lumawak ang kinapuntahan ng isyung ito. Para sa akin, tama na. Hindi na dapat ito pahabain nang pahabain. Kami ni Ruffa ay magkaibigan lang. Tapos. Yung mga nagki-create ng kung anu-anong intriga out of it, kasi masarap nga namang pag-usapan. "Ako, kagagaling ko lang sa isang relationship. Siya, galing sa isang matagal nang hiwalay. Di ba, parang hot item? Pero huwag naman at our own expense, kasi may mga pangalan na nagsa-suffer. May mga relationship na nagsa-suffer. Sana ma-consider lang naman nila. Magkaibigan lang kami. Tapos. Hindi na kailangang pahabain pa na ayaw ni kampo ng ganito, ayaw ng kampo ni..." Dagdag niya, "With our case, ang nangyayari, pinag-uusapan na yung love, e, magkaibigan lang kami. Hindi naman nag-e-exist yung word na yun. Medyo naapektuhan yung friendship namin." Ayon naman kay Ruffa, walang namamagitan sa kanila ni John Lloyd. "Alam mo, there's no score talaga... Wala pa naman talagang dapat i-admit dahil hindi ganoon ka-deep yung friendship namin. Yun nga ang sayang dahil yun ang naudlot. Ang masakit niyan, at ayaw ko sanang mangyari na mawalan ako ng isang kaibigan dahil sa mga naglalabasang isyu and because of my mom's [Annabelle Rama] reaction. "Alam n'yo naman si JL, tahimik na tao. Hindi naman niya sasagutin si Mommy. So, ako na lang ang sasagot na walang dapat aminin si John Lloyd dahil hindi nga umaabot sa pagmamahal ang aming friendship. Siguro pag-care bilang kaibigan, bilang kapatid, o bilang bagong kakilala. "For now, hindi pa ako ready sa serious commitment. Kahit alam ko na maraming nae-excite, naku-curious, wala pa talaga. Huwag naman nating unahan. Masyado nang exciting ang aming lovelife sa diyaryo, pero sa totoong buhay ay napaka-boring. Wala namang nangyayaring exciting. "Hindi pa ako luka-luka sa pag-ibig," patuloy niya. "I'm very mature. Hindi pa ako in love. Kay John Lloyd is just a fondness, is just a friendship. Hindi pa umaabot beyond that. We're getting to know each other. Huwag naman nilang sabihin na nagsisinungaling ako, kasi hindi naman ganoon ka-deep." Source: Philippine Entertainment Portal |