|
|
| Away kay Kristine, tinawanan ni Oyo! Direk Chito, nadukutan!![]() Author: Jojo Gabinete NATAWA si Oyo Sotto sa balita na nag-away sila ni Kristine Hermosa nang manood sila ng concert nina Rihanna at Chris Brown noong Linggo sa The Fort Open Field, Taguig City. Alam namin ang isyu na tinutukoy ni Oyo dahil nabasa rin namin ang report na may nakakita na nagmamadali si Kristine sa paglalakad habang mabilis siyang sinusundan ni Oyo. Nag-speculate ang mga saksi na nag-aaway ang dalawa kaya hindi nila tinapos ang panonood sa concert nina Rihanna at Chris. Mali ang akala dahil ayon mismo kay Oyo, nagmamadali si Kristine sa paglabas dahil may importanteng kukunin sa sasakyan ang kanyang rumored girlfriend. Sina Oyo, Dingdong Dantes, Ricky Davao, Armida Siguion-Reyna, Bibeth Orteza, Ethel Ramos, Dolor Guevara, Boots Plata, Roselle Monteverde, Bobby Andrews, Chito Roño, Douglas Quijano, Pia Guanio, Rita Avila at ang mga member ng Wednesday Club ang ilan sa mga bisita sa belated birthday party ni Malou Choa-Fagar na ginanap sa penthouse ng Century Imperial Palace Suites noong Miyerkules ng gabi. Isa si Dingdong sa mga maagang dumating sa party ni Malou. Nanggaling si Dingdong sa One True Love theater tour nila ni Marian Rivera, pero wala sa kanyang itsura na pagod siya. Sumaglit si Dingdong sa party bago siya pumunta sa shooting ng cinema plug ng GMA 7. Natuwa si Dingdong nang malaman niya na Kapuso star na rin si Diether Ocampo. Nalaman daw niya ang balita mula kay Iza Calzado. Nabawasan na ang workload ni Dingdong dahil showing na sa mga sinehan ang One True Love. Looking forward si Dingdong sa biyahe niya sa Amerika para sa December 5 show nila ni Marian sa Shrine Auditorium, ang Let's Celebrate The Dingdong-Marian Dance Concert. Right after the show, pupunta si Dingdong sa Las Vegas para manood sa laban nina Manny Pacquiao at Oscar Dela Hoya. Hindi na nakarating si Senator Jinggoy Estrada sa party ni Malou dahil hindi niya maiwan ang dubbing ng Magkaibigan, ang pelikula nila ni Christopher de Leon na official entry sa 2008 Metro Manila Film Festival. Hinihintay pa naman ni Rita Avila ang pagdating ni Jinggoy. Gustong ialok ni Rita sa senador ang isang kanta na original composition niya. Biktima ng cellphone snatching si Chito Roño. Hindi namalayan ni Chito na nadukot ang kanyang cellphone habang pumipili siya ng mga DVD na bibilhin niya. Naengganyo si Chito na bilhin ang DVD ng A Room With A View at ng iba pang on sale na pelikula sa isang video shop sa Greenhills Shopping Center. Huli na nang mapansin ni Chito na nawawala ang cellphone niya na dinukot mula sa kanyang bag. Dobleng pag-iingat ang dapat gawin ng mga shopper dahil tumataas ang bilang ng kaso ng pandurukot tuwing Christmas season. Kumpirmado na ang paglipat ni Diether Ocampo sa GMA 7 pero wala pang official statement mula sa kanya. Nabigo ang mga reporter na makakuha ng reaksyon mula kay Diether. Imbes na sagutin ang mga tanong tungkol sa paglipat niya, “Merry Christmas” ang mga sagot ni Diether sa lahat ng mga nagpadala sa kanya ng text message. Iba ang interpretation namin sa “Merry Christmas” reply ni Diether. Posibleng ipinahihiwatig niya na magiging merry ang kanyang Christmas dahil sa mga bagong challenge sa kanyang showbiz career. Merry ang Christmas ni Diether dahil positive ang mga feedback sa paglipat niya sa GMA 7. Isang lalake na visible sa mga premiere night at awards night ang nagpanggap na reporter sa red carpet premiere ng One True Love. Nagpakilala ang lalake na reporter, kahit walang diyaryo na pinagsusulatan at nakipag-agawan sa mga press kit na ipinamigay ng PLDT representative. Sagad na ang pagiging abusado ng lalake. Gate-crasher na nga, nakikisabat pa siya sa pag-uusap ng mga invited guest. Source: Abante |