Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Bagong soap nina Marian at Dingdong, iniintriga!

Author: Nitz Miralles
Column: Basta

Personal nang kinumpirma ni Jolina Magdangal sa Showbiz Central noong Linggo ang breakup nila ni Bebong Muñoz.

Pero gaya ng sinabi sa amin ng ama niyang si Jun Magdangal, hindi na binanggit ng singer-actress ang rason at ang exact date ng hiwalayan nilang dalawa.

Direkta at simpleng "Totoo po, totoo na wala na kami" ang sinabi nito.

Binanggit din ni Jolina na ipinaalam muna sa kanya ni Daddy Jun kung puwedeng sabihin sa press ang tungkol sa breakup nila, kaya nasulat namin last Sunday.

Sa tanong ni Raymond Gutierrez kung paano niya na-handle ang breakup, sabi ni Jolina, by prayers at suporta ng pamilya at mga kaibigan.

Ayaw niyang isali ang pamilya sa lungkot niya at 'pag hindi na niya kaya, pumapasok na lang siya sa kuwarto.

Thankful din siya sa family niya for giving her time and space at hindi siya sinisisi.

Sa lungkot ng mga mata ni Jolina lang mahahalatang nasaktan siya sa ending ng relasyon nila ni Bebong.

"Difficult for both of us (Bebong) and individually ang 2008 at ayokong dalhin 'yon sa 2009.

"Kahit masakit ang kalooban ko, ayaw kong isipin. Sa akin, ang 2009 ay bagong buhay at masarap gumising sa umaga na ganu'n ang iniisip ko.

"Ayaw ko nang makinig sa sasabihin ng tao at sa ngayon, hindi ko pa masyadong ma-express ang kung paano mag-thank you. Manhid pa ako at nahihilo pa," pagtatapos ni Jolina.

* * *

Kung matutuloy, ngayong Martes na ang first taping day nina Marian Rivera at Dingdong Dantes ng Ang Babaing Hinugot sa Aking Tadyang, ang bagong soap nila sa GMA-7.

Balik-trabaho ang magka-loveteam pagkatapos ng mahabang bakasyon.

Action-suspense-drama ang genre ng soap at kakailanganin ng role ni Marian na tumalon at tumakbo nang tumakbo.

Malikot at very physical ang role niya, magagawa ba niya ito considering na kagagaling lang ng kanang paa niya?

"Wala munang takbo at talon sa first few episodes and by the time na kukunan na ang mga eksenang 'yon, siguro puwede na ako.

"Alam kong tatalon ako sa azotea at mataas na building. Kaya ko 'yon dahil hindi ako takot sa height, pero 'wag muna sa first episode," sabi nito.

Inalam namin kay Marian kung ano ang Christmas gift niya sa sarili?

"Shoes" ang sagot nito, pero hindi na sinabi ang brand at baka maging isyu pa raw.

Kapag nakita namin siya, titingnan na lang namin ang brand ng suot niyang sapatos.

Samantala, ano kaya ang masasabi ni Direk Carlo J. Caparas at ng Channel 7 sa sinasabing kopya ang istorya ng Ang Babaing... sa Mr. & Mrs. Smith nina Brad Pitt at Angelina Jolie?

Ang alam namin, matagal na itong sinulat ni Direk Carlo at matagal nang ginawang pelikula na pinagbidahan pa nina Vivian Velez and the late Eddie Rodriguez.

* * *

Natuloy din ang paghaharap nina Rufa Mae Quinto at Mo Twister sa Showbiz Central last Sunday at ipinagpilitan ng huli na wala siyang dapat ipag-apologize kay Rufa Mae dahil wala siyang kasalanan dito at never niyang binanggit na nakarelasyon siya ni Dr. Hayden Kho.

Tinanggap din ni Rufa Mae ang paliwanag ni Mo, pero hindi kaya sina Mo at Lolit Solis naman ang muling magkaisyu?

Sabi kasi ni Mo, si Lolit ang nagsulat sa kanyang mga kolum at sinabi sa Startalk na join si Rufa Mae sa list ng girls ni Dr. Hayden.

Hindi pa talaga tapos ang isyung ito at iinit pa dahil dumating na si Katrina Halili.

Maganda pala ang ginawa ng Showbiz Central na sina Pia Guanio, John Lapus, Mo, Rufa Mae at Raymond Gutierrez ang isinalang sa Don't Lie to Me segment. In fairness, controversial ang tanong nila sa isa't isa na nasagot naman nang maayos.

Incidentally, sa mga suot ni Rufa Me sa show, parang nagpo-promote na siya ng Civil Status: Single dahil shoulder lang ang ini-expose.

Kaya lang, sinigurado ni Mo na by February, balik sa kanyang sexy outfit ang actress.

* * *

Hindi nagpahuli si Jiro Manio sa mga kasama sa Tayong Dalawa na nanalo na ng acting award dahil twice na rin siyang naging best actor.

Sa husay niyang umarte, tiyak na makikipag-sabayan siya sa senior stars at hindi siya intimidated sa mga kasamang mas matagal na sa kanya sa showbiz.

"Sobrang masaya akong makatrabaho silang lahat. First time kong makasama sina Ms. Helen (Gamboa) at Mylene Dizon at iba ang feeling.

"Iba rin ang dating sa akin ng role kong member ng sindikato. First mature role ko ito at paghuhusayan ko," pangako ni Jiro.

* * *

Sa Luna Mystika, nahahawakan na ni Celestina (Heart Evangelista) si Luna, hindi na anino ang kakambal 'pag gabi dahil sa eclipse.

Magkikita sina Ybarra (Ariel Rivera) at Diana (Rita Avila), pero 'di nila makikilala ang isa't isa.

Sasagutin na ni Luna si Dexter (Mark Anthony Fernandez) at officially, on na sila.

Mag-aaway sina Luna at Celestina dahil kay Dexter at todo catfight ang kambal.

Paaalisin naman si Libado (Aljur Abrenica) sa kagubatan dahil sa pagtulong niya kay Malou (Kris Bernal).

Source: People's Tonight