|
|
| Assistant ni Becky bumuweltaAuthor: Sun.Star NAGSALITA na ang assistant ng kontrobersyal na manager na si Becky Aguila upang depensahan ang sarili sa mga paratang ng manager at ng ilang mga alaga nito ng pagnanakaw ng pera. Sa 13th anniversary celebration ng "Startalk" noong Sabado, itinanggi ni Mel Polmano (assistant ni Becky) na nagnakaw siya ng pera sa mga alaga ni Becky na sina Jennylyn Mercado, Valerie Concepcion, at Joross Gamboa. What's your take on the Mindanao crisis? Discuss views with other readers Aniya naka-confine siya sa ospital noong mga panahon na pumutok ang balita na nagnakaw siya ng halagang umabot sa halos P8 milyon. "Si Tita Becky lang ang nakikialam sa mga pera ni Jen. Kung ano ang kailangan ni Jen ibinibigay sa akin ni Tita Becky tapos ibinibigay ko lang kila Jen," pahayag ni Mel. Sinikap din umano ni Becky na siya ang makakuha ng bahay na ipinagbibili ni Jen sa Batasan. "Binigyan lang si Jen ng unang-una P500,000. Sabi niya sa akin Mel anuhin mo si Jen at saka si Lydia (ina ni Jennylyn) para bilhin natin ung bahay ni Jen kasi unahan na natin ung GMA nag-aalok ng ano P3 milyon yata or P4 milyon. Pag binigyan natin ng pera si Jen hindi na niya tatanggapin ung alok ng GMA," ani Mel. Kamakailan lang diumano ay nagsabi na si Mel na magbibitiw na sa kanyang trabaho kay Becky nung mga panahon na wala ng mapasweldo si Becky sa mga staff nito pero tumanggi umano si Becky. "Wala nang pasweldo si Tita Becky tapos gusto niya ako lang maiwan. Linisin ko lang daw siya. Tapos meron pa kasi akong mga tseke hinihingi ko sa kanya sabi ko sa kanya pondohan na niya," umiiyak na pahayag ni Mel. "Sabi ko tita kailangan ung mga pera kailangan ng ibalik kay Jennylyn. Sabi niya balik nga daw ako para maayos niya. Ayusin ung mga ano ung pera nga kasi sabi niya may masisingil na daw siya P800,000 daw," dagdag pa niya. Walang takot naman na inihayag ni Mel na hindi magkasundo umano si Angel Locsin at si Becky. Aniya takot si Becky kay Angel at ang trato ng aktres sa manager nito ay "booking manager" lang. "Parati silang nag-aaway dahil sa paglipat (ng ibang istasyon). Eh, kasi si Tita Becky naglipat eh," sabi ni Mel. Sa mga talento ngayon ni Becky si Jennylyn nalang umano ang pwedeng pagkakitaan niya, ayon kay Mel. "Eh kasi wala naman daw pinapasok na pera si Jen kaya dapat hanapan ng trabaho. Tapos alisin daw ung lahat ng nakapaligid kay Jen. Si Tita Lydia. Basta alam yan ni Tita Lydia gusto tanggalin ni Tita Becky ang pagiging nanay niya. Kailangan bastusin ni Jen si Tita Lydia kailangan hindi respetuhin para mawala na si Tita Lydia." Ang desisyon daw ni Mel na ilahad ang lahat ng kanyang nalalaman dahil sa mga paratang na sumisira sa kanyang pagkatao. Bilang depensa, nag-padala siya ng text messages sa ilang mga entertainment writers na pinasisinungalingan ang lahat ng mga akusa sa kanya. Humagulgol sa iyak si Mel habang sinasabi ang huling mensahe para sa kanyang amo. Aniya hindi niya sukat akalain na ididiin siya ng among kanyang minahal at pinagsilbihan ng matagal na panahon sa isang mapanirang bagay na hindi naman niya ginawa. Iginiit niya na hindi niya ninakaw ang pera ng mga alaga ni Becky bagkus si Becky pa umano ang gumagamit ng sarili niyang pera kapag nagigipit ito. Tumanggi naman na magsalita si Becky tungkol sa mga pahayag ni Mel. (JRDB/Sunnex) (October 26, 2008 issue) Source: Sunstar Daily |