|
|
| Baron Geisler sumasailalim sa psychotherapyAuthor: Lito Mañago LINGID sa kaalaman ng ma-rami, lumipad patungong Ma-cau si Iza Calzado early last week para sa isang show do-on. Overnight lang ang drama ng actress dahil she can't afford to be away that long dahil sa taping ng Joa-quin Bordado kung saan lea-ding lady siya ng action star na si Robin Padilla. Kasamang umalis ni Iza ang daddy niyang si Lito Cal-zado. Bago umalis si Iza, natapos niyang gawin ang isang music video for the song Evi-dence ng bandang Urbandub. Leading men ni Iza sa MTV ng Urbandub ay sina Gabby Alipe (vocalist ng grupo) at Ryan Eigenmann. Mula naman ito sa direks-yon ni Quark Henares. Sa top rating series na Joaquin Bordado ng GMA Network, aminado si Iza na medyo hirap siya sa mga eksena dahil sa pinapaka-walan niyang emosyon. "Walang aksyon, pero hirap ako sa emosyon," admits Iza. Sabi ng isang movie scribe, bakit nahihirapan si Iza samantalang Hollywood actress ang dating niya? "Wala namang kinalaman 'yon dito. Mahirap kasi sa series, may asawa ako't may anak. Pamilyado akong tao rito. Ang layo sa totoong buhay, di ba? "I've never been in that position naman, so iniisip ko na lang kung ano 'yung feeling syempre with the guidance of my directors and with the help of my co-actors," kuwento pa ng magaling na aktres. Sinang-ayunan din naman ito ng Joaquin Bordado director na si Mac Alejan-dre. Sabi niya, totoong pini-piga niya ang bawat emos-yon ng kanyang mga artista sa naturang serye. Pero, sa tanong kung handa na ba si Iza na ma-link sa kanyang leadingman na kilala sa pagiging malapit sa mga nagiging leading lady, binalingan ni Iza ang kata-bing direcktor at tila humi-hingi ng kasagutan sa tanong. "Ready na ba akong ma-link, direk," maikling tanong ng dalaga kay Direk Mac. "Meron bang leading lady si Robin na hindi nali-link sa kanya? Lahat naman yata, 'di ba? Wala namang nakaliligtas," sagot ng direktor. * * * CONTRARY to what we've been hearing about Baron Geisler na diumano'y mapapraning ka kapag kausap ito, masarap din namang palang kakuwentuhan ang controversial actor. Napatunayan namin ito sa ipinatawag na presscon ng Star Cinema para sa pelikulang Supah Papalicious topbilled by Vhong Navarro, Makisig Morales, Kitkat, Mura and Valerie Concepcion. May sense din naman palang kausap ang ex-PBB star. Pag-upo pa lang ni Baron sa table namin, isinawalat ka-agad ng aktor that he's undergoing counselling sessions. Bunsod na rin daw ito ng mga kontrobersiyang kinasa-sangkutan niya in the past. "Okey naman ako," he said. "I'm trying to go through this counselling session. So far, so good. 'Yun lang ang masasabi ko at this point. Mas mabuti sigurong makita na lang ng mga tao 'yung pagbabago ko kaysa magsalita ako regarding that. Sila na lang ang humusga in the future. " Sabi pa ni Baron, hindi raw niya mabibigyang solus-yon ang problemang ito kung wala ang suporta ng ibang tao. "Pero siyempre, alam kong ako lang naman ang makatutulong talaga sa sa-rili ko," lahad pa nito. Aside from Supah Papalicious, natapos na rin ni Baron ang digital film na Torotot (Destierro) with Maui Taylor, Yul Servo and Andrew Schimmer. May sisi-mulan na rin daw siyang isa pang digital film any time soon. "It's a gay-themed indie movie. I already read the script at nagustuhan ko ito. Actually, I'm co-producing it. Kaya 'yung talent fee ko for that hindi ko na kukunin and I'll invest it na lang para lalo naming mapaganda ito," excited siyang nagku-kuwento sa amin tungkol sa role niya bilang gay serial kil-ler. Come Holy Week, Ba-ron will play Judas sa isang street play titled Senakulo bilang bahagi ng selebrasyon ng Lenten Season ng Kamay Ni Hesus Healing Center sa Lucban, Quezon ni Father Joey Faller. "This will be my first time to play Judas in a stage play, actually, a street play. I'll be working with direk Maryo J. (de los Reyes, direktor niya sa Torotot) again so excited ako with this. "I will have scenes with Christopher de Leon, who will play the role of Lazarus. Just the mere thought of it really excites me. Besides, teatro 'yun, sa kalye nga lang gagawin. Pero, ganu'n pa rin ang concept nito," ani Baron. * * * For comment, e-mail us at whalesharkph@ gmail. com Source: Taliba |