|
|
| Baby James, ring bearer sa Korina-Mar weddingAuthor: Nitz Miralles HINDI na muna mapapanood sa Bandila ng ABS-CBN at pansamantalang 'di maririnig sa DzMM si Korina Sanchez dahil pormal na itong nagpaalam sa kanyang radio listeners kahapon, Friday. Kailangang mag-leave ni Korina para asikasuhin ang nalalapit na kasal nila ni Sen. Mar Roxas na mangyayari this year. Noong nasa Davao sila last week, namili na ng orchids si Korina na gagamitin sa wedding at sa mga darating na araw, tutungo siya ng Cebu para makipagkita sa internationally-renowned designer na gagawa ng kanyang wedding gown. Wala pang wedding entourage, pero si Baby James nina Kris Aquino at James Yap daw ang ring bearer. Inaasikaso rin ni Korina ang birthday celebration ni Sen. Mar na sa Tondo gagawin dahil du'n in-introduce ang "padyak" at ang pinakamurang bigas sa buong mundo. * * * MATUTULOY din mamaya ang presscon ng Are You The Next Big Star?, ang singing search ng GMA-7 hosted by Regine Velasquez. Nauna nang mag-taping last Tuesday at tuloy na yata ang pilot nito sa May 16. Makakasama ni Regine bilang judges sina Pops Fernandez, Randy Santiago, Danny Tan, Annie Quintos ng The CompanY at Mon Faustino ng Powerplay Band. Balik-Channel 7 si Pops after I Love Betty La Fea ng ABS-CBN. Si Randy naman, director ng Parekoy ng Channel 2 pa rin. Dahil open pati sa professional singers ang search, may mga contestant na nakapasok na kumakanta na at meron pa ngang nag-aartista. Hindi lang kami sure kung kasama sila sa presscon mamaya para ipakilala sa press. * * * LAST episode na ng Kakasa Ka Ba Sa Grade 5? this Saturday, pero tuloy ang pagiging host ni Janno Gibbs, dahil siya ang host ng Power of 10, ang bago at pinakamalaking game show ng GMA-7. Ang introduction nga ni Janno ay "pinakamalaking game show na may pinakamaliit na host at pinakamaliit na talent fee," na agad binawi bago pa seryosohin ng press. Sina Lolit Solis at Joey de Leon ang first set ng contestants na susubok manalo ng P10 million. May punchline uli si Janno sa big amount na mapapanalunan, ang kalahati at cash na mapananalunan ay galing sa kanya at ang kalahati ay sa network. Bukas, May 10, na ang pilot nito after Kap's Amazing Stories. Anong excitement ang ibibigay sa viewers ng Power of 10? "Unang-una, ang questions ay mapapraning ka. Akala mo simple, pero 'pag inisip mo na ang sagot, mahirap pala. Puro percentage ang questions at ganu'n din ang sagot. Iba ito sa Kakasa Ka Ba Sa Grade 5? Malaking laktaw ito and if you look around, technically, malaki rin. Magki-klik ito sa viewers the same way na sikat ito sa 25 countries," sabi ni Janno. Samantala, sa last episode ng second season ng KKBSG5? ang magaling na si Tessie Tomas ang susubok makuha ang one million jackpot prize. Tingnan natin kung makatulong kay Tessie ang matinding review na ginawa para hindi Kalabasa award ang iuwi. Dahil final episode, gagawin na rin ang taunang graduation ng mga Kakasa classmates at bibigyang saludo na rin nila ang kanilang mga ina para sa Mother's Day. * * * MABUBULILYASO yata ang pagiging magkapitbahay nina Kris Bernal at Aljur Abrenica dahil namamahalan ang actor sa tiningnang bahay malapit kina Kris. Hindi pa raw niya kaya ang P7 million na bahay, kaya mangungupahan na lang muna siya. Excited pa naman si Kris na maging neigHBOr ang ka-loveteam sa Dapat Ka Bang Mahalin? dahil walking distance sa bahay nila ang napili ni Aljur. Sabagay, kahit hindi maging neigHBOrs, close pa rin sila at kikiligin si Kris sa sinabi ng actor na siya lang, bukod kay Ara Mina, ang gusto niyang kahalikan sa ngayon. Nababaitan si Kris kay Ara dahil tinutulungan siya sa acting, niregaluhan ng perfume at ipapasok na endorser kay Cathy Valencia. Natawa si Kris sa biro ng press na mas mahal siya ni Ara kesa kay Cristine Reyes na after two months, noong May 4, lang uli nag-text kay Ara. * * * FEATURED movie today sa 5Max Movies ng TV5 ang The Da Vinci Code starring Tom Hanks. Bale, appetizer ito sa May 15, showing ng Angels and Demons, prequel ng TDVC, na ang special cinema screening sa Greenbelt 3 ay sponsored din ng network. Bukas, May 10, ang Shrek 2 ang palabas sa 5Max Movies pa rin, the same movie na palabas sa special barangay screening sa SB Park, Brgy. Tandang Sora, Quezon City. Source: People's Tonight |