Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Baron Geisler on being nominated again: 'Nagpapakatotoo lang ako'

Baron Geisler on being nominated again: 'Nagpapakatotoo lang ako'

Author: Julie Bonifacio

Labis-labis ang pasasalamat ni Baron Geisler sa pagkakapanalo niya ulit ng award as Best Actor para sa pagganap niya bilang isang bading sa independent movie na Jay sa katatapos lang na Golden Screen Awards. Ito ang ikatlong award na nakuha niya for Jay. Ang dalawnag naunang awards ay ipinagkaloob sa kanya ng Cinemalaya at Gawad Tanglaw. Nominado rin si Baron as Movie Actor of the Year sa nalalapit na 25th Star Awards for Movies ng Philippine Movie Press Club na magaganap sa May 28 sa Irwin Lee Theater ng Ateneo University at ipapalabas sa ABS-CBN on May 31, Sunday. Ang Diamond Star na si Maricel Soriano, Box-Office Queen AiAi delas Alas at ang multi-awarded actor na si Cesar Montano ang hosts ng 25th Star Awards for Movies. "Thank you, sobrang hindi ako makapaniwala na nanominate ako ulit. I hope it keeps on coming," bulalas ni Baron.

Ayon kay Baron, napakalaki raw ng pasasalamat niya sa nagawa sa kanya ng pelikulang Jay. "Sobrang thankful! Actually, kakapanalo lang namin noong isang araw sa Barcelona Asian Film Festival for Asian Digital Film. Meron pa rin kami sa Sydney (Australia) in competition pa lang, sa June 4 and 5. After Sydney, we will go straight to New York, doon naman ang competition. And ano, ha, patok kami sa L.A. Sobrang well-watched daw kasi 'yun nga, gay-lesbian ang sumuporta. Nakatanggap ako ng message sa Facebook na sinasabing, 'Baron, pinagkakaguluhan ang film ninyo rito. Sobrang sinusuportahan ng gays," lahad pa ni Baron.

Sa 25th Star Awards for Television, mahigpit na makakalaban ni Baron for Movie Actor of the Year ang dating kasamahan niya sa 'Tabing-Ilog' na si John Lloyd Cruz (A Very Special Love), Ronnie Lazaro (Yanggaw), Allen Dizon (Paupahan), Carlo Aquino (Carnivore), Jericho Rosales (Baler) and Aga Muhlach (When Love Begins). Sino sa tingin niya ang magiging mahigpit na kalaban niya sa hanay ng mga nominado for Movie Actor of the Year? "Si Jericho Rosales," sagot niya. "Ang galing niyang mag-Espanol sa Baler. Hindi niya kailangan ng idiot board. Hindi katulad namin na 'pag sobarang haba ang linya namin sa Espanol binabasa namin." But just in case daw hindi siya palaring manalo sa 25th Star Awards for Movie, matatanggap naman daw niya 'yun ng maluwag sa kanyang kalooban. "Sa totoo lang, it's not the winning or losing. I just wanna be in the awards night to mingle with the press. Kaya nga isasama ko 'yung girlfriend ko para kung hindi ang pangalan ko ang tawagin may mayayakap ako," natatawang sabi pa ni Baron.

Ano pa ba ang mga gusto niyang gawin na feeling niya ay mas matsa-challenge pa siya bilang isang aktor? "Alam n'yo, inggit na inggit nga ako kay Timmy, si Sid Lucero. Kasi nasa Cannes sila at sobrang natuwa ako sa Independencia sa trailer pa lang. To the point na, ang suwerte mo! Gusto ko sanang gumawa ng isang artsy film. French 'yung producer nila. So naa-addict ako sa paggawa ng ganu'ng film. Kung gagawa man ako ng digital, gusto ko 'yung classy. 'Yung talagang ipagmamalaki natin hindi lang dito sa Pilipinas kundi maging sa abroad," saad ni Baron. Masuwerte si Baron dahil tatlong pelikula na raw ang naka-lineup para sa kanya. Isa sa Viva Films at dalawa sa Regal. Sigurado na rin daw ang pagkakasama niya sa Aljur Abrenica-Kris Bernal launching movie na isu-shoot on location sa Bohol. At pagkatapos umapir sa Tayong Dalawa, mago-ober da bakod si Baron sa kabilang network. "Kinausap namin si Tita Cory (Vidanes) para payagan ako na makapag-trabaho sa kabila. Kasi so far, wala namang offer na dumarating sa akin after nu'ng 'Tayong Dalawa.' E, I have my monthly bills to pay. I cannot afford na walang trabaho let's say for a month, ganu'n. Eh, may offer naman sa akin sa kabila to do a soap. Mabait naman si Tita Cory and she understands. Kaya pinayagan nila ako."

In fairness kay Baron, sa gitna ng mga negatibong issues na naglabasan sa kanya nananatili pa rin siyang matagumpay. Patuloy siyang umaani ng awards at inuulan ng movie and TV offers. "I believe, palagi kong sinasabi 'to, I must be doing something good. Kasi hindi ako ibi-bless ni God ng ganito kung masama akong tao talaga. And of course, 'yung mga taong kasa-kasama ko, ' yung mga tumutulong sa akin like sila Direk Maryo J. de los Reyes, Direk Francis (Pasion, direktor niya sa Jay), Mr. M (Johnny Manahan), ABS-CBN at sa lahat ng naniniwala sa akin na hindi nga ako 'yung masamang taong iniisip ng iba. And of course, natutuwa ako kapag lumalabas ako, 'yung mga barako diyan, 'Tol!' Siguro, napapansin nila na hindi ako nagpapa-cute or hindi ako lumilinya sa teeny-bopper. Nagpapakatotoo lang ako. Ginagawa ko lang ang gusto ko. When it comes to my characters, inaayos ko talaga para sa kanila," tapos ni Baron.

Source: ABS-CBN Interactive