|
|
| Ayoko nang balikan pa ang nakaraan -- KarylleAuthor: Mercy Lejarde Truly shocked naman si yours truly Ian F. and katotong Leo B. sa pagkamatay ni Didith Reyes na tulad ni Marky Cielo ay biglaan din. Ang akala ko ay nagbibiro lang ang fashion designer of the stars during the 70's na si Goullee Gorospe nang mag-text nang something like. .. "Nadepress si Didith, araw-araw, gabi-gabi naririnig ang kanta niyang Bakit Ako Mahihiya? na theme song ng Eva Fonda. "She died of depression. " Until pinatotohanan ito sa amin ni Tita Aster Amoyo at Donya Lolita Solis na totoo ngang patay na ang sikat na sikat na soul diva nu'ng dekada 70's to early 80's. Ang dinig namin ay namatay ito sa pagkakatulog pero bago raw ito namatay ay nabundol daw or nasagasaan ata kung kaya marami raw nakitang may pasa ito sa katawan. Hindi pa artista si Didith noon ay kasa-kasama na namin itech nina Goulee Gorospe dahil nga girlfriend siya noon ng bestfriend naming si Damba Marquez na siofatid ni Tsong Joey at Melanie. Sa Biñan Laguna raw nakaburol ang mga labi ng dating sikat na singer kaya pinakiusapan namin si Lolit Solis na kung puwede niyang hingan ng tulong si Ex-President Joseph Estrada na maiburol sa Quezon City ang bangkay ni Didith para naman masilayan ito ng mga naging kaibigan niya noon at ngayon ang kanyang katawang lupa bago man lang ito maihatid sa kanyang huling hantungan. Eniwey, kahit dalawang celebs ang magkasunod na namatay ngayong December (Marky and Didith) still the show must go on sa showbiz. Bonggacious ang second preskon ng Viva Films entry for MMFF 2008 titled Baler dahil ginawa pa ito sa corporate office ng Pagcor sa Hyatt Hotel na co-producer pala ng Viva Films. Kaya pala no doubt, Baler is the most expensive and the biggest not only in scope but in cast headed by Jericho Rosales, Anne Curtis, Philip Salvador, Michael de Mesa, Joel Torre, Rico Locsin, Ryan Eigenmann, Carlo Aquino, Leo Martinez, Baron Geisler, Bernard Palanca, Allen Dizon, Jao Mapa, DJ Durano, Nikki Bacolod, PJ Valerio, Alvin Anson, Andrew Schimmer, Arvee Quizon and Mark Baautista. Ang kumanta naman ng theme song nito ay si Sarah Geronimo at ang nagdirek ay si Mark Meily. "We can't help it. " said Viva Boss Vic del Rosario. "It really takes that much money and with such manpower to recreate on the big screen the historic events in 1898. Remember that we re bringing a big slice of life that happened more than a century ago. " Baler is a story of conflict, betrayal, suffering, self-preservation, selfishness, obstinacy, self interest , heroism, courage, love of freedomj, patriotism, chivalry and above all, a noble story lof love in time of war-- the story of Celso (Jericho) and Feliza (Anne) na ang quoatation ek nga ng Baler ay "love is worth fighting for. " * * * Meanwhile, pumirma na si Karylle ng one year contract sa ABS-CBN 2 nu'ng Martes ng gabi at masasabing certified Kapamilya talent na siya. "Paglabas ko ng car ang dami na agad nag-welcome sa akin kaya ang sarap ng feeling," sey ni Karylle dun sa welcome preskon na bigay sa kanya ng ASAP '08. Magkakaroon ng series of projects si Karylle sa Dos at isang bonggang pagsalubong ang ibibigay sa kanya ngayong Linggo sa ASAP '08. First time na ma-kakasama ni Karylle ang mommy dearest niyang si Zsa Zsa Padilla kaya sobrang excited siya lalo pa't makakasama rin niya ang isa sa hina-hangaan niyang Kapamilya talent na si Piolo Pascual. When asked about ex-boyfriend Dingdong Dantes, friends pa rin daw sila, pero wala na raw talagang balikang magaganap as sweethearts. "Ayoko nang balikan pa ang nakaraan," sey pa nito. * * * FIFTH elimination round na sa Pinoy Fear Factor kagabi. Ewan lang kung sino sa mga PFF participantes na sina Elmer, LJ Moreno at Manuel ang na-eliminate kagabi dahil biglang nag-brown out sa lugar namin. Basta ang alam namin ay muntik nang ma-eliminate si LJ nu'ng ika-4th round. * * * Buhay na buhay naman sa kasiyahan ang studio ng Kapamilya Deal Or No Deal lalo na kapag nakakakuha ng briefcase ang studio player of the day ng maliit na amount. Sayawan-to-the-max ang lahat lalo na ang family ng studio player. Paano naman kasi, limang briefcase ang naglalaman ng P1 milyon each. Meaning, mas malaki ang chance ngayong manalo ng P1 milyon sa KDOND para sa kanilang early X'mas promo. Bukod sa may prog-ramang Everybody Hapi ay talagang Everybody Hapi ang mga taga-TV5 dahil humahataw na sa televiewers ang You & Me Against The World ni Gretchen Barretto, ang Juicy nina Alex Gonzaga at IC Mendoza, ang Hahahayop ni Eugene Domingo at ang Talentadong Pinoy ni Ryan Agoncillo. Source: People's Tonight |