Apr 18
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Babaeng hubad sa Internet na kahawig nina Marjorie at Claudine, 'di dapat seryosohin

Author: Jojo Gabinete
Column: The Source

HINDI na itinuloy ni Cristina Decena ang pagsasampa ng kaso laban kay Justice Secretary Raul Gonzales, pero nag-file siya ng reklamo (strong opposition) sa Senado at Commission on Appointments.

Nagreklamo si Cristina dahil inakusahan niya si Secretary Gonzales ng pakikialam sa mga kaso na isinampa niya laban sa kanyang dating lover na si Phillip Salvador.

Ironically, si Secretary Gonzales ang nag-dismiss ng falsification case na isinampa laban kay Cristina ng magkapatid na Phillip at Ramon Salvador.

Si Gonzales din ang nagdesisyon na i-upgrade sa other forms of swindling ang other deceit case na unang isinampa ni Cristina laban sa aktor.

***

Ang panonood ng mga VCD at DVD films ang aming pag-aaksayahan ngayong Holy Week.

May kopya kami ng 2006 edition ng The Ten Commandments na isinapelikula noong 1956.

Ngayong 2006, fifty years na ang pelikula na isa sa mga itinuturing na classic.

Mapapanood sa 50th anniversary collection ng The Ten Commandments ang mga komentaryo ni Katherine Orrison, ang author ng Written Stone, Making Cecille�s Epic.

Kasama rin sa DVD ang 1923 silent film ng The Ten Commandments.

***

Hindi namin masyadong sineryoso ang email na ipinadala ng isang reader. Naka-attach sa email ang nude picture ng isang babae na diumano�y pinsan ng mga Barretto.

Malaki ang pagkakahawig ng unidentified girl kina Marjorie at Claudine, pero hindi ito nangangahulugan na kamag-anak nila ang babae na may nude photos na kumakalat sa Internet.

Kahit sino ay puwedeng mag-claim na kamag-anak sila ni ganito o ganireng artista pero kailangan nila na magpakita ng sapat na ebidensya. May iba nga riyan na tunay na kadugo ng mga artista pero idine-deny sila.

***

Comments are welcome at jojogabinete@yahoo. com.

Source: Abante