Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Arnel Pineda talks about his interview with Oprah Winfrey

Arnel Pineda talks about his interview with Oprah Winfrey

Author: Bernie Franco

Maraming bitbit na magagandang balita ang singer na si Arnel Pineda nang mag-guest siya sa The Buzz kahapon, October 18. Una na rito ay ang paglabas niya sa talk show ng sikat na si Oprah Winfrey. Lumabas kasi bilang guest sa Oprah show ang bandang Journey kung saan vocalist si Arnel. Tinalakay sa nasabing show ang pagkakapili kay Arnel bilang vocalist.

Kahit naman si Arnel ay aminadong na-overwhelm siya sa mga papuri sa kanya ng kanyang mga ka-banda at ni Oprah. Lahat kasi sila ay bilib sa boses ni Arnel na inilarawang "small guy with this booming voice." Ibinahagi ni Arnel na sinabi sa kanya ni Oprah na something divine ang kanyang pagkaka-discover mula sa YouTube at mapili bilang vocalist ang banda. Sinasabi ring ang pagkakapili kay Arnel ang muling bumuhay sa sikat na American band.

Bukod pa rito, makakasama ni Arnel ang sikat na American singer na si Katy Perry sa pagdalaw ng huli sa Pilipinas para magkaroon ng concert.

Sa paglabas niya sa The Buzz kahapon ay iniabot din ni Arnel ang tsekeng nagkakahalaga ng $25,000 mula sa mga kababayang Pilipino sa Amerika na nagpaabot ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo.

Source: ABS-CBN Interactive