|
|
| Bata ni Pacman, suspek ni Ara sa paniniraAuthor: Gerry Ocampo Hindi na naitago ni Ara Mina ang pagkainis sa tsikang baon siya sa utang kaya suma-sideline sa Japan bilang Japayuki. Aniya, hindi na nakakatuwa ang mga ginagawang isyu sa kanya. Bukod kasi sa pagja-Japayuki, hindi pa rin matigil-tigil ang pagli-link sa kanila ng Pambasang Kamao na si Manny Pacquiao. Sa totoo lang, ang hinala ni Ara, kapag isyu tungkol sa kanila ni Pacman, ang mga nakapaligid din dito ang nagpapakalat nito. Tsika pa ni Ara, may nag-text sa kanyang kaibigan na naka-base sa Las Vegas at sinabi nitong nandoon pala siya sa Las Vegas kasama ni Manny. "May nag-text sa akin habang lumalaban siya (Pacman). Ang sabi, nandito ka pala sa Vegas kasama ni Manny, magkita naman tayo. "Siyempre, nainis ako, pero para masiyahan ang mga naninira sa akin, nag-text-back ako ru'n sa friend ko na, 'oo, heto nga, eh, katabi ako ni Manny at minamasahe ko pa siya," inis na kuwento ni Ara. Dagdag niya, may kinaiinisan siyang tao sa kampo ni Manny. Bukod daw sa bastos itong makitungo sa mga babae, may anomalya pang ginagawa. Pero, pinatawad pa rin daw ito ni Manny, kaya kasa-kasama pa rin sa grupo ng Pambansang Kamao. "Pakiramdam ko, ang taong 'yon ang nagkakalat ng mga maling balita tungkol sa akin at kay Manny," emote ni Ara. Sino kaya siya? * * * Aminado si Jennylyn Mercado kabado siya sa concert niya sa Music Museum titled "Jennylyn Mercado...I Am Woman. " Say mo Patrick Garcia, Si Mark Herras ang napili ni Jen na magbigay sa kanya ng flowers pagkatapos ng concert dahil sa kabila ng lahat ay naging magkaibigan pa rin sila. Hindi naman daw banned si Patrick sa concert at puwede manood ang father ng kanyang baby basta bumili ng ticket Ang hindi lang puwedeng mangyari ay magpumilit si Patrick na makita ang kanilang anak na si Alex Jazz Nakahanda na rin si Jen kung dumating ang araw na magkaroon ng court settlement para sa right ni Patrick sa bata? Aniya: "Wala siguro, Kasi unang-una sa birth certificate, apelyido, talo na siya. It`s Mercado, Hindi siya nakapirma. Tapos, N/A ( sa father`s section ng birth certificate), Mas may naibibigay pa nga ang mga kaibigan ko kaysa sa kanya, di ba?" Hindi naman daw niya ililihim kay Alex Jazz ang tunay nitong ama,. At hindi naman daw niya sisirain sa isip ng bata ang ama. "Sasabihin ko sa kanya (baby Jazz) ang totoong nangyari. Hindi ko sisirain ang tatay niya, Kung ano yung totoo, lalabas at lalabas din naman yan. " say pa ni Jen Anyway, guest ni Jen sa concert on May 14 sina Ogie Alcasid, Janno Gibbs, magkapatid na Gemma at Jasmine Fitzgerald, Christian Bautista at Mark Herras. * * * Kuwela talaga ang segment nina Ogie Alcasid at Michael V as Angelina at Yaya sa Bubble Gang every Friday sa Siyete, Kaya naman mas ibayong pakuwela ang inihanda ng dalawa sa sitcom kasama ang BG barkada na sina Rufa Mae Quinto, Francine Prieto, Maureen Larrazaval, Wendell Ramos, Antonio Aguitania atbp Source: People's Tonight |