|
|
| Babala ni Mark kay Baron...'Konti na lang, yari ka na!'Author: Nitz Miralles Nabanggit ni Roderick Paulate nang mag-guest sa Showbiz Central na malaki ang posibilidad na mapanood siya sa mga show ng GMA-7 sa mga susunod na araw. Dahil komedyante, inisip naming baka isama siya sa sitcom na gagawin ni Manny Pacquaio dahil swak na swak siya rito. Kaya lang, iba ang nakarating na balita sa amin, dahil hindi sa sitcom ni Manny sana isasama si Roderick kundi sa Rosalinda. Kaya may "sana," dahil under negotitation pa ang lahat, as in, nag-uusap pa ang manager ni Roderick at ang mga taong nasa likod ng series. Kung this month na magsisimula ang taping ng Rosalinda, kailangan nang magdesisyon ang manager ni Roderick kung tatanggapin ang offer o sa ibang show ng network siya ipapasok. * * * Punung-puno ang Hall 2 ng SMX sa pinagsamang fashion show ng Bench, Kasiecha at Human para sa Fashion Week last Sunday afternoon. Ang mag-asawang Richard Gomez at Lucy Torres nga, hindi na nakaupo at tinapos ang show nang nakatayo. Rumampa sa portion ng Human ang celebrity endorsers na sina Billy Crawford at Luis Manzano, si Bea Alonzo naman para sa Kasiecha, at si Piolo Pascual ang finale sa Bench at minsan lang talaga siya lumabas. Rumampa sa Bench sina Shaina Magdayao, Karylle, Iya Villania, Rafael Rosell, Christian Bautista, Jay-R, Zanjoe Marudo, Kim Chiu, Jake Cuenca, Gerald Anderson, Diether Ocampo, Marco Alcaraz, Enchong Dee Jon Avila at John Prats, na kailangang mag-diet dahil malusog. Wala si Katrina Halili, na dapat kasama sa fashion show, nagpadala raw ng letter ang lawyer nito kay Ben Chan na hindi makakapag-participate ang actress at naintindihan siya ni Mr. Chan. Kung nagkataong dumating si Katrina, nagkita sana sila ng ex-boyfriend niyang si Kris Lawrence, na nanood bilang suporta sa friend niyang si Jay-R. Marami rin ang nanghinayang na hindi sumali si Dingdong Dantes sa fashion show dahil nagkita sana sila ng ex-GF niyang si Karylle, isa sa mga model that afternoon. Nanood sina Sheryl Cruz, Denise Laurel at Krista Ranillo kasama ang manager nilang si Arnold Vegafria. Ibinalita ni Arnold na Bench Body endorser na si Krista at sa next denim and underwear fashion show ng Bench, isa siya sa mga rarampa. * * * Si Mark Herras ang sumalang sa Intriga Crossfire ng Showbiz Central at inaming bad trip siya kay Dr. Hayden Kho dahil sa ginawa kay Katrina Halili. Tatanungin niya ito kung bakit nangyari ang 'di dapat nangyari. Nagpahaging naman ito kay Baron Geisler sa kaso kay Yasmien Kurdi sa comment na "konti na lang, yari ka na. " Mahal nito ang galing sa StarStruck lalo na ang mga babae at ipinarating ang suporta niya kina Katrina at Yasmien. In-assure rin ni Mark ang fans nina Marian Rivera at Dingdong Dantes na kung mapapasama siya sa Darna, hindi siya maninira ng loveteam at magtatrabaho lang siya. "Wala akong planong manggulo," paniniyak nito. May interview din ang SC kay Baron at sinabi nitong okey na ang lahat at peaceful sa set ng Suspetsa. Tungkol sa hinihinging public apology ni Yasmien, "'Di ko alam, I have to talk to my lawyer first," ang sagot ni Baron. Naniniwala rin ang foreigner girlfriend ni Baron na 'di nito magagawa ang akusasyon ni Yasmien. * * * First time mailang ni JC de Vera sa kapareha at nangyari ito kay Heart Evangelista, partner niya sa TV remake ng Ngayon at Kailanman, na magpi-premiere sa June 8, kapalit ng Paano Ba Ang Mangarap? Kuwento ng actor, sa first taping day nila at hanggang ngayon, ilang pa rin siya kay Heart at noong pictorial nila, hindi siya makatingin nang diretso rito. "Starstruck ako sa kanya at nawawala lang ang ilang ko 'pag magkaeksena kami. Kapag nag-cut na si Direk Mike Tuviera, starstruck na naman ako sa kanya. Ang feeling ko, sobrang taas pa rin ni Heart para sa akin, pero unti-unti namang nawawala," ani JC. Magkaklase noong grade 2 sa Colegio San Agustin sina JC at Heart at magka-batch sila up to first year high school, pero hindi sila friends at 'di rin close dahil sabi ng actor, magkaiba ang mundo nila. Intimidated raw siya sa actress dahil heartthrob at grade 7 pa lang, sikat nang endorser. Takot din siyang lumapit at baka awayin siya ng boys na may gusto kay Heart. Ngayon lang nakikilala nina Heart at JC ang isa't isa at tsikahan sila 'pag breaktime sa taping sa Hacienda Leviste, Lipa, Batangas, at maraming nadidiskubre ang actor sa kapareha. Source: People's Tonight |