Sep 07
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpGoogle Groups

Aubrey May Hindi Pa Inaamin

Seen: Wala sa sarili si Troy Montero sa guesting niya sa The Buzz noong Linggo. Parang hindi niya alam ang isasagot sa mga tanong ni Boy Abunda tungkol sa pagbubuntis ng kanyang girlfriend na si Aubrey Miles.Five months preggy pa lamang si Aubrey nguni...

 

Aubrey May Hindi Pa Inaamin

Column: Seen Scene
Author: Pilipino Star Ngayon

Seen: Wala sa sarili si Troy Montero sa guesting niya sa The Buzz noong Linggo. Parang hindi niya alam ang isasagot sa mga tanong ni Boy Abunda tungkol sa pagbubuntis ng kanyang girlfriend na si Aubrey Miles.

Five months preggy pa lamang si Aubrey ngunit mukhang tatay na si Troy.

Scene: Inamin na ni Aubrey na buntis siya. Isa na lamang ang hindi niya inaamin, ang matagal nang tsismis na may anak siya sa hindi sumi­kat na aktor na si JP Obliga­cion.

Seen: Sintunado si Dennis Trillo nang ku­manta ito sa SOP noong Linggo. Halatang-halata ang sintunadong boses ni Dennis dahil mag-isa siyang kumakanta sa Stadia (Dagupan City) at nasa GMA 7 studio ang mga kasama niya sa production number para sa birthday celebration ni Regine Velasquez.

Scene: Wala nang gaanong balita tungkol kay Gabby Concepcion. Nabawasan na ang interes ng mga tao kay Gabby mula nang dumating ito sa Pilipinas noong March 30. Nasulat at nabasa na ang lahat nang dapat isulat at malaman tungkol sa 13 taon na pamumuhay niya sa Amerika. Pareho ng kapalaran sina Gabby at Jun Lozada.

Hindi na rin interesado kay Jun ang mga tao.

Seen:  Nagbakasyon sa Boracay si LJ Reyes at ang kanyang Fil-Chinese boyfriend. In love na in love si LJ na nakita na nakapulupot sa kanyang boyfriend.

Scene: Mga showbiz issues at eksena na nakakasawa na.

Cesar Montano- Sunshine Cruz  hiwalayan ek-ek; ang mga magulang sa PBB Teen Edition Plus na nakikipagsabayan sa mga teen house­mates sa pag-i-emote sa PBB House at TV camera; ang mga tanong kay Regine Velasquez kung kailan sila magkakaroon ng anak ni Ogie Alcasid gayong hindi pa sila kasal; ang mga drama ni Car­lene Aguilar na ayaw mag-artista ngunit madalas magpainterbyu sa mga talk shows tungkol sa relasyon nila ni Dennis Trillo (mag-move on ka na girl!); Ang nakakabuwisit na mga updates sa pagbu­buntis ni Jennylyn Mercado at sa magulong relasyon nila ni Patrick Garcia.

Tama na, sobra na!

Source: The Philippine Star