|
|
| Artista ng indie films, humakot ng awardsAuthor: Vir Gonzales Time changes talaga. Akalain ba ninyong tatalunin ni Heart Evangelista ng indie film na Ay, Ayeng ang mga kalaban niyang aktres sa nakaraang 57th Famas Awards Night? Isang indie film din ang nagpanalo kay Snooky Serna (best supporting actress) at Allen Dizon (best actor). Ito ay ang Paupahan na idinirek ni Joven Tan. Mabuhay ang mga indie films! * * * Sinasayang ni Sunshine Dizon ang magagandang opportunity na dumarating. Hindi natagalan ng GMA-7 ang problemang ibinigay ni Sunshine kaya si Nadine Samonte ang ipinalit sa aktres sa seryeng Tinik Sa Dibdib. Ang tanong lang, matatapatan naman kaya ni Nadine ang acting ni Sunshine na naipakita na sa teleseryeng iniwan? * * * Sinagot ng komedyanteng singer na si Marissa Sanchez ang maintrigang tanong kung bakit daw pumapayag siyang lumabas sa teleserye kahit one day taping lang. Ang katwiran niya, markado naman daw ang kanyang papel kahit maikli lang. "Tsaka, kaperahan 'yon. Pangit tumanggi sa grasya," dagdag pa nito. Subalit sa My Shuper, Sweet Lover ay hindi na raw siya extra dahil ang role niya ay nanay ni Joshua Zamora. * * * Ipinakikilala nina Kendrick Tan, Ned Romero at Cynthia Evangelista ang mga bagong endorser ng The Bar vodka. Sila ay sina Wendy Valdez, Joyce So, Jay-R Siaboc, John James Uy at Jaime Joaquin sa press launch na ginanap sa Eastwood Park kamakailan lang. Dumating din sa launching ang iba pang endrosers na sina Jake Cuenca at Angelica Panga-niban. In fairness, napa-saya ni Mits Dionisio (sister ni Lorrie) ang mga inimbitang press dahil walang umuwing luhaan. * * * PERSONAL: Belated birthday greetings to Mrs. Eddie dela Merced of Baliuag, Bulacan on Oct. 13. Nu'ng Oct. 15 naman ang 50th wedding anniversary nina Mr. and Mrs. Thomas Platero of Tenejero, Candaba, Pampanga. Source: People's Tonight |