Nov 25
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Bakit umiyak si JC de Vera?

Bakit umiyak si JC de Vera?

Author: Alfie Lorenzo
Column: Star Nga Ba?

TANGHALI nu'ng pag­labas ng kolumn namin tungkol sa nagpupu­yos na galit ni Annabelle Rama kay Ms. Wilma Galvante, tumanggap ako ng tawag mula sa tunay na Angel ng GMA Network at tinatanong ang e-mail address namin at may ipapadala raw sulat mula kay Ms. Galvante explaining what happened sa story conference sa new season ng Obra.

Pina-hold namin sa aming editor ng Abante ang aming column at hinintay namin ang pagdating ng naturang sulat ni Ms. Wilma.

Inabot kami ng dalawang oras sa paghihintay sa pagpasok ng e-mail sa address namin. Hanggang sa nagsara na ng pahina ang editor namin ay hindi na kami nakapag-deadline pa!

Binilinan namin si Angel na ipadala na lang at iwan sa front desk ng Imperial Palace ang naturang sulat, pero nag-text back si Angel at hiningi ang address namin at doon na lang daw ipapahatid 'yung sulat ni Ms. Wilma.

Baka maligaw na naman ang maghahatid ng sulat at mapagsarhan na naman kami ng deadline, nag-advanced na kami ng deadline namin gawa ng bibiyahe kami patu-ngong Macau.

Akala siguro ni Ms. Wilma ay binalewala namin ang sulat niya kaya nagpadala na si Angel ng sulat na ipinadala sa akin ni Ms. Wilma sa mga editors at kolumnis- ta ng iba't ibang tabloids.

When I opened Ms. Wilma's envelope and compared it sa mga ipinadala sa ibang reporters, halos pareho lang except sa opening and closing “credits”.

“Dear Tito Alfie,

“I read your column today and I would like to make some clarifications on what you wrote regarding JC de Vera.

“Sabi po kasi sa co­lumn niyo, “umiiyak daw si JC na nagsumbong sa pa- rents niya na tinakot-takot siya ni Wilma Galvante ng GMA 7 at sinabing idedemanda siya pag lumipat sa ABS-CBN”.

Ang sumunod na paragraph po ay nalathala na sa ibang tabloids kaya hindi na namin uulitin pa. Pero, mas na-amused kami sa parting shots ni Ms. Wilma na:

“Bakit 'di na lang po si Juday ang ipahiram niyo sa GMA? Ha! Ha! Ha!

“Wala lang po. Libre naman po ang mangarap!

“Good day and I hope ang bango-bango mo pa rin!

“Wilma G.”

Of course! Papaano ka ba namang hindi babango sa ipinadala sa amin ni Ms. Wilma na Lacoste Hot Play perfume, noh!

Pero, ang tanong nga, bakit umiyak si JC de Vera? Iba kaya ang isinumbong niya sa parents niya?
***

As we have repeatedly said and wrote, open ang arms namin, breast at puso sa pagtulong sa mga deserving talents. We would like to give with open arms (and legs kaya?) what we have accorded to Piolo Pascual, Leandro and Carlo Muñoz, Onemig Bondoc, Cogie Domingo, Bobby Andrews, Dingdong Dantes, Dennis Trillo, TJ Trinidad, Ryan Agoncillo, Derek Ramsay, Jason Abalos, etc. to JC de Vera.

Most of the names I have enumera- ted here are not under my management kundi mga friends ko ang managers nila, mga friends na humihingi rin naman ng tulong. So, bakit naman kami magkakait?

In JC de Vera's case, first time yata na mistulang kami pa ang nagdaraan sa butas ng karayom sa pagtulong sa isang baguhan - na tila gustong pag-agawan?

I hope makakuha ng good deal, if not a better deal ang manager ni JC de Vera para sa kanyang kinabukasan dito sa mundo ng pelikulang peopled by aspirants who come and go, pop in and pop out.

I hope we can still hire the services of one of Annabelle Rama's male talents headed by her own son, Richard Gutierrez.
***

Nu'ng Linggo nang gabi ay muling napuno ng tugtugan at musika ang Dolce sa Tomas Morato gawa ng thanksgiving party ni Juday para sa lahat ng mga tumulong sa “Ploning Foundation” niya - people who donated some of their expensive materials for auction, people who contributed to the Plato Para kay Ploning at mga staff & crew at mga different artists who lend their talents for the affair.

Nanduon ang mga taga-GMA 7 video men at ilang reporters na close sa producer ng “Ploning”.

John Lapus emceed the mini program of songs by Ogie Alcasid, Aiza Seguerra, Cookie Chua, Michael Cruz, at iba't ibang grupo at mga bands.

Nakita rin namin doon ang mga artistang dumaan sa kinauupuan namin like Juday's nurserye director Wenn Deramas, DJ Durano, Star Studio's Biboy Arboleda, Yes! magazine Jo-Ann Maglipon and Anna Pingol, Jeffrey Hidalgo, Iza Calzado, and ABS Deo Endrinal.

Magkasunod na dumating sina Ryan Agoncillo at Mother Lily, Jason Abalos, direk Andoy Ranay, Paul Cab­ral (na tinatanong ng mga reporters kung umorder na ba ng bridal gown si Juday or kung tapos na ba ang ipinagawa ni Juday?) Juan Sarte (Juday's make-up artist) at 'yung ibang artista na nakaupo sa may harapan ng stage ay 'di na namin napagsino kasi naiingayan na kami sa loob kaya tumakas na kami kasunod ni Mother Lily.

At any rate, nanduon naman si Allan Diones na I am sure, eh complete naman ang magiging report niya dahil super-tutok siya kay Juday na ayaw tantanan ng mga cameras kahit gutom na gutom na ang future bride.

Source: Abante