|
|
| Baklitang tv host, maglaladlad na rin?Column: Tattle Out in the open na sa kanyang tunay na kasarian ang isang dating kilala at magaling na aktor. He's good-looking, too. Obvious na isa sa mga dahilan kung bakit nag-decide siyang mag-asawa ng isang 'di taga-showbiz (bagama't may relative ito na taga-showbiz) ay dahil gusto niyang patunayang 'di totoo ang haka-haka ng ilan na siya'y gay. Pero may kasabihang the truth will out — always. 'Di ba ito ang dahilan why Rustom Padilla, after his marriage to Carmina Villarroel was annulled, decided to publicly announce that what was being whispered about him all along ay totoo? Who would be next kaya sa mga taga-showbiz na maglaladlad ng kanyang kapa after young TV talent and TV Idol winner Marc Cortez? Sagot: Isang TV host? * * * The two have already coined a name for their team-up, Chompoy, a combination ng first syllables ng kanilang respective screen name. Both discovered na may chemistry sila bilang magka-tandem when they joined Star Magic's stable of artists. Sa presscon introducing them as new Star Magic talents, tinanong si Empoy ng mga reporter na nakapaligid sa kanya kung nakakita na siya ng multo. Ang naging maliksi niyang sagot: "Oo. Tingnan mo 'yan ( sabay nguso kay Chokoleit). Hindi ba personification siya ng isang multo? Nakakatakot siyang tingnan, lalo na kung madilim. " Which Chokoleit countered: "One multo should know another multo. " "Seriously," Empoy related, "marami kaming things in common ni Chokoleit. We both have humble beginnings. Whatever little things we've earned in the business, talagang pinagtrabahuhan namin. Pinaghirapan. " * * * Kaya, the burden of helping his lola support them ay napunta sa kanya. It was also Empoy's grandmother who encouraged him na sumali sa Mr. Suave contest, na noo'y kinu-conduct ng pangtanghaling programa ng ABS-CBN, Magandang Tanghali, Bayan (MTB). By nature raw kasi, happy person siya. Hangang- hanga ang lola niya sa kanyang wacky antics. Dating talent manager niya ang ngayo'y That's My Doc director na si Danni Caparas, who managed to make him appear in several TV shows and movies. Currently, Empoy is in the cast of the comedy movie starring Vhong Navarro and Makisig Morales. He plays the role of Be Bench winner Carlo Guevarra's friend in the weekly series Abt Ur Love. Nakatakda rin siyang sumali sa Shall We Dance competition. * * * His biggest break, however, came when he played Dugong in the fantaserye Marina, which topbilled Claudine Barretto. Chokoleit has appeared in several ABS-CBN shows, including Bora and Kampanerang Kuba. He is now regularly seen in Prinsesa ng Banyera. A former beautician, napakikiusapan pa rin paminsan-minsan si Chokoleit ng kanyang kapuwa artista na gupitan sila. The latest na nag-sport ng kanyang "hairstyle" ay ang mag-amang Albert at Alfonso Martinez. Source: People's Tonight |