Baguhang aktor, pinaglaruan ni BebeAuthor: People's Tonight May guest appeance ang ramp, print and commercial model na si Alvin Fortuna sa Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang' ng GMA-7. Pero bago ito, nakasali rin siya sa Gagambino. Nakalabas na rin siya bilang isang scuba diver sa Marina at ang huli niyang nilabasan ay ang Babangon Ako't Dudurugin Kita bago siya nagbakasyon sa London. Tinanong agad namin kung nakitaan ba niya ng kamalditahan si Marian Rivera sa set? "Mabait siya. Mabait naman siya sa aming lahat,"mabilis niyang sagot. "Yung mga eksena ko kasi, silang dalawa ni Dingdong (Dantes) yung nakakasama ko. Kaya masasabi ko na okey naman siya, mabait, at saka palangiti. Palagi siyang naka-smile sa amin," aniya. May pelikula sanang gagawin noon si Alvin na si Bebe Gandanghari ang direktor. Daring ang kanyang role sa movie at nag-undergo pa siya ng sensuality workshop pero hindi na ito natuloy. "Grabe 'yung workshop. Naisip ko tuloy nu'ng makita ko siya sa tv as Bebe Gandanghari na parang napaglaruan lang ako," sambit pa niya. Source: People's Tonight |