|
|
| Baron, walang anak kay Nadia![]() Author: Vinia Vivar Sa presscon ng Supah Papalicious starring Vhong Navarro and Valerie Concepcion, na-interview ng press si Baron Geisler tungkol sa pagkaka-drag ng pangalan niya sa issue nina Nadia Montenegro at Gretchen Barretto. Kahit maselan ang issue, sinagot lahat ni Baron ang tanong at say niya, wala siyang kaalam-alam na laman na pala siya ng blind items na diumano ay anak niya ang isa sa mga anak ni Nadia. "Ngayon ko nga lang nalaman nang itanong n'yo sa akin," he said. Unang-unang klinaro ni Baron, walang katotohanan ang tsismis. "You know what, kahit pasaway ako, hindi ako ganoon katapang. Hindi ako ganoon katanga para gawin 'yun, lalo't kakilala ko si Tito Boy (Asistio). 'Di ko magagawa 'yun," he said. "I don't think na ganoon si Nadia. Family friend siya. Kaibigan 'yan ng mommy ko. I will stick beside her and I don't believe na may tsismis na ganoon na niloloko niya si Tito Boy. It's not true," dagdag pa niya. Hindi rin daw niya alam kung bakit siya na-drag sa issue gayung nananahimik siya. "Actually, wala akong alam sa mga nangyayari. Nakukornihan kasi ako sa ganyang mga isyu. Alam kong may gulo sila, pero hindi ko alam na nasasangkot ako. "Nakaka-bad trip. Nakaka-bother dahil it's a big issue. Ayaw kong maging parte ng isyu na ito dahil hindi ko kailangan sa buhay ko," seryoso pang sabi ni Baron. Marami raw siyang pinagkakaabalahang proyekto at ito ang mas iniintindi niya kesa sa kung anu-anong tsismis na wala namang katotohanan. Bukod sa comedy film na Supah Papalicious na showing na sa March 22 under Star Cinema, kasama rin si Baron sa pelikulang Torotot at may gagawin din siyang isang indie film na aniya'y napakaganda ng materyal. Nagulat ang young actress dahil wala raw siyang kaide-ideya na sa kanya ito ibibigay. Ang alam daw niya ay Maligno lang ang project niya with Claudine Barretto at hindi niya alam na may solo teleserye pang ibibigay sa kanya. Habang kausap nga namin si Kim, para siyang nakalutang sa alapaap habang sumasagot sa mga tanong. Panay ang tawa niya at kitang-kita kung gaano siya kasaya. Hindi pa raw niya alam kung sino ang magiging leading man niya sa nasabing serye, pero kung siya ang tatanungin, si Gerald Anderson pa rin ang gusto niya dahil kumportable na siya sa ka-loveteam. Kinumpirma naman sa amin ng isang staff ng ABS-CBN na si Gerald ang magiging leading man ni Kim sa My Girl. Matatandaang si Kim ang Big Winner ng PBB Teen Edition 1. Ngayong may bago na namang edisyon, aniya ay natutuwa siya't may mga aspirant na namang mabibigyan ng pagkakataong matupad ang pangarap tulad ng nangyari sa kanya, Sa March 23 na ang pormal na pagsisimula ng PBBTE Plus kasama ang hosts na sina Toni Gonzaga, Bianca Gonzales, Mariel Rodriguez at Luis Manzano. Mayroon ding PBBTE Plus Primer sa March 16, 9:45 p. m. Anim na lalaki at anim na babae ang maglalaban-laban sa grand finals ng AI. Aside from Ramiel, ang lima pang female contestants ay sina Amanda Overmyer, Carly Smithson, Kristy Lee Cook, Syesha Mercado at Brooke White. Ang six male contestants are David Archuleta, David Hernandez, David Cook, Jason Castro, Chikezie at Michael Johns. Ang masaklap lang, pasok man sa Top 12, nasasangkot naman sa iskandalo si Ramiele. Kalat na ang controversial photos ni Ramiele sa Internet, kung saan hawak-hawak nito ang kaliwang dibdib ng isang kasamahang waitress sa isang sushi bar sa Florida. Una itong nabalita sa CelebTV. com at Fox News, na nagsabi ring may isa pang litrato na boobs naman ni Ramiele ang tangan ng isang kaibigan. Ang tanong: Makaapekto kaya ito sa tsansa niyang tanghalin bilang American Idol? Ang AI ay napapanood sa Q-11 mula Wednesday to Friday, 6 p. m. Source: People's Tonight |