|
|
| Baron Geisler may problema sa pag-iisipAuthor: Gerry Ocampo Maugong ang tsikang ang sitcom ni Manny Pacquiao with Marian Rivera ang ipapalit sa time slot ng Faul Haus ni Bossing Vic Sotto sa GMA7. Pero, hindi totoo ang tsikang aalis na lang si Bossing sa Kapuso at lilipat ang kanyang production sa TV5 kung sa-an may show siyang Who Wants To Be A Millionaire. Bossing Vic stays a Kapuso and under nego-tiation pa rin sa GMA7 ang M-Zet niya. Kung mawawala man sa original na time-slot ang Ful Haus, puwede itong ilipat sa ibang oras or puwede siyang gumawa ng bagong show. Definitely, hindi siya aalis sa Siyete at this point dahil dabarkads pa rin siya ng Eat Bulaga. Tungkol naman sa is-yung pinagselosan daw ni Pia Guanio si Paula Taylor, leading lady ni Bossing sa latest niyang movie na joint venture ng M-Zet, Octo Arts at APT Entertainment ni Tony Tuviera. Sabi ni Vic, walang ka-totohanan ang balita. Sa istorya raw kasi ng mo-vie ay kailangang isang foreigner ang makakapartner niya kaya si Miss Taylor ang nakuha na bumagay naman sa napakagandang dayuhan. If ever na mahulog ang loob ni Miss Taylor kay Bossing, hindi na sigu-ro niya problema 'yon dahil lovable naman tala-ga si Vic Sotto. * * * Pagkatapos sumabak sa Binibining Pilipinas last year ni Rich Asuncion, na itinanghal naman runner-up, sasabak naman ang young actress na talent ng GMAAC sa Asian Supermodel Competition sa Nanning China on July 25 to 26 kung saan makakasama niya ang mga co-GMAA talents na sina Anthea Murfet at Lou Muñoz. Last year, sina Rhian Ramos, Ste-phanie Henares, Arci Muñoz, Abby Cruz at Rhea Nakpil ang nag-represent ng bansa na nag-uwi rin naman ng se-veral awards. Si Wilma Doesnt ang nagtuturo sa bagong representative ng 'Pinas sa naturang competition with the help of Mikaela para mapanatili ang ganda at kinis ng kutis ng mga ba-gets na sasabak sa Supermode-ling competition Umaasa si Rich na mapapantayan ng kanyang grupo ang naiuwing karangalan last year at hopefully raw ay malampasan pa. Busy si Rich sa projects na ipinagkakatiwala sa kanya ng GMA7 kaya nagtataka ang dalaga kung bakit naisisingit pa ang pa-ngalan niya sa isyu with Aljur Abrenica and Kris Bernal. Kesyo pinagse-losan daw siya ni Kris kaya nagkaroon sila ng LQ ni Aljur, na hindi naman daw totoo dahil trabaho ang inaatupag niya, saka na raw ang lovelife. * * * NAPANOOD nitong Bi-yernes sa Bubble Gang ang Spoiled Brat, Angelina (Ogie Alcasid) bibig-yan si Yaya (Michael V) ng dog shampoo, chili sauce toothpaste at butter soap. Sangkatutak na commercial spoofs ang nasaksihan sa gag show tu-lad ng Arthricin na na-ging Artecin, ang Buscopan na naging Buscopwang at Anchor na naging Angcorn. * * * NASIRA na naman ang araw ni Yasmien Kurdi sa mga nakababaliw na text na natatanggap kay Baron Geisler. Hanggang ngayon pa-la ay hindi pa rin tinatantanan ni Baron si Yasmien. Lagi raw siyang itini-text ng kung anu-ano. Ayon pa kay Yasmien, hindi na nga raw niya pi-napansin ang iba pang itini-text sa kanya ni Ba-ron dahil grabe raw at ka-pag sinabi niya ay ikaka-shock daw ng lahat. Ayaw naming isipin na gimik lang ang pag-aa-way nina Yasmien at Ba-ron para mapag-usapan ang movie nila or gumi-gimik sila para mapansin ng media. Pero, sa rami ng naglalabasan against Baron na puro negative ang dating, tila naniniwala kami na may mala-king psychological problem ang aktor na dapat magamot kaagad. * * * Nagbabalik ang ma-estro ng pag-ibig na si Mr. Cariñoso sa Cool Center napapanood eve-ry Saturday sa GMA7. Samantalang si Arf Arf, pinuntahan ang 100 Sexiest Women Show sa Wanted Honey. Kasama pa rin si EB Babe Mae ng hosts na sina Anjo Yllana at Eugene Domingo. Surprise sexy guest ang matutunghayan sa "Hubad na Katotoha-nan". Tutok sa first live radio talk show on TV para manalo ng P10,000 worth of groceries. * * * NABASA pala ni Iwa Moto ang tuligsa sa kanya nang rumampa ang iti-nanghal na 100 Sexiest Women ng FHM kamakailan. Ang tuligsa, hindi na-silayan ang kanyang ka-seksihan nang siya ang naman rumampa that night. Aniya: "Sinadya ko talagang 'di itodo ang pagpapaseksi. Gusto ko kasi na may maipakita pa ako next year. I pro-mise na mas bobongga-han ko talaga, kaya wait and see na lang sila next year. " Sabi pa ni Iwa, target niya next year ay maging number one sa FHM at gusto niyang pataubin ang kaseksihan ni Cristine Reyes na itinanghal na no. 1 sexiest woman. "Hindi naman masama na mag-wish na maging number one ako next year, di ba? Paghihirapan ko talaga para mas gumanda at sumeksi ang katawan ko kaya hinta-yin na lang nila ang pictorial ko ulit sa FHM," say ni Iwa. Right now ay masaya at proud si Iwa dahil kasama siya sa Darna ni Ma-rian Rivera bilang Valentina, ang babaing ahas. Source: Taliba |