|
|
| Balik-loveteam sina Jolina at Marvin![]() Author: Lolit Solis Nagrereklamo ang ibang mga reporters. Wala raw masyadong balita sa showbiz kaya nahihirapan sila na mag-deadline. Sa totoo lang, maraming balita sa showbiz. Hindi nawawalan ng isyu tungkol sa mga artista pero karamihan sa mga kuwento eh hindi maisulat dahil mga off-the-record. Marunong gumalang ang mga reporters. Kapag sinabi sa kanila na off-the-record ang kuwento, talagang hindi na nila isusulat. Puwede nilang patulan ang isyu tungkol sa credit card ni Gretchen na nag-malfunction pero nasosobrahan na ang mga manunulat. Katsipan sa kanila ang isyu dahil hindi lang naman si Greta ang nabiktima ng nag-decline na credit card. Lumaki ang isyu dahil walang maisulat ang ibang mga reporters. Saka, mapili na rin ang entertainment press. Nagtatanong muna sila at nagri-research kapag may mga isyu sila na natisod. Natuto sila sa nangyari kay Ces Drilon at sa statement na punumpuno ng kahulugan na puwedeng i-apply sa showbiz, no story is worth dying for. Mabalik tayo kay Gretchen. Nagpaliwanag na siya tungkol sa mga isyu na kinasangkutan niya pero ano ang bottomline ng kanyang pagsasalita? May-I-promote niya ang kanyang special guesting sa Maalaala Mo Kaya. Yun lang 'yon! * * * May bagong TV show na pagsasamahan sina Jolina Magdangal at Marvin Agustin pero hindi ko ma-remember ang pamagat. Siyempre, mapapanood sa GMA 7 ang kanilang bagong show na mala-Magpakailanman at Maalaala Mo Kaya ang concept. Ikatutuwa ng mga fans nina Marvin at Jolina ang muling pagsasama sa TV ng kanilang mga idol. Tanggap nila na hindi na mangyayari ang kanilang ilusyon na magkakatuluyan sa tunay na buhay sina Marvin at Jolina. Mas mahalaga raw na mapanood nila na magkasama sa isang show ang kanilang mga iniidolong artista. * * * Si Robin Padilla ang nag-announce na magkakaroon siya ng bagong TV series sa Kapuso network. Siguro naman, mahihinto na ang mga tsismis na last show na niya sa Siete ang Joaquin Bordado na lalong humahataw sa ratings habang nalalapit ang pagtatapos nito. Nagkaroon ng farewell show sa Showbiz Central ang cast ng Joaquin Bordado pero imbes na pumunta sila sa Broadway Centrum studio, umapir sila sa isang mall sa Bulacan. Napanood ko sa TV ang mall show ng Joaquin Bordado cast at naloka ako sa dami ng mga tao. Malakas talaga ang hatak ni Robin sa mga fans. Kayo na ang maging (liver) lover boyyyy!!! * * * Nakikiramay ako sa mga naulila ng direktor na si Felix Dalay. Isa si Felix sa mga mababait na direktor na nakilala ko. Siya pa ang nauunang bumati kapag nagkikita kami sa mga showbiz functions. Hindi lamang direktor si Felix, scriptwriter din siya. Si Felix ang direktor ng mga pelikula nina Bong Revilla, Redford White at marami pang iba. May suwerteng dala si Felix dahil hit noon sa mga takilya ang kanyang mga project. Namatay si Felix noong Linggo ng umaga dahil sa lung cancer. Ibuburol ang kanyang labi sa Funeraria Paz sa Araneta Avenue, Q. C. at ililibing siya sa kanilang bayan sa Paete, Laguna. Source: The Philippine Star |