|
|
| BB Padilla at Carmina, magkahawig!![]() Author: Jojo Gabinete “OO” ang, aming sagot sa isang kaibigan na nagtanong kung kinaya namin ang mga eksena ni BB Padilla aka BB Gandang Hari sa guesting nito sa Startalk noong Sabado. Hindi shocking ang pagbibihis-babae at pagrampa ni BB sa Startalk dahil ganoon din ang drama niya sa Gawad Urian noong nakaraang taon. Nakuha lang ni BB ang atensyon ng mga tao dahil sa revelation na pinatay na niya ang kanyang dating katauhan, si Rustom Padilla. Naging “kriminal” si BB pero hindi siya uusigin ng kanyang konsensya dahil ibang klaseng pagpatay ang ginawa niya. Napansin ang malaking pagkakahawig ni BB sa dating asawa ni Rustom na si Carmina Villaroel sa split-screen telecast ng Startalk sa interview sa aktres at sa reaksyon ni BB.*** Halatang natulala ang mga Startalk host na sina Lolit Solis, Joey de Leon, Butch Francisco at Ricky Lo nang rumampa si BB. Kapani-paniwala ang claim ni BB na nag-aral siya ng ramp modelling sa New York dahil na-perfect na niya ang paglalakad sa rampa ng isang legitimate model. Kahit alam na nila ang itsura ng kanilang special guest. Stunned ang apat na host ng Startalk. Hindi kaagad sila nakapagbitaw ng mga tanong para kay BB na larawan ng isang mahinhin pero sophisticated na babaeng Pilipina. Nakaka-distract lang ang pagsasalita ni BB ng American language dahil hindi natural ang kanyang pagbibitaw ng salita, pero kuwela ang pagtaas ng kilay niya kapag hindi siya komportable sa mga narinig na tanong. Nakita namin ang lungkot sa mga mata ni BB nang magtanong sa kanya si Lolit kung nagkaroon na siya ng boyfriend mula nang palitan niya ang pagkatao. Naging malamlam ang mga mata ni BB nang sabihin nito na “wala” at “I don't want to grow old alone.” Naiintindihan namin ang hindi pagsasalita ni BB tungkol sa isyu ng sex-change operation dahil kung aamin siya, wala nang pag-uusapan. Lalong hindi pa niya aaminin ang mga lalake na nakarelasyon noon ni Rustom dahil puwedeng nakareserba ang kuwento sa libro na kanyang puwedeng isulat, pagdating ng araw. Nagtagumpay si BB sa pagpatay kay Rustom dahil nakuha niya ang atensyon ng publiko. May mga naaliw sa kanya pero may mga hindi makapaniwala. Walang pakialam si BB dahil mas importante na maligaya siya sa kanyang desisyon na matupad ang pangarap na maging babae.*** Inabangan ang guesting ni BB sa Startalk at pruweba ang pagpunta sa studio ng mga security guard, mga empleyado ng GMA 7 at mga artista na nagre-rehearse para sa SOP. Manghang-mangha si Lolit sa dami ng tao na sumugod sa Startalk studio para personal na makita si BB. Isang executive producer ng GMA 7 ang agad na nag-alok ng guesting kay BB pero nagsalita ito na hindi pa siya handa na mag-perform sa isang musical variety show. Kahit tapos na ang interview kay BB, nagtagal pa siya sa studio dahil hindi matapus-tapos ang “fans” sa pagpapakuha ng litrato sa “babae” na pumatay kay Rustom. Kung may mga natuwa kay BB, marami rin ang nalungkot, lalo na ang mga dating fan ni Rustom, dahil sa katotohanan na hindi nila makikita ang aktor na kanilang inidolo noon.*** Ipinaalam ng isang GMA 7 executive sa Belo Medical Clinic na kinukuha bilang endorser ng Calayan Surgicenter si Katrina Halili. Walang problema sa Belo Medical Clinic. Hindi nila pinigilan na lumipat si Katrina sa rival beauty and skin care clinic. Ang hindi pagtutol ng Belo Medical Clinic ang kumpirmasyon na hindi na nila endorser si Katrina at resulta ito ng pagkakasangkot at pagkakaroon ng relasyon ng sexy actress kay Hayden Kho, Jr. Source: Abante |