Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

"Banana Split" girls agree their show gives them positive vibes

Banana Split girls (from left) Princess Ryan, Cristine Reyes, Angelica Panganiban, and Dianna Medina all say they feel good about their show, which is full of laughter, high energy and positive vibes.

Author: Glen P. Sibonga


Masayang nakipagkulitan sa entertainment press ang apat sa pitong nagseseksihang babae na kasama sa cast ng Banana Split--Angelica Panganiban, Cristine Reyes, Dianna Medina at Princess Ryan--during the presscon ng naturang bagong all-female gag show ng ABS-CBN na ginanap kahapon, September 25, sa 9501 Restaurant ng ABS-CBN.

Wala sa presscon ang tatlo pang kasama sa cast na sina Roxanne Guinoo, Valerie Concepcion, at RR Enriquez.

Present din sa Banana Split presscon ang mga direktor nito na mag-amang Edgar "Bobot" Mortiz at Frasco Mortiz.

Ayon kay Direk Bobot, patterned talaga ang Banana Split sa Goin' Bananas na sumikat noong '80s. Kasama ni Direk sa cast ng Goin' Bananas sina Christopher de Leon, Jay Ilagan, Al Tantay, at Johnny Delgado. Puro boys silang mga bida sa Goin' Bananas, habang mga girls naman ang bida sa Banana Split. Every week may bisitang lalaki sa Banana Split na paglalaruan ng mga girls. Lahat ng sketches umiikot dun sa guest.

"Hindi ito sex comedy. Naughty lang. Kung mapapansin n'yo hindi lang naman dahil seksi sila, hindi yun ang comedy namin. It's more on the material, sa script. At saka sa acting na makikita n'yo. Ibang klaseng comedy ito," dagdag pa ni Direk Bobot.

Game naman na sinagot nina Angelica, Cristine, Princess, at Dianne ang mga katanungan ng press people, kabilang ang PEP (Philippine Entertainment Portal). Narito ang mga nakatutuwa at nakagugulat ding revelations ng mga Banana Split Girls.

Is this their first time to do a comedy show?

Cristine: "First show ko po sa comedy. First time. Super-light lang yung taping namin. Enjoy lang kami. Pero, siyempre, ginagawa rin namin yung trabaho namin. Minsan nag-stick din kami sa script. Tawa kami nang tawa lalo na kapag nagkakamali."

Princess: "Ako naman po dahil dun sa Bora, yung first show ko na ginawa,  medyo may background na rin ako sa pagpapatawa. Kasi tinitignan ko lang dun sina Roderick Paulate. Observe lang palagi before. 'Tapos ngayon naa-apply ko naman yung mga natutunan ko sa kanila."

Angelica: "Ako po first time ko. May mga guestings ako before, pero mas masarap pala yung feeling na part ka talaga ng cast. Kasi feeling mo meron kang authority. 'Tapos nalalaro mo talaga yung buong sitcom.

"At ang sarap-sarap ng feeling, kasi ang gaan-gaan ng taping namin. Siyempre, most of us hasa talaga sa drama. So, ako for more than 15 years, puro drama lang yung ginagawa ko. Para akong may breaker na every week nakakahinga ka talaga nang maluwag. Hay, ang sarap palang mabuhay! 'Tapos tawa ka lang nang tawa!

"Naalala ko, nag-Ang TV pala ako....and then nag-Kaybol. Siyempre, bata pa ako noon, parang laru-laro lang yung ginagawa ko. Ngayon, parang meron ka nang responsibility na gawin yung trabaho mo. Mag-stick ka sa sinasabi sa iyo. Ang then, siyempre, dapat enjoy ka."

Dianne: "Ako naman po may background din po ako sa comedy kasi, before po, segment host po ako ng Wazzup, Wazzup."

Mahilig ba talaga sila sa saging?

Angelica: "Yes, kasi healthy. Masarap siyang kainin araw-araw. Umaga, gabi."

Cristine: "Ako, gusto ko banana crepe."

Princess: "Banana-cue naman ang sa akin."

Dianne: "Sa akin Banana Split."

Dahil first time nilang magsama-sama, kumusta naman ang bonding nila?

Angelica: "Masaya naman po kami lagi sa set. Laging may kulitan."

Cristine: "Nagba-bonding po talaga kami tuwing taping. Kasi po hiwalay-hiwalay po kami ng dressing room, e, so ako, nangangapit-bahay kina Angelica 'tsaka kay Roxanne. Kumukuha ako ng pagkain nila kasi ang dami nilang pagkain."

Dianne: "Masaya pong kasama sina Angelica, lahat po ng cast. Sobrang nag-e-enjoy po kami every taping, lalo na kapag may mga performances po kami na kailangang magsayaw. During rehearsals, nagkakaroon po kami ng time at moment na makapag-bonding."

Princess: "Yung nagwo-workshop pa kami, medyo naiilang pa kami sa isa't isa. Pero noong nagte-taping na kami, okey na. Comfortable na kami sa isa't isa."

Sino sa tingin nila sa cast yung mukha pa lang, nakakatawa na? At sino naman yung kapag humirit na ng punchline ay talagang nakakatawa?

Princess: "Para sa kin si RR yung mukha pa lang nakakatawa na. Titignan mo pa lang siya nakakatawa na. Napaka-natural ng pagpapatawa niya. Si Direk, yung mga simpleng dialogue ang pinapagawa kay RR, pero napaka-effective niya. Pati sa pag-deliver ng mga lines.

"Dun sa isang question, para sa akin sina Cristine at Angelica. Lalo na si Angelica, kasi tipong iiyak-iyak pa siya pero kapag sinabi na niya yung punchline talagang tatawa ka."

Cristine: "Ako naman, yung natatawa ako, titignan ko pa lang, si Angelica. Kasi matagal ko na siyang nakasama, pati sa movie, so, parang kilalang-kilala ko na siya. Lalo yung mga tingin niya, kaya natatawa na ako agad.

"Dun naman sa nakakatawang mag-punchline, siguro si Valerie, kasi yung dialogue, hindi ito nakakatawa, ang corny, pero matatawa ka kay Valerie sa pagsasalita niya."

Angelica: "Ako, yung titignan ko pa lang natatawa na ako, si Cristine. Kasi yung face pa lang niya nakakatawa na. 'Tapos yung may pagkabaliw yung hitsura. Totoo, nagsasabi lang ako ng katotohanan.

"Si Valerie at si RR din para sa akin yung nakakatawang mag-punchline. Kasi kadalasan naman, nagiging malas lang siguro si Valerie, kasi yung mga nabibigay sa kanyang punchlines, hindi talaga nakakatawa, pero tatawa ka na lang din."

Dianne: "Sa akin yung makita ko pa lang natatawa na ako, si RR po. Kasi super-natural ng pagiging komedyante niya. 'Tapos yung nakakatawang mag-punchline, si Angelica, kasi solid siya kung humirit. Nakakatawa talaga siya. Kapag meron po kaming eksena, sa kanya po talaga ako natatawa. Minsan kay Cristine din."

Kung sila ang papipiliin ng guest na lalaki, sino sa mga artista natin ang gusto nilang paglaruan?

Princess: "Ako, ang gusto ko, si Empoy. Kasi nakasama ko na siya sa Bora dati. Naku, kapag katrabaho mo siya, lalo na kapag sa comedy, sobrang sasakit yung tiyan mo sa katatawa! 'Saka challenge din, kasi kapag si Empoy ang kaeksena mo, mahirap mag-concentrate sa mga gagawin mo. Ang dami niyang adlibs, pero swak pa rin."

Cristine: "Ako ang gusto ko si Vhong Navarro kasi solid siyang magpatawa, e. Siguro soon kapag na-guest namin siya."

Angelica: "Ako si Piolo [Pascual]. Masarap kasing asarin. At saka masarap lang siya. Di ba syempre kapag niloko natin yan, kikiligin tayo."

Dianne: "Ako naman si Dagul. Para maiba naman yung concept. Aside from hunks, gusto ko iba naman. Cute siya, e."

Sa isang grupo, merong masasabi na pinaka-close. Sa kanilang mga girls, sino ang pinaka-close nila?

Princess: "Ako po sa ngayon gusto ko po silang lahat ka-close ko. Pero si Cristine kasi nakatrabaho ko na, una sa Eva Fonda, magkasama kami doon. 'Tapos si RR palagi kong nakakasama sa Wowowee din kapag naggi-guest. Marami, actually, pero wala pa talaga yung dinidikitan mo talaga. Hopefully, lahat kami ganun, as a group talaga, para mas lalong mag-work yung Banana Split."

Cristine: "Ako po noong una si Angelica, 'tapos hanggang sa naging lahat naging ka-close ko. Sumunod si Valerie. Noong makasama ko si Roxanne, okey rin. 'Tapos ngayon si Princess and si Dianne, 'tapos si RR. Wala po kasi kami yung kampi-kampihan."

Angelica: "Ako naman, kasi kami ni Cristine, sa pictorial at sa workshop, kami yung nag-aasaran. Kami yung nagpipikunan. Kasi nga nagkatrabaho na kami dati sa isang pelikula, so, kilala na namin yung ugali ng isa't isa.

"And then ngayon naman kami ni Roxanne ang magkasama sa dressing room, so alam ko na kung paano siya matulog. Masaya kasi lagi yung bonding, kami nina Princess, Dianne. Mahilig kasi ako, yung mang-aasar lang ako. Dun nagsisimula yung bonding namin. Kasi nakaka-tatlong taping pa lang kami. So, kinikilala pa rin namin ang isa't isa hanggang ngayon. And hindi mo pa alam kung sino yung ka-match mo talaga ng ugali."

Dianne: "Ako naman po, lahat nakakausap ko. Lahat kabiruan. Pero before po kasi, mas nakakausap ko na po before, bago pa mag-start itong show, sina Roxanne, Princess. 'Tapos noong mismong nagte-taping na po kami, nag-start na po yung bonding, yung camaraderie, so yun nagkaroon na po kami ng kuneksyon sa isa't isa."

Nagkaka-insekyuran ba sila pagdating sa paseksihan?

Princess: "Ako marami, e, kasi may mga assets talaga na sa kanila lang. Tulad si Angelica, ang ganda ng legs niya. Para sa akin nakakatuwa lang na more than insecurity, parang ginagawa ko lang inspiration na gusto ko, ganyan ang legs ko, ang tiyan ko."

Cristine: "Sorry, hindi ako nai-insecure kaya. Sorry, wala po akong insecurities sa katawan ko. Baka wala po akong maisagot sa tanong n'yo--joke! Hindi, wala, wala po talaga."

Angelica: "Kasi sa sobrang ganda ng katawan niya [Cristine], ang lakas-lakas niyang kumain 'tapos hindi talaga siya tumataba. Parang ano ka ba? Ang sarap ipatanggal sa show. Pero ang ganda talaga ng katawan niya, yung tiyan niya. Kasi ako wala akong tiyan, wala akong shape, talagang ibinulgar ko talaga. Sa kanya ang ganda talaga ng curve ng katawan niya. Ang sarap pang titigan nang ganyan. Nakakatomboy!"

Dianne: "Ako naman po it's not yung pagiging insecure. It's more of humahanga ka dun sa mga kasama mo. Kasi lahat naman po sila seksi, magaganda po talaga. Hindi naman po yung sa nai-insecure ka."

Kailangang nasa good mood sila para magpatawa, paano sila nag-a-adjust sa situation na medyo mainit ang ulo nila or may problema sila?

Princess: "Siguro po, hindi talaga maiiwasan yun. Pero dahil konti pa lang yung taping days na nagawa namin, wala pa kaming na-experience na ganun. Pero sa tingin ko po, kung saka-sakaling mangyari yun, kunwari mainit ang ulo namin, feeling ko matatanggal talaga kapag nasa set ka na. Kasi lahat talaga masaya. Nakakahawa yung positive vibe, yung saya ng studio."

Cristine: "Sa akin po, parang ang nangyari naman sa akin, araw-araw akong nagkaroon ng taping, so yung time na yun pagod na pagod talaga ako. Pero 'pag nandun ka talaga sa set, nawawala po yung pagod, promise! Kasi masaya kami talaga lahat kapag magkakasama. Lagi kaming naglolokohan. So far, sa tatlong tapings namin, wala pa namang time na uminit yung ulo ko."

Angelica: "Siguro naman sa set hindi naman kami magkakainitan ng ulo. Siguro magpaplastikan na lang kami kapag nangyari yun. Oo, plastikan na lang kasi kailangang isipin ang trabaho. Pero wala pa namang incident na may uminit ang ulo. Katulad ng sabi ni Cristine, may nangyayari na galing ka ng ibang taping, 'tapos pagod ka. Parang nakakatamad. Pero once na nandun ka na sa set ng Banana Split, nawawala yung pagod mo. Ang saya-saya, 'tapos ang lahat parang full of energy, kaya nahahawa ka na rin."

Dianne: "Ako naman po, if ever na mangyari yun, siguro I will work professionally na lang po. Kasi yung mga kasama mo masasaya sa set. Siyempre, ayaw mo naman makaapekto sa taping , di ba?"

May naikuwento pa si Angelica, na kapag naiinip na siya, yung tipong dalawang oras na at hindi pa siya nakukunan, ay talagang nagbibihis siya as Scarlet, ang kontrabida role na ginagampanan niya sa teleseryeng Iisa Pa Lamang.

Angelica: "Kapag nabo-bore lang naman ako. Nagbibihis talaga ako as Scarlet. 'Tapos nagtataray ako sa mga dumadaan sa hallway. Tapos tatawa lang sila. Siyempre, hindi nila ako siniseryoso. Pero ako seryoso talaga. Kina-career ko talaga. Feeling ko may camera sa harapan ko."

Patikim pa lang yan ng mga kakulitan at katatawanang handog ng mga girls ng Banana Split. Mapapanood na ang Banana Split tuwing Sabado ng gabi starting October 11 sa ABS-CBN.

Source: Philippine Entertainment Portal