Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Balimbing! Balimbing! Balimbing! Jowee Deame, PR ng ABS at Star!

Author: Alfie Lorenzo
Column: Star Nga Ba?

SANGKATUTAK ang mga nag-e-email sa akin. May mga natutuwa at nagpaparating sa akin ng papuri. At meron din naman siyempre na mga kontrabida at naidadaos ang galit nila na 'di na kailangan pang magbayad ng 150 pesos para sa isang plato na ibabato lang sa sementong pader!

Marami ring nagpapanggap na emails na nakakapagtago sa sari-saring mga pangalan at aliases. Gumawa lang ng sampung accounts puwede na kunwari ay sampung tao 'yun na may iba't ibang opinyon -- o kung may nais pabili­bin ay nagkakaisa siya sa sampung katauhan in support of anyone they wish to please.

At sa pamamagitan ng sampung iba't ibang pa­ngalan at email address ay ipapadala sa mahi­git na 50-katao, reporters, announcers, TV hosts, TV executives/owners and ordinary fans.

Aba, mai-imagine mo ang laki ng rally na 'yun, noh!

Eh, karamihan naman sa mga naglalaro sa emails ay wala ring utak. Nakalimutan nila at ipinaris ako sa ibang ka-email nila, na gago rin ako at tanga.

Hindi nila naisip na investigative ako at madaling maka-interpret at the same time makahalata ng main purpose. Ewan ko ba kung bakit tuwing may kahina-hinala sa isang tao, there is this sign from above and “Santino”, na pag-isipin kami ng “tekkkaaaa....” and we will unearth the culprit and its devilish scheme!

One such stupid emailer is this mammal na nagtatago sa alias na “Jowee Deame” joweedeame@yahoo.com.ph, who I found out later na taga-ABS-CBN PR department ito.

I am sure naman na hindi si Bong Osorio itech.

Dati ay mistula kunong fan ang pagpapanggap ni Jowee (ginamit ang pangalan ni Joey de Leon kasi taga-kabilang ibayo) na pulos naman mga ma­gic kingdom starlets ang pinupuri.

Next, pinagyabangan ako. 'Yun daw “A Very Special Love” ay naka-P180M. 'Yun daw kina Richard at KC ay naka-P32,273,396.00M lang daw, mas malaki pa raw 'yung kinita ng Pio­lo-Angel movie na nilalait ko raw.

Mas box-office hit daw 'yung Piolo-Angel movie kesa One True Flop (title ng Jowee). Ni­lampaso raw ng “You Changed My Life” ang “When I Met U.”
Mangarap ka na lang (title 'yan ng isang soap opera ng Papa Piolo mo -- o debah may plugging pa rin?).
***

Nung kasagsagan ng isyu kina Annabelle Rama at Wilma Galvante ay nagpadala rin ng text ang nagtatago sa pangalan ni Joey de Leon of “Eat Bulaga” and a dozen other GMA network shows at kampi siya kay Bisaya:
“Magaling na manager talaga si Bisaya. Kapaka­nan lang naman talaga ng talent niya ang iniisip niya, di ba? Tama ba naman na from primetime gawin afternoon si Heart? Eh, hindi nga nag-afternoon sa ABS 'yan, di ba? (See? Obvious bang maka-ABS ang bruhang mangkukulam?).

“What if 'yung mga bida sa Tadyang ang gawing afternoon? Hindi naman top rater ang Tadyang, ok kaya sa kanila? And the same for JC de Vera, hiram lang naman pala eh ayaw pang pumayag! Ayaw niyo nun additional exposure sa talent niyo.

“Which reminds us sino nga ba 'yung idedemanda sana ni Kris Aquino dahil napatunayan niya na nagpasimula ng libelous email against her... buti na lang at may mapagpatawad na puso si Kris Aquino...

“Kaya for this Bisaya... we support you!”

(Oh debah, halatang kinampihan lang kuno si Bisaya dahil bossing ng GMA 7 si Wilma Galvante as against her ABS-CBN sipsipan blues?

Kinampihan si Bisaya sa away niya eh nauna na niyang siniraan ang anak ni Bisaya na flopsina raw ang movie ni Richard Gutierrez with KC na prodyus ng GMA Films, debah!?).

Balimbing! Balimbing! Mukhang isang pera! One cents worth ka lang bruha!

Source: Abante