Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Baron, masyadong ini-enjoy ang buhay -- Jodi

Author: Vinia Vivar
Column: Hot N' Spicy

Solong ipina-presscon ng ABS-CBN si Jodi Santamaria last Thursday night kaugnay ng pagpasok niya sa seryeng Tayong Dalawa starring Gerald Anderson, Kim Chiu and Jake Cuenca.

Ginagampanan niya ang papel na Angela Rodriguez, kapatid ni Loretta played by Mylene Dizon.

Siya ang magiging tagapagtanggol ni Loretta at ni Audrey (Kim) na laging sinasaktan nina Spanky Manikan at Anita Linda.

Nakaka-five taping days na raw siya at nagsimula na ring ipakita sa serye.

Excited si Jodi na umarte uli lalo't magagaling na aktor at aktres ang makakasama niya. Huli siyang napanood sa Palos at medyo maikl lang ang kanyang role.

Since makakasama rin niya sa Tayong Dalawa ang ex-boyfriend na si Baron Geisler, natanong si Jodi tungkol dito at aniya, hindi pa sila nagkikita since magkaiba ang kanilang location.

Sa karakter ni Jodi, medyo malayong magkaroon sila ng eksena ni Baron dahil magkaiba ang mundo nila sa serye.

But the actress expressed her willingness to work with Baron and in fact, excited nga siya dahil matagal na rin silang hindi nagkakatrabaho.

"I'm excited to work with him because Baron is a good actor. Magaling siyang artista and na-e-excite ako na magkaroon kami ng scene together because the last time na nakatrabaho ko siya, Tabing Ilog pa. And ngayon, sobrang nag-evolve na siya bilang aktor. Kumbaga, iba kami noon, iba na rin kami ngayon. Lahat kami. "

Kung magkaka-partner sila ay wala raw problema sa kanya, pero so far, wala pa naman siyang alam na magkakaroon sila ng eksena together.

Kahit hindi sila nagkikita, for sure, nakakarating din kay Jodi ang mga negatibong publisidad tungkol kay Baron at say niya, siguro ay hindi lang alam ng tao ang tunay nitong pagkatao.

"Mabait naman siya, eh. Siguro masyado lang niyang ini-enjoy ang life niya ngayon. And ako, feeling ko, lahat naman ng nangyayari sa tao, feeling ko, phase lang 'yan, eh, and alam ko, eventually, he'll get out of it. Saka, naniniwala nga ako talaga na hindi nakikita ng tao kung ano siya talaga. "

Inamin naman ni Jodi na first boyfriend niya si Baron, pero ang first love raw niya ay ang kanyang asawang si Pampi Lacson.

"Dalawa lang naman sila, eh. After Baron, si Pampi na," she said.

May isa na silang anak ni Pampi, si Thirdy na three years old na at excited ang aktres dahil ipapasok na raw niya ito sa school sa June.

* * *

Lagi palang napagkakamalan si Empress Schuck na Valerie Concepcion. Tanong nga niya nang makausap namin siya sa presscon ng Your Song Presents Underage, "kamukha ko ba?"

Actually, say niya, iba-iba ang sinasabing kamukha niya.

"'Yung iba, sabi, Gretchen (Barretto) daw, may ano pa nga, eh, Locsin? Rio Locsin? Pero maraming nagsasabing Valerie. Okay lang sa akin, kasi magkakilala naman kami. Magkapatid naman kami sa management (pareho silang under Becky Aguila, pero si Empress ay co-managed by Star Magic)," say ng young actress.

Pero kung siya ang tatanungin, sa lahat ng mga sinabing kamukha niya, mas gusto niya si Gretchen.

"Siyempre, Gretchen. Huwag ko lang daw gagayahin ang attitude, joke!" say niya saka bumungisngis.

"Hindi, kasi iyon ang sinasabi nila, kamukha ko pero sana raw huwag ko gayahin ang ugali, ewan ko. Pero okay sa akin kung Gretchen, okay din si Ate Val. "

Sa Underage, gagampanan ni Empress ang papel na Cecilia, ginampanan ni Maricel Soriano sa movie version.

Say niya, first taping day pa lang, daring na para sa kanya ang ipinagawa.

"Kasi para sa akin, daring na 'yung nakasuot ng maikling damit or naka-sleeveless, daring na 'yon para sa akin," she said.

Sana nga raw, hanggang ganu'n lang at hindi pa siya bigyan ng kissing scene dahil ayaw pa niya.

"Huwag na muna. Kasi siyempre, hindi pa nga ako nagkaka-boyfriend, tapos, mauunahan na kaagad sa screen, huwag naman," say pa niya.

At 16, bawal pa talaga siyang makipag-boyfriend. Sinabihan daw siya ng manager niya at ng parents niya na huwag muna, pero siya man, ayaw pa dahil gusto niya munang mag-aral at magtrabaho.

"Feeling ko kasi, sa studies ko, medyo kulang pa, kasi mas malaki ang focus ko sa career ko, sa career ko, kulang pa rin. 'Pag medyo natupad ko na siguro ang pangarap ko at 'pag natapos ko na ang pag-aaral ko, at kung stable na ako. "

Kaya sa ngayon, hanggang crush na lang muna siya.

Anyway, magsisimula ang Underage sa March 1. Kasama rin dito sina Melissa Ricks, Lauren Young, Rafael Rosell, AJ Perez at Matt Evans.

Source: People's Tonight