Apr 21
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Assunta binawi ang ibinigay na kotse sa ina!

Author: The Philippine Star

Tatlong bagong talents ang sabay-sabay na ipinakilala ng talent manager-director na si Manny Valera sa movie press kamakailan lang bilang karagdagan sa roster of talents na nasa kanyang pangangalaga sa pangunguna ng award-winning at controversial sexy star na si Assunta de Rossi. Ang mga ito ay ang dating child star na si Anna Larrucea, 17; Jemalene Estrada, 16; at ang 14-year old na si Glaiza de Castro.

Paghahanda na raw kaya ito ni MV sa nalalapit na pag-aasawa ni Assunta sa kongresistang si Jules Ledesma?

‘‘Kahit naman nung nasa pangangalaga ko pa si Maricel Soriano, patuloy pa rin naman ako sa pagtuklas ng mga bagong mukha at pagha-handle ng mga datihan na tulad nina Ynez Veneracion, Jean Garcia at Jay Manalo. With or without Assunta, patuloy ang paghahanap ko ng mga bagong mukha,’’ paliwanag ni Manny.

Sa tatlo, masasabi naming mas may edge si Anna dahil kilala na ito at napag-alaman namin na willing din itong magpa-sexy when she reaches the age of 18.

Siyam na taong gulang si Anna nang siya’y magsimula sa showbiz sa pamamagitan ng Ang TV show ng ABS-CBN na sinundan ng Ang Kaybol. Napasama rin siya noon sa widely-followed teleserye na Mula sa Puso bilang anak ni Princess Punzalan. Napasama din siya sa Gimik at Tabing Ilog. Kasama din si Anna sa bagong sisimulang drama series ng GMA-7, ang Hawak Ko ang Langit. May sisimulan din siyang stage play sa Ateneo na pinamagatang Ang Bagong Damit ng Bahag Hari na ipapalabas din sa Far Eastearn University Gymnasium. Nakagawa na rin ang magandang teener ng siyam na pelikula.

Tulad ni Anna, ang dalawa pang bagong alaga ng DMV Entertainment na sina Glaiza de Castro at Jemalene Estrada ay pareho ring nagsimula as commercial models bago sila napasok sa showbiz. Si Glaiza ay na-discover sa commercial ng Jollibee habang sa PLDT commercial naman unang nakilala si Jemalene. Regular na rin siyang napapanood sa Master Showman ni Kuya Germs. Kasama rin siya sa pelikulang Cool Dudes 24/7 at kasalukuyan naman niyang ginagawa sa Regal ang pelikulang Singsing ni Lola. Recording artist din si Glaiza ng XAX kung saan na siya nakagawa ng album. She looks up to Jolina Magdangal as her idol.

Regular din siyang napapanood sa Master Showman. Kamakailan lang ay pinapirma siya ng 16-picture contract ng Regal Films as one of their contract and build-up stars. * * * Ang MTV-Asia Star na si Donita Rose pala ang napipisil ng Octo Arts Films para makapareha ng TV host-comedian na si Vic Sotto sa pelikulang Lastikman na ididirek ni Tony Y. Reyes for OctoArts Films. Ito bale ang magsisilbing comeback movie ng OctoArts na pansamantalang huminto sa pagpu-produce ng pelikula sa loob ng dalawang taon nang lumamlam ang takbo ng industriya ng pelikulang Pilipino.

‘‘Ang maganda pa nito, matagal na hindi gumawa ng pelikula si Vic kaya sabik ang kanyang mga tagahanga na muli siyang mapanood sa movie,’’ pahayag ni G. Ilacad.

Bukod sa OctoArts Films, balak ding buhaying muli ni G. Ilacad ang kanyang recording outfit, ang OctoArts International dahil kumalas na siya sa kanilang tie-up with EMI Music. * * * Matatagalan pa marahil bago maibalik sa dati ang paGMAmahalan ng magkapatid na Assunta at Alessandra de Rossi na nasira lamang magmula nang dumating si Cong. Jules Ledesma sa buhay ni Assunta.

Dapat sana’y naging masaya si Alex (palayaw ni Alessandra) sa kanyang naging kaarawan nung July 19 (actually her 18), pero hindi ganun ang nangyari. Nagbigay man si Assunta ng regalo sa kapatid, isinauli naman ito ni Alex sa kanyang ate. Mas lalo pang nagalit si Alex sa kanyang nakatatandang kapatid nang bawiin ng huli ang sasakyan na ibinigay sa kanilang ina (Neth). * * * Email:amoyo@pimsi. net

Source: The Philippine Star