|
|
| Ate Vi proud sa playboy image ni LuisAuthor: Gerry Ocampo Finally, nakausap namin nang hindi pinagkakaguluhan ng reporters si Batangas Governor Vilma Santos sa launching ng Laki sa Gatas ng Bear Brand milk kaya malaya naming naitanong sa Star For All Season ang kanyang reaksiyon tungkol sa pag-tatampo ng showbiz press kina Luis at Edu Manzano. Ang isyu kay Luis ay ang pagiging playboy daw nito kaya sila nag-break ni Angel Locsin. "Matagal nang isyu 'yang playboy image ni Lucky. I;m proud sa anak ko. But seriously speaking, sadyang malambing ang anak ko at kayo na ring taga-press ang magpapa-tunay na ganyan si Lucky. Super-makisama na nami-mis-interpret ng iba," paliwanag ni Ate Vi. Never din daw nakialam si Ate Vi sa break-up ng anak at ni Angel. Inamin din niyang close at mahal niya si Angel at naniniwala siya sa sinabi ng actress na walang nama-magitan sa kanila ni Sam Milby. Tulad din ng paniniwala niya sa anak na wala itong ibang babaing pinormahan maliban kay Angel. Natawa din si Ate Vi dahil maging ang ex-husband ay sangkot din sa tampo ng showbiz press. "Si Eduardo, grabe ang pagmamahal niyan sa press. Namis-interpret lang siya sa kanyang speech. Lahat ng award nata-tanggap niya pinahaha-lagahan niya, lalo na sa PMPC na unang nagbigay sa kanya ng award sa Star Award for TV. Going back sa launching ng Laki sa Gatas ng Bear Brand milk, layunin nina Ate Vi at pamunuan ng Bear Brand milk ay mai-parating sa mga magulang ang kahalagahan ng pag-inom ng gatas sa mga kabataan. "Mothers play a big role in ensuring their children's health that's why we include activities for them in Laki sa Gatas. This is our way of encouraging and informing them on how they can provide proper nutrition to their children," paliwanag ni Eugene David, Nestle Philippines Inc. Business executive manager for Dairy Health and Nutrition Solutions, tagagawa ng Bear Brand Powdered milk. * * * Sinadyang hindi siputin ni Rufa Mae Quinto ang Showbiz Central last Sunday dahil sukang-suka na ito sa pagmumukha ni Mo Twister. Sa ginawa naman daw nitong paninira sa kanya ay hindi na raw nito magagawang dedmahin o patawarin si Mo. Pinag-iisipan na rin ni Peachy kung mananatili pang co-host ng Showbiz Central dahil ayaw na raw niyang makita pa si Mo. Hindi na kasi nakakatuwa ang "pagbibirong" ginagawa nito kay Rufa Mae. Kaya hindi pa alam kung kailan babalik sa show si Rufa Mae hanggang naroroon si Mo. "Hindi na nakakatuwa ang ginagawa niya sa akin. 'Yung unang ginawa niya sa akin na may sex video rin ni Hayden ay pinatawad ko. Pero itong palabasin na si Congressman Mikey raw ang nagbigay sa akin ng house and lot sa Tate at pakakasalan ko ay hindi na tama. Hindi ko maintindihan 'yans si Mo kung ano ang gusto niyang palabasin para gawin ang mga ganitong paninira sa akin," bulalas ni Rufa Mae. Kung sakali, sino kaya ang pipiliin ng Siyete kina Rufa Mae at DJ Mo para manatili sa Showbiz Central? * * * Ipamimigay ni Alfred Vargas ang paborito at pamporma niyang polo habang si Judy Ann Santos ay ipamimigay ang kanyang bracelet sa unang caller ng Cool Center, ang first live radio talk show on TV ngayong Sabado, hosted by Anjo Yllana at Eugene Domingo. Sa "Wanted Honey" magkikita na sina Leonard Peralta at Veronica Peña na look-a-like daw nina Aljur Abrenica at Yasmien Kurdi sa Cool Center. Darating din ang cast ng Stairway to Heaven sa pangunguna nina Dingdong Dantes at Rhian Ramos. * * * NAGULAT ni Michael V nang manalong Best Actor ng First MTRCB TV Awards last Friday sa Gateway Cinema 5. Sa speech nga ni Bitoy ay totoo raw bang para sa kanya ang award? Ko-medyante kasi si Bitoy at kung tatanggap man siya ng award, dapat ay Best Comedy Actor. Pero walang duda na magaling na aktor si Bitoy at sila ni Ogie Alcasid ay kapwa nagbi-bigay ng saya sa Bubble Gang, tuwing Biyernes sa GMA-7. Guest BG ngayong gabi si Rainier Castillo at tampok ang Sita Parking gags at Putithione commercial spoof. Source: Taliba |