Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Bagets ni Jennylyn nahihiya pang lumabas

Bagets ni Jennylyn nahihiya pang lumabas

Author: Aster Amoyo
Column: Rated A

Nung unang linggo pa ng Agosto ini-expect na isisilang ng singer-actress na si Jennylyn Mercado ang kanyang baby na si Jazz pero mukhang 'nahihiya' ang bagets na lumabas. Pagkapanganak, gusto ni Jennylyn na maibalik ang dating shape ng kanyang katawan bago siya bumalik sa kanyang trabaho.  Tulad ng kaibigan at kasamahan niya sa kuwadra ni Becky Aguila na si Valerie Concepcion, gusto ni Jennylyn na magtrabaho nang husto para sa kanyang baby. 

Ngayon, hindi na lamang para sa  kanyang sarili at parents niya ang gagawin niyang pagta-trabaho kundi mas lalo na sa kanyang isisilang na si Jazz.

At hindi pa man lumalabas si Jazz ay marami na ang nagsasabi na tisoy ang baby ni Jennylyn dahil mestizo ang ama nitong si Patrick Garcia na napapa­balitang nasa Amerika umano sa kasalukuyan.

* * *

Isa kami sa maraming nalungkot (including the judges na sina Wyngard Tracy, Ogie Alcasid at Jolina Magdangal) nang matanggal si Kid Camaya sa semi-final round ng Pinoy Idol na ginanap sa Centerstage ng Mall of Asia (MOA) nung nakaraang linggo ng gabi. 

Sa Top 5 ng Pinoy Idol, si Kid ang pinakamagaling pero siya ang unang na-eliminate dahil kahit pabor sa kanya ang mga hurado, hindi naman siya nanalo sa text votes. 

Pero kahit hindi pumasok si Kid sa Top 3 finalists, hindi naman ito nangangahulugan na hihinto ang kanyang sinimulang singing career.  Katunayan, isa siya sa pipirma ng build-up contract sa GMA Artist Center at hindi rin kami magtataka kung kasunod na rito ang alok mula sa isang kilalang record company. Guwapo at matalino ang FEU scholar na dating Asst. Manager ng BPI J. P. Rizal Makati bago siya sumali sa Pinoy Idol.

Magaan niyang tinanggap ang husga ng taong bayan sa pamamagitan ng text votes at hindi namin ito kinakitaan ng pagkalungkot. 

* * *

Kahit hiwalay na, nanatiling magkaibigan ang estranged couple na sina Lotlot de Leon at Ramon Christopher (Gutierrez) dahil na rin sa kanilang apat na anak na lahat na kay Monching (Ramon Christopher). 

Pagdating sa interes ng mga bata, magkasundo sina Monching at Lotlot.

Kahit annulled na ang kanilang kasal, pareho pa ring unattached ang dating mag-asawa. 

Mas focused sila sa kanilang mga anak at sa kanilang respective careers.

Hindi naman kaya sa bandang huli ay sila pa rin?  Nagkahiwalay sina Janno Gibbs at Bing Loyzaga pero nagkabalikan ganundin sina Regine Tolentino at Lander Vera Perez. 

Maraming taon din ang binilang nina Rosemarie Gil at Eddie Mesa, pero ang ending ay sila pa rin.  Bilog ang mundo kaya posibleng magkabalikan pa sina Lotlot at Monching balang araw kung talagang sila ang ukol sa isa't isa.

* * *

Hinusgahan na kahapon ang higanteng tambalan ng dalawang hari ng komedya na sina Dolphy at Vic Sotto sa pamamagitan ng Dobol Trobol.

Tampok din sa nasabing pelikula sina Carmi Martin, Jose Manalo, Wally Bayola at Riza Santos at kung saan naman may special participation ang respective loves nilang sina Zsa Zsa Padilla at Pia Guanio.

 Ang ipinagtataka lang namin, bakit hindi sina Zsa Zsa at Pia ang ginawang leading-lady sa pelikula para mas bongga? 

Ganunpaman, ang tambalan lang nina Dolphy at Vic ay isa nang event na maituturing.

* * *

Personal:  Belated birthday greetings kina Dr. Jonathan Dizon ng St. Luke's Medical Center nung August 11 at kay Aga Muhlach nung August 12.

* * *

 a_amoyo@pimsi. net

Source: The Philippine Star