Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Balik-'Pinas na sina Mel Tiangco, Joey de Leon

Author: Noel Asiñas
Column: Cut!

UMUWI na si Joey de Leon sa Pilipinas.

Tuluy-tuloy na ang kanyang Joey's Quirky World na napapanood tuwing Sunday.

Mas maraming kuwento ng experiences abroad ang tatalakayin ni Joey, lalo't pinakamahabang trip niya ito sa Europe. Three weeks sila sa bansang ito ng co-host niya sa Mel And Joey na si Mel Tiangco dahil gumawa ng anniversary epi-sode ng kanilang programa.

* * *

BONGGA ang gagawing pakontes ni Vice Mayor Re-ne Sta. Maria ng Mandalu-yong City.

Kinuha niyang venue ang Market Place Mall sa Kalentong St. sa Mandalu-yong para sa lugar ng contest na produced ng Manila Talent Arts and Entertainment Productions nina Carlito Cernal at bestfriend ni-yang si Pete.

Ang launching ng contest ay nagsimula kahapon (Sept. 27) ganap na ika-3 ng hapon.

Pinamagatan ang patimpalak o talent search ng Ba-rangay Dance Showdown, Sayawan Kontra Droga.

Ayon kay Vice Mayor Sta. Maria, ang layunin ng contest ay para mailayo ang mga kabataan sa masasamang bisyo at mahasa ang talent at kakayahan ng mga kabataan sa Lungsod ng Mandaluyong.

Ang dance showdown ay open sa lahat ng kabataang taga-Mandaluyong. Ang elimination rounds ay gagana-pin sa Oct. 4, 11 and 18. Ang grandfinals ay sa Oct. 25.

Ang sasali ay dapat bumuo ng walong members at magdala ng kani-kanilang barangay clearance.

Sinumang sasali ay ma-kipag-ugnayan sa M-Tarte Productions, telephone no. 467-3565 or cellphone 0918-5118044 at hanapin sina Carlito at Alex. Puwede ring tumawag sa Vice Ma-yor's office tel. 532-4438

* * *

LAST Friday ay nag-celebrate si Sen. Bong Revilla ng kanyang birthday sa White-space venue sa harap ng Mead Johnson sa Pasong Tamo, Makati City. Ang party ay organize ni Lani Mercado, butihing maybahay ng senador at TV host ng Kap's Amazing Stories.

Ngayong hapon sa Kap's Amazing Stories, mapapanood ang nakagilalas na invention ng tao na gamit nga-yon ng lahat sa buong daigdig. Unang-una ang erop-lano na naimbento noong 1903.

Ang armored tank ay naimbento noong first world war. Nagsimula ito sa bulldozer na binalutan ng bakal at nilagyan ng kanyon. Ang liquid fuel rocket ay naimbento para bumilis ng 30 times ang lipad ng eroplano. Ang iba pang invention ng tao na popular ngayon ay ang computer, robot, laser na gamit sa DVD at operation sa ospital, ang artificial heart at cloning na gagawa ng perfect human.

* * *

BIDA talaga itong si Chris Tiu sa taping ng dalawang shows niya sa GMA7. Alam ba ninyong mahal na mahal siya ng production staff ng shows niyang Pinoy Re-cords at Ripley's Believe It Or Not?

Very professional kasi si Chris sa taping schedules na ibinibigay sa kanya ng production staff ng dalawang shows na ito. Kahit nga may lagnat minsan, basta kayang magsalita at mag-deliver ng lines ay naghu-host si Chris. Resulta, never nagre-replay ang dalawang programs niya.

Ngayong Monday, tampok sa Ripley's ang mga sumusunod: May SCAD Di-vers, tatalon sa banging may taas na 90 feet , walang safety cord at maliit na net lang ang babagsakan. Aso, ka-sing liit lang ng daga, kas-yang-kasya sa loob ng baso. Biker, nawalan ng isang kamay at paa sa aksidente pero nagmo-motor pa rin.

Bata, aakyat sa tuktok ng napakataas na human pyramid na nanganganib gumuho sa isang iglap. Isda, nilululon ng mga taong may hika sa paniwalang nakaga-galing ito. Lalaki, nagpalagay ng pangil para nguyain at lasapin ang paboritong pagkaing malulutong na ipis.

Tibayan ang dibdib at sikmura. Dahil ang kalaha-ting oras ng mga kabilib-bi-lib na pangyayari ay magsi-simula na ngayon.

Source: Taliba