Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Awayang Dra. Vicki Belo at Boy Abunda, lumalala

Awayang Dra. Vicki Belo at Boy Abunda, lumalala

Author: Julie Bonifacio

Nanginginig ang boses ni Boy Abunda habang nagbibigay ng kanyang pahayag sa Showbiz News Ngayon last night tungkol sinabi ni Dra. Vicki Belo sa pinakahuling interview sa kanya na kung gusto ninyong maging kamukha ni Boy Abunda sa Calayan kayo pumunta at kung gusto naman ninyong maging kamukha si Dingdong Dantes sa Belo kayo magpunta.

Ayon kay Boy, hindi siya makapaniwala na magagawang sabihin 'yun ni Dra. Belo sa kanya. Last week lamang sa huling interbyu sa kanya ni Kris Aquino para sa SNN ay natuwa si Boy sa kanilang pagbabati. He even said that he missed Dra. Belo. Diretsahang sinabi ni Boy sa SNN na never naman niyang sinabi na maganda siya. At wala siyang ilusyon sa kanyang panlabas na kaanyuan. Dugtong pa ni Boy, "I got a call from Nanay, 'yung telepono ko may tumatawag. Akala niya tulog na ako. Gising pa ako. Sabi niya, sagutin mo lang ang tanong ko. Meron ka ba'ng ginawa kay Dra. Belo at ginagawa ka niyang katawa-tawa? Wala po akong ginawang masama kay Vicki Belo. Vicki if you're watching, you know that I did not do anything bad to you to deserve this insult. Wala ako'ng ginawa. And 'Nay if you're watching, wala po ako'ng ginawa. Dahil narating ko po'ng itong maliit na espasyo dito sa industrya na wala po ako'ng tinapakan. At mga kaibigan hind po tayo kinakailangang kasing ganda o guwapo ni Dingdong Dantes para maging masaya at mabuting tao," madiing sabi ni Kuya Boy sa SNN. Tuluyan ng lumuha si Kuya Boy backstage pagkatapos niyang magbigay ng kapirasong statement sa SNN. Pagpasok ni Kuya Boy sa kanyang dressing room after the show agad na kinausap niya ang kanyang ina. Doon ay lumuha uli si Kuya Boy.

Kasunod naman nito ay ang overwhelming support ng mga taong nagmamahal sa kanya at 'di niya mga kilalang tao na nagpadala ng napakakagandang text messages. That night alone umabot sa 100 text messages plus a call from Ricky Lo ang natanggap ni Kuya Boy na encouraging words at pagkamuhi naman kay Vicki Belo. ABS-CBN.com also found out na may gap din pala ngayon ang sikat na editor ng Philippine Star at TV host at si Dra. Belo. In fact, ina-arrange daw sana ang isang lunch ng staff ni Dra. Belo para sa pag-uusap nina Ricky at beauty surgeon pero tumanggi ang broadsheet newspaper editor.

Napag-alaman din ng ABS-CBN.com na nag-sorry na raw si Dra. Belo kay Kuya Boy. Pero ang ikinawindang ng malalapit kay Kuya Boy ay kung bakit ipinadaan pa ni Dra. Belo ang paghingi niya ng apology sa ibang tao. Itinext lang daw ni Dra. Belo ang pagsabi ng sorry kay Kuya Boy sa isang kaibigan ng respetadong TV host at napaka-business-like pa raw ang dating ng paghingi niya ng apology. Ayon sa ilang malapit kay Kuya Boy, kay dali-dali naman daw hanapin ng number ng TV host. Kung sinsero raw talaga si Dra. Belo sa paghingi ng sorry kay Kuya Boy she should have done it more personal at hindi na ipapadadaan pa sa iba.

Abangan sa The Buzz this Sunday sa ABS-CBN ang continuation ng pahayag ni Kuya Boy regarding Dra. Belo's statement on him.

For Boy Abunda's complete statement, your reactions and more showbiz updates log on to http://snnonline.multiply.com

Source: ABS-CBN Interactive